Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay

Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay Ang opisyal na page ng Departamento ng Filipino ng MSU- Zamboanga Sibugay.

๐“๐š๐ฅ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐‡๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐’๐”๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Sa patuloy na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, matagumpa...
21/08/2026

๐“๐š๐ฅ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐‡๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐’๐”๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Sa patuloy na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, matagumpay na isinagawa ng Departamento ng Filipino ang mga paligsahang ๐—ฆ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜-๐—ฆ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜ at ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ noong Agosto 19, 2026. Nilahukan ang mga gawain ng mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang departamento ng MSU-Zamboanga Sibugay.

Layunin ng mga paligsahang ito na linangin ang malikhaing pagpapahayag at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral, gayundin ang higit na pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang wika ng kaalaman, malikhaing pagpapahayag, at pagkakakilanlan.

Sa Tagisan ng Talino, nasungkit ni ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ช๐—ฒ๐—ป๐—น๐—ฒ๐˜† ๐—Ÿ. ๐—ฌ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ๐˜€, mag-aaral ng Bachelor of Science in Environmental Science (BSES), ang unang puwesto. Nakamit naman ni ๐——๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป ๐——๐˜†๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ. ๐—๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ด ng Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) ang ikalawang puwesto, habang ikatlong puwesto naman si ๐—ž๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฒ ๐—Ÿ. ๐——๐—ฒ๐˜€๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ ng Bachelor of Secondary Education in English (BSED English).

Higit na naging makabuluhan ang mga paligsahan dahil sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral. Nagsilbing pagkakataon ito upang maipakita hindi lamang ang kanilang kaalaman at husay, kundi maging ang kanilang pagpapahalaga sa wikang Filipino. Naging masiglang tagpuan ang mga ito ng talino, pagkamalikhain, at pagmamahal sa wika โ€” mga pagpapahalagang patuloy na isinusulong ng Departamento ng Filipino. Samantala, matutunghayan naman sa nalalapit na kulminasyon ng Buwan ng Wika 2026 ang pagkilala sa mga nagwagi sa paligsahang Sulat-Siwalat.

Tunay ngang sa wika, may kaalaman; sa kaalaman, may kakayahan; at sa kabataan, may kinabukasang hinuhubog.

Mabuhay ang wikang Filipino!
Mabuhay ang mga kabataang MSUan!

๐ƒ๐š๐ง๐œ๐ž ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ, ๐ญ๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, matagumpa...
19/08/2026

๐ƒ๐š๐ง๐œ๐ž ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ, ๐ญ๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, matagumpay na isinagawa ang ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ sa pakikipagtulungan ng Departamento ng Filipino at Office of Culture and Arts. Ginanap ito noong Agosto 13, 2026 sa MSU-Zamboanga Sibugay Gymnasium. Layunin ng gawain na malinang ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa sayaw bilang mahalagang anyo ng pagpapahayag at bahagi ng kulturang Pilipino.

Pinangunahan ang dance workshop ng direktor ng Office of Culture and Arts na si Asst. Prof. Charmaine Manon-og, katuwang ang mga miyembro ng Sining Ghendawan Ensemble (SGE). Sa pamamagitan ng mga pagsasanay at demonstrasyon, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong matutuhan at maisagawa ang mga batayang galaw at teknik sa sayaw, gayundin ang kahalagahan ng disiplina, koordinasyon, at sama-samang pagkilos sa pagtatanghal.

Aktibong lumahok sa dance workshop ang mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang kolehiyo ng MSU-Zamboanga Sibugay, kabilang ang College of Nursing (CON), Senior High School (SHS), College of Hospitality, Administration and Computing Studies (CHACS), at College of Agriculture and Fisheries (COAF). Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang pakikiisa at kahandaan sa mga gawaing nagtataguyod ng pagpapahalaga sa kultura at sining bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Ikinagagalak ng Departamento ng Filipino ang matagumpay na pagsasakatuparan sa isinagawang seminar-workshop na may teman...
18/08/2026

Ikinagagalak ng Departamento ng Filipino ang matagumpay na pagsasakatuparan sa isinagawang seminar-workshop na may temang, ๐’๐ˆ๐Š๐‹๐€๐-๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ-๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง, ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ฌ๐š ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ. Ginanap ito noong Agosto 13, 2026 sa St. Paul School of Buug, Incorporated.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, layunin ng gawaing ekstensyon na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa wikang Filipino, katutubong wika at kultura, gayundin sa mga napapanahong usaping may kaugnayan sa paggamit ng wika sa konteksto ng teknolohiya. Isinagawa ito sa pangunguna ng tserperson ng departamento, Asst. Prof. Fatima T. Evangelista, katuwang ang mga fakulti ng Departamento ng Filipino. Nakiisa rin sa pagsasagawa ng programa ang mga opisyales ng Kabataang Mag-aaral ng Filipino at Panitikan (KAMFILAN) at Filipino Educatorsโ€™ Society (FES).

