Ang Chilangkok

Directions

Ang Chilangkok "๐—”๐—ป๐—ด ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ธ" ay ang Opisyal na Pahayagan ng Salvacion National High School

PSDS: Panibagong Kuwento ng Bokasyon ni  Maโ€™am Evelyn B. NadadoMula sa pisara tungo sa pamumuno, iniwan ni Maโ€™am Evelyn ...
21/09/2026

PSDS: Panibagong Kuwento ng Bokasyon ni Maโ€™am Evelyn B. Nadado

Mula sa pisara tungo sa pamumuno, iniwan ni Maโ€™am Evelyn B. Nadado ang mga bakas ng paglilingkod sa bawat paaralang kanyang napaglingkuran.

Kung may mga g**ong nagtuturo ng aralin, may mga g**o namang nag-iiwan ng aral na higit pa sa nakasulat sa pisara, itinanim sa puso at pinalago ng karanasan at tagumpay.

Isa sa kanila si Maโ€™am Evelyn B. Nadado, na sa loob ng halos tatlong dekada ay naglaan ng panahon, kaalaman, at dedikasyon sa larangan ng edukasyon. Mula sa pagiging g**o hanggang sa pagiging punongg**o, ang kanyang paglalakbay ay dumaan sa ibaโ€™t ibang paaralan, hamon, at tungkulinโ€”hanggang sa panibagong yugto ngayon ng kanyang bokasyon ang pagiging isang PSDS o Public Schools District Supervisor ng Culion, Palawan.

Mula sa Silid-Aralan

Noong 1995, nagsimula ang kanyang karera bilang g**o sa Salvacion National High School. Sa harap ng pisara at sa loob ng silid-aralan, hindi lamang mga aralin ang kanyang itinuro. Kasama sa bawat pagtuturo ang mga pagpapahalaga at karanasang maaaring dalhin ng mga mag-aaral sa kanilang pag-alis sa paaralan.

Mahigit isang dekada ang inilaan niya sa pagtuturo bago niya tahakin ang panibagong direksiyon ng kanyang karera.

Noong Oktubre 11, 2006, itinalaga siya bilang School Principal I ng New Busuanga National High School. Mula sa pagiging g**o, humarap siya sa mas malalim at mas malawak na responsibilidadโ€”ang manguna, magpasya, at makipagtulungan sa buong komunidad ng paaralan.

Mga Paaralang Naging Bahagi ng Kuwento

Hindi natapos sa New Busuanga ang kanyang paglalakbay.

Noong Nobyembre 2014, muling bumalik si Maโ€™am Nadado sa Salvacion National High School, sa pagkakataong ito bilang School Principal II. Hanggang Mayo 2020, naging bahagi siya ng araw-araw na buhay ng paaralan, kasama ang mga g**o, mag-aaral, magulang, at iba pang katuwang sa komunidad.

Pagkaraan nito, ipinagpatuloy niya ang kanyang serbisyo sa Concepcion National High School mula Hunyo 2020 hanggang Oktubre 2024 bilang School Principal II.

Ngunit tila may mga kuwentong sadyang kailangang balikan.

Noong Nobyembre 2024, muli siyang nagbalik sa Salvacion National High School. Sa kanyang pagbabalik, dala niya hindi lamang ang karanasan mula sa mga paaralang kanyang napaglingkuran kundi ang mas malawak na pananaw at mas malalim na determinasyon na nabuo sa paglipas ng mga taon.

Hanggang Setyembre 2026, muli niyang pinangunahan ang SNHS.

Sa bawat paaralang kanyang napuntahan, may mga taong nakasama at mga karanasang naging bahagi ng kanyang paglalakbay. Ang bawat paglipat ay nagdala ng bagong responsibilidad, ngunit nanatili ang iisang layuninโ€”ang maglingkod sa edukasyon.

Isang Bagong Pahina

Ngayon, panibagong dahon na naman ng pahina ang bubuksan ni Maโ€™am Nadado.

Sa kanyang paglipat bilang Public Schools District Supervisor sa Culion, higit a mas mabigat ang saklaw ng kanyang tungkulin. Mula sa pamumuno sa isang paaralan, haharap siya sa responsibilidad na mas malawak ang naaabot.

