18/09/2026
โ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ก๐ ๐๐จ๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐ข๐โ
-ni J-Louie C. Caide
Tumunog ang orasan-labindalawang segundo bago maghapon,
Huling letraโy isinulat ko bago tuluyang matapos ang panahon.
May isang sagot na ilang ulit kong pinag-isipan,
At sa huling segundo, isinulat ko na lang kung saan ako naniniwala.
โTimeโs up.โ
Dalawang salitang biglang nagpatahimik sa buong silid,
Mga lapis ay tumigil, mga papel ay sabay na pinunit sa dibdib.
May mga matang nakatingin pa sa tanong na naiwan,
Parang may gustong habulin ngunit hindi na kayang balikan.
Isa-isa kaming lumabas, bitbit ang sariling kwento,
May nakangiti, may nagbibiro, may tahimik na nakayuko.
โAnong sagot sa number ten?โ tanong ng isang kasama,
At bago pa ako sumagot, may tatlo nang magkakaiba ang dala.
โB!โโC!โโHindi, D โyon!โ
Nagtawanan kaming lahat sa gitna ng hallway,
Dahil pare-pareho pala kaming hindi sigurado sa aming choices that day.
May nagsabing, โBahala na, tapos na naman,โ
Ngunit makalipas ang ilang hakbang, bumalik na naman ang tanungan.
May isang kaklaseng biglang tumigil sa may hagdan,
Hinawakan ang noo at malalim na napabuntong-hininga sa harapan.
โBakit ko ba binago โyung unang sagot ko?โ sambit niya nang mahina,
At ang sagot lang namin-tawa, dahil pareho rin kami ng problema.
Sa kabilang silid, may naiwan pang ilaw,
Habang ang araw sa labas ay dahan-dahang lumulubog sa ibabaw.
Pumasok ako sandali, baka sakaling nandoon ang aking payong,
Ngunit ang nadatnan koโy isang papel na naiwan sa ibabaw ng mesa kong kahapon.
Hindi iyon exam.
Isang maliit na scratch paper, gusot at halos mapunit,
May mga salitang isinulat ko habang ang utak koโy pilit na kumakapit.
Mga formula, pangalan, at mga bagay na kailangang tandaan,
At sa pinakailalim, may isang linya akong hindi ko maalalang isinulat noon pa man
โ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐จ๐ ๐๐ฆ๐โ
Matagal ko iyong tinitigan.
Tatlong salita lamang, pero parang buong semester ang bigat na dala ng laman.
Kaya tinupi ko ang papel at inilagay sa bulsa,
At naglakad palabas habang nagsisimula nang bumaba ang ulan sa lupa.
Sa bawat patak, nababasa ang sapatos kong kaninaโy malinis,
Pero sa unang pagkakataon, wala akong pakialam kung gaano man ito kadumi o kabigat sa pag-alis.
Sa waiting shed, nagsiksikan ang mga estudyante,
May kumakain, may nakikinig ng music, may nagkukuwento tungkol sa exam kanina.
May isang nagsabi, โSana mataas tayo,โ
At lahat ay sumagot ng, โSana.โ
Isang simpleng salita.
Pero sa dami ng beses naming sinabi iyon, parang doon ko narinig ang tunay naming nararamdaman.
Hindi kami sigurado.
Hindi namin alam kung sapat ba ang mga gabing nag-aral.
Hindi namin alam kung sapat ba ang mga sagot na aming ipinaglaban.
Hindi namin alam kung bukas ay may ngiti o luha ang naghihintay sa pangalan.
Pero umuwi pa rin kami.
Kinabukasan, bumalik kami sa parehong hallway,
Parehong silid, parehong upuan, parehong ingay na datiโy nakasanayan na namin every day.
Ngunit iba ang pakiramdam nang araw na iyon,
Dahil may isang papel na babalik sa aming mga kamay bago matapos ang leksyon.
Isa-isa silang tinawag.
May napangiti.
May napailing.
May tumahimik.
May nagkunwaring okay kahit halatang hindi.
Nang marinig ko ang pangalan ko,
Tumayo ako nang dahan-dahan, parang may dala-dalang mundo.
Kinuha ko ang papel.
Hindi ko agad tiningnan ang marka.
Sa halip, binaliktad ko muna.
Naalala ko ang scratch paper mula kahapon. Naalala ko ang tatlong salitang isinulat ko
โ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐จ๐ ๐๐ฆ๐โ
At sa pagkakataong iyon, saka ko naintindihan-
Hindi pala ako natatakot sa mababang marka.
Natatakot akong isipin na kapag mababa ang marka, mababa rin ang halaga ko bilang isang estudyante.
Kaya marahan kong binaliktad ang papel.
Anuman ang numerong naroon, alam kong may isang bagay na hindi kayang baguhin ng marka.
AKO.
Ako pa rin ang taong gumising nang maaga.
Ako pa rin ang taong nagbasa kahit antok na.
Ako pa rin ang taong pumasok kahit minsan ay ayaw na.
Ako pa rin ang taong humarap sa isang papel na walang kasiguraduhan at piniling sagutin ang bawat tanong hanggang sa huling segundo ng pagsusulatan.
At doon ko naisip
Ang exam pala ay may simula at may katapusan.
May tanong, may choices, may sagot, may marka pagkatapos.
Pero ang buhay ng isang estudyante-walang answer key na maaaring tingnan.
Kaya nang muli kong marinig ang tunog ng orasan, hindi na ako natakot sa bawat segundo ng pagtakbo ng panahon.
Dahil natutuhan kong may mga bagay na hindi sinusukat ng grado,
may mga laban na hindi kailangan ng medalya sa dulo, at may mga sagot na hindi kailangang tama para masabing may halaga.
Kaya isinara ko ang papel.
Tumayo.
At lumabas muli ng silid.
Parehong hallway.
Parehong mga tao.
Parehong mundo.
Pero ako-
"๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ง๐จ๐๐๐ ๐ก๐ ๐ง๐๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐จ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐"
Dahil minsan, ang pinakamahalahang natutuhan natin pagkatapos ng exam ay hindi ang sagot sa tanong na nasa papel
kundi ang sagot sa tanong na matagal nating iniiwasan
โKAPAG NAWALA ANG GRADO, ANG TITULO, ANG MEDALYA, AT PALAKPAK-SINO KA?
At sa pagkakataong iyon, hindi ko na kinailangan ng choices
Sapagkat, Pagkatapos ng Huling Bilog
๐๐๐ข.
๐๐๐ข ๐ฃ๐๐ฅ๐๐ก
๐๐ง ๐ฆ๐๐ฃ๐๐ง ๐ก๐ ๐ ๐จ๐ก๐ ๐๐ฌ๐ข๐ก.
โ๐ป: J-Louie Caide
๐จ: Francis Mendoza