Nagsilbing susing tagapagsalita sa seminar-workshop ang ilang fakulti ng Departamento ng Filipino. Unang tinalakay ni Gng. Zey C. Torino ang paksang, "๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ช๐™—๐™–๐™ฃ๐™š๐™ฃ: ๐™๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ง๐™ช๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™—๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–." Nakatuon ang talakayan sa kahalagahan ng Wikang Subanen bilang bahagi ng katutubong wika at kultura at sa ambag nito sa pagpapalawak ng pag-unawa sa wikang pambansa. Sinundan naman ito ng lektyur ni G. Rico C. Tachado na pinamagatang,"๐™€๐™๐™๐™Š๐™ 404: ๐™’๐™ž๐™ ๐™– ๐™‰๐™ค๐™ฉ ๐™๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™? ๐™‹๐™–๐™–๐™ฃ๐™ค ๐™‰๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™ช๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™„ ๐™ˆ๐™–๐™œ-๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค?". Tinalakay sa lektyur ang ugnayan ng wikang Filipino at artificial intelligence, partikular ang mga posibilidad at hamon sa paggamit ng Filipino sa konteksto ng mga makabagong teknolohiya. Sa ginawang lektyur, aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng St. Paul sa talakayan at mga workshop na isinagawa.

Sa huling bahagi ng seminar-workshop, nagpaabot ng mensahe si G. Benedict E. Bais, Assistant Principal/Academic Coordinator ng St. Paul School of Buug, Incorporated. Nagbigay rin ng mensaheng pasasalamat sa departamento ang isa sa kanilang mag-aaral para sa isinagawang gawain.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Departamento ng Filipino sa St. Paul School of Buug, Incorporated, sa pangunguna ni Sr. Maria Socorro Marcos, SPC sa mainit na pagtanggap at suporta sa pagsasagawa ng SIKLAB-WIKA 2026. Pinahahalagahan ng departamento ang pakikipagtulungan ng paaralan sa mga gawaing naglalayong mapalawak ang kaalaman, pag-unawa, at pagpapahalaga sa wikang Filipino at kultura, gayundin sa mga napapanahong usaping may kaugnayan sa wika at teknolohiya.

๐—ž๐—”๐— ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฎ๐˜ ๐—™๐—˜๐—ฆ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—›๐—œ๐—ก๐—จ๐—š๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒIsang makabuluhan at masayang Team Building at Clean-Up Drive ang isinagawa n...
13/08/2026

๐—ž๐—”๐— ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฎ๐˜ ๐—™๐—˜๐—ฆ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—›๐—œ๐—ก๐—จ๐—š๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Isang makabuluhan at masayang Team Building at Clean-Up Drive ang isinagawa ng Filipino Educatorsโ€™ Society (FES) at Kabataang Mag-aaral ng Filipino at Panitikan (KAMFILAN) sa MSU-Zamboanga Sibugay noong Agosto 7, 2026.

Sa temang โ€œ๐™ƒ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™œ๐™ฅ๐™ค๐™ฃ๐™œ 2026: ๐˜ฟ๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ ๐™ฃ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ฃ,โ€ naging daan ang gawain upang higit na mapalalim ang pagkakaisa, pagtutulungan, at pagkakaibigan ng mga mag-aaral ng BA Filipino at BSEd Filipino. Sa pamamagitan ng team building, naipamalas ng bawat isa ang tunay na diwa ng pakikipagtulungan at bayanihan, lalo na ng mga bagong mag-aaral o freshies na aktibong nakilahok sa mga gawain.