Para sa Salvacion National High School, nangangahulugan ito ng isang bagong pagbabago.

Maaaring wala na siya sa parehong opisina, sa parehong mga pasilyo, o sa parehong paaralang ilang ulit niyang tinawag na tahanan. Ngunit ang kanyang paglilingkod ay hindi basta natatapos sa isang huling araw ng panunungkulan.

Dahil ang isang lider ay hindi lamang naaalala dahil sa posisyong kanyang hinawakan.

Naaalala siya ng mga taong kanyang napaglingkuran, sa mga pagbabagong kanyang nasaksihan, sa mga aral na kanyang naibahagi, at sa mga bakas na kanyang iniwan.

Sa likod ng halos tatlong dekada, maraming taon ang lumipas, maraming paaralan ang napaglingkuran, at maraming tungkulin ang hinarap.

Ngunit sa bawat bagong pahina ng kanyang karera, nananatili ang kuwento ng isang g**ong nagsimulang magturo sa silid-aralan at unti-unting naging lider na patuloy na pinipiling maglingkod.

Ang SNHS, ang iyong Alma Mater ay sobrang proud sa iyong tagumpay ma'am Evelyn. Tunay nga na ang Salvacion National High School ay "Tahanan ng Kahusayan". Patuloy ka namang ipinagmamalaki ma'am Belen.

Isinulat ni: Roshelle Cabangon

Pinatnugutan ni: Sheinamae Macanas

Pinangasiwaan ni: Carl Perzeil Sanchez

Mga larawang kuha nina:
Xyrah Manaeg
Ayiesha Chico

Pinahusay at Inilathala ni: Lhean Pearl D. Macmac

Galing at Talino: SNHSians sa DSTF 2026Sa bawat ideyang nabuo, problemang sinuri, at makinang binuo, muling ipinamalas n...
21/09/2026

Galing at Talino: SNHSians sa DSTF 2026

Sa bawat ideyang nabuo, problemang sinuri, at makinang binuo, muling ipinamalas ng mga SNHSian na ang agham at teknolohiya ay hindi lamang tungkol sa mga pormula at eksperimento ito rin ay tungkol sa paglikha ng mga solusyong maaaring makatulong sa komunidad.

Sa Division Science & Technology Fair and Parantiguan (DSTF) 2026 na ginanap noong Setyembre 14โ€“15 sa Citystate Asturias Hotel, Tiniguiban, Puerto Princesa City, nakipagsabayan ang mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang paaralan sa ibaโ€™t ibang larangan ng agham at teknolohiya. Bitbit ng mga kalahok ang kanilang kaalaman, pagkamalikhain, at mga ideyang hinubog ng kanilang pagsisikap at paghahanda.

Isa sa mga nagningning sa kompetisyon si Data Mishael Salanatin mula sa 10-SSC, na nakamit ang ikalawang pwesto sa Robotics Intelligent Machines (Individual). Tampok sa kaniyang proyekto ang โ€œA.E.G.I.S. (Advanced Electronic Guarding Inspection System),โ€ isang sistemang idinisenyo upang makatukoy ng mga metal na bagay bilang karagdagang hakbang sa pagpapaigting ng seguridad sa paaralan. Sa pamamagitan nito, ipinakita ni Salanatin kung paano maaaring gamitin ang teknolohiya upang makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani.

Hindi rin nagpahuli ang mga kinatawan ng STEM-12 na sina Yloisa Kei Nadado at Lance Jericho Cervantes, na nagkamit ng ikalawang pwesto sa Physical Science (Team) para sa kanilang pag-aaral na โ€œCoCow Pots: An Alternative Biodegradable Pot.โ€ Ipinakita ng kanilang pananaliksik ang posibilidad ng paggamit ng biodegradable na materyal bilang alternatibo sa karaniwang paso. Sa harap ng mga hurado, buong husay nilang inilahad at ipinagtanggol ang kanilang pag-aaral, na nagpapakita ng kanilang kaalaman at kahandaan bilang mga batang mananaliksik.