Bukod dito, hindi lamang samahan ang pinatatag, kundi maging ang malasakit sa pamantasan at kapaligiran sa pamamagitan ng Clean-Up Drive. Sa gawaing ito, naipamalas ng mga mag-aaral na ang tunay na tatag ng isang samahan ay nasusukat hindi lamang sa pagkakaisa, kundi sa sama-samang pananagutan at pagkilos para sa kabutihang panlahat. Tunay ngang ang pagkakaisang may malasakit ay nagiging makabuluhan kapag isinasalin sa gawa โ€” para sa kapwa, para sa pamantasan, at para sa kinabukasan.

Isang diwang pinagyaman, isang samahang pinatatag!
Mabuhay ang KAMFILAN at FES! ๐Ÿ’š

๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ก๐—จ๐—ž๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—ฆ๐—จ-๐—ญ๐—”๐— ๐—•๐—ข๐—”๐—ก๐—š๐—” ๐—ฆ๐—œ๐—•๐—จ๐—š๐—”๐—ฌMatagumpay na isinagawa ng Departamento ng Filipino ang p...
13/08/2026

๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ก๐—จ๐—ž๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—ฆ๐—จ-๐—ญ๐—”๐— ๐—•๐—ข๐—”๐—ก๐—š๐—” ๐—ฆ๐—œ๐—•๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ

Matagumpay na isinagawa ng Departamento ng Filipino ang pambukas na palatuntunan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 noong Agosto 3, 2026. Tampok ang temang, โ€œ๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐˜ผ๐™„: ๐™†๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™ ๐™จ๐™ž๐™  ๐™–๐™ฉ ๐™๐™ช๐™ก๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™”๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ข๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ,โ€ na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng wikang Filipino sa paglikha at pagpapalaganap ng kaalaman sa panahon ng makabagong teknolohiya. Malugod na nakiisa sa programa ang mga fakulti at kawani ng MSU-Zamboanga Sibugay, katuwang ang mga mag-aaral ng BA Filipino at BSEd Filipino.

Tampok sa programa ang paglalahad ng mga gawaing inihanda ng departamento para sa buong buwan ng Agosto. Naging masigla rin ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Buwan ng Wika Trivia at Hularawan, na nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na subukin at ibahagi ang kanilang kaalaman hinggil sa wika, kasaysayan, at panitikan.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, kinilala rin ang mga fakulti at mag-aaral na namukod-tangi sa pagsusuot ng katutubong kasuotan, na nagpapakita ng pagpapahalaga sa yaman, pagkakaiba-iba, at kagandahan ng kulturang Pilipino.

Sa kabuuan, naging masigla at makabuluhan ang pagbubukas ng Buwan ng Wika 2026, na nagsilbing panimula sa serye ng mga gawaing naglalayong itaguyod ang wikang Filipino bilang mahalagang wika ng kaalaman, pananaliksik, kultura, at makabuluhang komunikasyon sa panahon ng makabagong teknolohiya.

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฆ๐—จโ€“๐—ญ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ฏ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜†Matagumpay na pinangunahan ng Departame...
29/07/2026

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฆ๐—จโ€“๐—ญ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ฏ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜†

Matagumpay na pinangunahan ng Departamento ng Filipino, sa pakikipagtulungan sa Office of Culture Affairs, ang pagdiriwang ng Linggo ng Musikang Pilipino sa pamamagitan ng iba't ibang gawaing nagbigay-pugay sa mayamang pamana ng Original Pilipino Music (OPM).

Bilang bahagi ng isinagawang Flag Raising Ceremony, naging masigla ang umaga sa pamamagitan ng OPM Trivia at "Guess the Tune," kung saan buong siglang nakiisa ang mga administrador, g**o, kawani, at mga mag-aaral sa paghula ng mga tanyag na awiting Pilipino.

Sa hapon naman ay idinaos ang masayang OPM Presentation at Jamming Session sa MSU-ZS Gymnasium, tampok ang Himig Megayon at ang mga natatanging pagtatanghal ng mga mag-aaral. Naging daan ang programa upang higit pang mapalalim ang pagpapahalaga sa musikang Pilipino bilang mahalagang bahagi ng ating kultura, kasaysayan, identidad, at pambansang pagkakaisa.

Lubos na ipinahahayag ng Departamento ng Filipino at Office of Culture Affairs ang taos-pusong pasasalamat kay Chancellor Prof. Sheila G. Magolama, PhD sa kanyang walang sawang suporta at patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkultura at pangsining ng pamantasan. Taos-pusong pasasalamat din sa mga bise tsanselor, dekana at dekano, mga pinuno ng tanggapan, mga g**o, kawani, at mga mag-aaral na naglaan ng kanilang panahon, suporta, at aktibong pakikilahok upang maging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang na ito.

Nawa'y patuloy nating tangkilikin, ipagmalaki, at isabuhay ang musikang Pilipino bilang buhay na pagpapahayag ng ating pagka-Pilipino.

Mabuhay ang OPM! Mabuhay ang musikang Pilipino! ๐ŸŽถ







Maalab na pagbati sa isa sa mga fakulti ng departamento - Maรกm Zey C. Torino,  sa kanyang pagkakapili bilang isa sa mga ...
23/07/2026

Maalab na pagbati sa isa sa mga fakulti ng departamento - Maรกm Zey C. Torino, sa kanyang pagkakapili bilang isa sa mga kalahok sa ๐–จ๐—„๐–บ๐—…๐—‚๐—†๐–บ๐—‡๐—€ ๐–ฒ๐–บ๐—…๐—‚๐—‡๐—€ ๐–ฏ๐–บ๐—‡๐—‚๐—๐—‚๐—„: ๐–ก๐—‚๐–พ๐—‡๐—๐–พ๐—‡๐—‚๐–ฝ๐—ˆ ๐–ซ๐—Ž๐—†๐–ป๐–พ๐—‹๐–บ ๐–ฒ๐–พ๐—†๐—‚๐—‡๐–บ๐—‹-๐–ฏ๐–บ๐—…๐—‚๐—๐–บ๐—‡. Nawa'y maging makabuluhan at mabunga ang karanasang ito, at magsilbi itong inspirasyon sa buong departamento.


Malugod na binabati ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing ang mga napiling kalahok sa Ikalimang Saling Panitik: Bienvenido Lumbera Seminar-Palihan. Ang tema ngayong taon ay "Pagsasalin bilang Pedagohiya".

Inaasahan namin na magiging makabuluhang pagkakataon ang seminar-palihan upang higit na mapaunlad ang inyong kasanayan, makapagbahaginan ng mga pananaw, at makapag-ambag sa patuloy na pagyabong ng pagsasalin sa bansa.

Muli, pagbati sa mga kalahok:

โ€ข Abonales, Therese Padilla
โ€ข Abubakar, Abdullah Tabale
โ€ข Amorado, Jose Amado Correos
โ€ข Angara, Chezka Mayne Chavezโ€ข Apolonio, Jennelle Fabrosโ€ข
Aquino, Friedrich Andres
โ€ข Aratea, Marko Lim
โ€ข Bagon-Faeldan, April Manalo
โ€ข Banagbanag, Rogelio Abayon
โ€ข Barcelon, Jessie Enabore
โ€ข Barquilla, Angelo Bercilla
โ€ข Basierto, Jill Cerbito
โ€ข Bonabon, Mark Pugnit
โ€ข Camba, Moreal Nagarit
โ€ข Collera, Mark Aaron Alaras
โ€ข Daquioag, Sherwin Duco
โ€ข Del Monte, Kent Bantilo
โ€ข Dela Cerna, Michael Angelo Estrella
โ€ข Dizo, Rommel Niala
โ€ข Edraga, Julie Ann De Asis
โ€ข Falcutila, Erdy Freian Parto
โ€ข Floquencio, Jarhyn Diaz
โ€ข Francisco, Karen Humpay
โ€ข Fuentes, Consuelo Celine Orogo
โ€ข Garces, Jan Kenneth Bautista
โ€ข Grumo, Peter Jr. Tipactipac
โ€ข Hinampas, Lourdes Zorilla
โ€ข Hugo, Benita Balla
โ€ข Jimenez, Trishia Kaye Dizon
โ€ข Katimbang, Rachel Del Rosario
โ€ขLanzaderas, Cris Roxas
โ€ข Ledesma-Aves, Marrianne Salvador
โ€ข Luza, Jeslie del Ayre
โ€ข Macawili, Roland Abinal
โ€ข Mendoza-Lopez, Des Mendoza
โ€ข Raรฑosa Navarro, Alyssa Danielle
โ€ข Paderan, Mark Philip Castillo
โ€ขPandapatan, Alican Mendez
โ€ข Revadulla, Mark John Anthony Capistrano
โ€ข Reyes, Jessica May San Agustin
โ€ข Rivera, Arjie Cargamento
โ€ข Rivera, Janet Ferrer
โ€ข Salcedo, Jedidiah Martin
โ€ข Sarandin, Marwin Dalisay
โ€ข Suelan, Liane Carlo Rala
โ€ข Tahir, Mubarak Maliga
โ€ข Tan, Krisnah Ann Miranda
โ€ข Torino, Zey Colita
โ€ข Valenzuela, Christian Loid
โ€ข Virador-Cagayan, Farah Aimee Serapio

Magkita-kita tayo sa Ikalimang Saling Panitik: Bienvenido Lumbera Seminar-Palihan!

๐—ฉ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜ ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐˜€:
๐™’๐™š๐™—๐™จ๐™ž๐™ฉ๐™š: https://panitikanph.com
๐™„๐™ฃ๐™จ๐™ฉ๐™–๐™œ๐™ง๐™–๐™ข: likhaan.upd.icw
๐™๐™ž๐™ ๐™๐™ค๐™ : panitikanph
๐™Ž๐™ฅ๐™ค๐™ฉ๐™ž๐™›๐™ฎ: Likhaan: UP Institute of Creative Writing https://rb.gy/jp5iw4
๐™”๐™ค๐™ช๐™๐™ช๐™—๐™š ๐˜พ๐™๐™–๐™ฃ๐™ฃ๐™š๐™ก: Likhaan: UP Institute of Creative Writing

Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Linggo ng Musikang Pilipino, alinsunod sa CHED Memorandum No. 300, series of 2026 ng...
20/07/2026

Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Linggo ng Musikang Pilipino, alinsunod sa CHED Memorandum No. 300, series of 2026 ng Commission on Higher Education (CHED), at sa nalalapit na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, nagsagawa ng pagpupulong ang Departamento ng Filipino upang pag-usapan ang mga plano at iba pang gawaing isasagawa sa buwan ng Agosto.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang mga panukalang aktibidad para sa Buwan ng Wika, ang pagbuo at paglinang ng mga workbook para sa programa, at iba pang mga gawaing pang-akademiko at pangkomunidad na nakahanay sa Sustainable Development Goals (SDGs).

Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano at pagtutulungan, patuloy na isinusulong ng departamento ang pagtaguyod ng mga makabuluhang gawaing pang-akademiko at mga gawaing sumasalamin sa layunin ng departamento, habang patuloy na pinayayabong ang wikang Filipino bilang wika ng edukasyon, kultura, at pambansang identidad.

๐Ÿ“ฃ ๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž | ๐Œ๐€๐˜ ๐๐€๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐‘๐€๐๐† ๐’๐‹๐Ž๐“๐’ ๐๐€ ๐’๐€ ๐๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž! Nais mo bang maging dalubhasa sa wikang Filipino, panitikan, kultura...
06/07/2026

๐Ÿ“ฃ ๐€๐๐”๐๐’๐˜๐Ž | ๐Œ๐€๐˜ ๐๐€๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐‘๐€๐๐† ๐’๐‹๐Ž๐“๐’ ๐๐€ ๐’๐€ ๐๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž!

Nais mo bang maging dalubhasa sa wikang Filipino, panitikan, kultura, pananaliksik, at komunikasyon?

Magandang balita!

Mayroon pang natitirang slots para sa Bachelor of Arts in Filipino (BA Filipino) para sa Academic Year 2026โ€“2027.

โœ… Bakit BA Filipino?

Malalim na pag-aaral sa wika, panitikan, at kulturang Filipino.
Pagsasanay sa pananaliksik, malikhaing pagsulat, at komunikasyon.
Naghahanda ng mga propesyonal para sa iba't ibang larangan tulad ng edukasyon, media, pananaliksik, pamahalaan, at iba pa.

๐Ÿ“Œ Huwag palampasin ang pagkakataon! Magpatala na habang may bakanteng slots pa.

๐Ÿ“ Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Departmento ng Filipino o bumisita sa Admission Office

22/04/2026

Address

Datu Panas Buug Zamboanga Sibugay
Buug
7009

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Departamento ng Filipino - MSU-Zamboanga Sibugay:

Shortcuts

Share

Category