Samantala, nagdagdag naman sa karangalan ng paaralan sina Claudio Emmanuel Rey at Rengen Pearl Mayo mula sa STEM-11 matapos makamit ang ikaapat na pwesto sa MCS (Team). Sa kanilang pag-aaral na โ€œUSA,โ€ sinuri nila ang population dynamics at demographic structure ng Calamian deer gamit ang mga rekord mula 2021โ€“2025 at mathematical modeling. Sa kanilang pananaliksik, naipamalas nila ang paggamit ng matematika bilang kasangkapan sa pag-unawa sa isang mahalagang usaping pangkapaligiran.

Sa larangan naman ng Robotics, ipinakita nina Sharika Edonga, James Khayle Malto, at Trisha Mae Zacarias ang kanilang proyektong โ€œSWARDS: Smart Watering Agricultural Real-Time Drip System.โ€ Nakatuon ang kanilang makina sa awtomatikong pagdidilig ng mga halaman batay sa kondisyon ng lupa. Sa pamamagitan ng pagsubaybay sa soil moisture, layunin nitong makatulong sa pagbibigay ng kinakailangang tubig sa tamang oras at mabawasan ang manu-manong pagdidilig. Sa proyektong ito, naipakita ng tatlong mananaliksik ang pagsasanib ng robotics, teknolohiya, at pangangailangan sa agrikultura.

Kasama rin sa Innovation si Shanelle Alexa Alarcon, na naglahad ng โ€œSoilMetria: A Digital Multi-Function Soil Quality Detector and Plant Recommendation System.โ€ Ang sistema ay ginawa upang masukat at masuri ang ibaโ€™t ibang kondisyon ng lupa gamit ang digital technology at makapagbigay ng rekomendasyon sa mga halamang maaaring itanim batay sa resulta. Sa ganitong paraan, ipinakita ng proyekto kung paano maaaring gamitin ang teknolohiya upang makatulong sa mas maayos na pag-unawa sa kondisyon ng lupa at pagpili ng angkop na pananim.

Samantala, kinatawan naman ng SNHS sa Parantiguan sina Lhean Pearl Macmac, Keziah Joy Parba, at Joseph Curba. Sa 41 paaralang lumahok, nakamit ng koponan ang ika-34 na pwesto sa pagsagot sa mga tanong. Bagamaโ€™t hindi kabilang sa mga nangungunang pwesto, naging mahalagang karanasan para sa tatlong kalahok ang kompetisyong nangangailangan ng mabilis na pag-iisip, malawak na kaalaman, at pagtutulungan.

Sa likod ng bawat kalahok ay ang mga g**ong naging katuwang nila sa paghahanda. Malaki ang naging bahagi nina Maโ€™am Florence Ivy Magtanong at Maโ€™am Jessel Carino, gayundin ng punong-g**o na si Maโ€™am Evelyn B. Nadado, sa paggabay at pagsuporta sa mga mag-aaral bago at habang isinasagawa ang kompetisyon.

Higit pa sa mga medalya at ranggo, naging daan ang DSTF 2026 upang maipakita ng mga SNHSian na ang talino ay mas nagiging makabuluhan kapag ginagamit sa pagbuo ng ideya at paghahanap ng solusyon. Sa bawat proyektong kanilang binuo at bawat hamong kanilang hinarap, dala nila ang patunay na ang mga kabataan ay may kakayahang lumikha, magsaliksik, at makibahagi sa paghubog ng mas makabagong kinabukasan.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, hindi lamang mga puwesto ang naiuwi ng mga SNHSian, kundi mga karanasang maaaring magsilbing pundasyon sa kanilang patuloy na pagkatuto. Sa agham at teknolohiya, ang bawat tanong ay maaaring maging simula ng isang ideya at ang bawat ideya, kapag pinaghirapan, ay maaaring maging isang hakbang tungo sa pagbabago.

Mula sa ulat ni: Sharika Edonga

Pinatnugutan ni: Chrisjay Barrola

Pinangasiwaan ni: Carl Perzeil Sanchez

Taga-anyo: Lhean Pearl D. Macmac

Inilathala ni: Lhean Pearl D. Macmac

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ง๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต, ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜†๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฆ๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒDalawang parangal ang matagumpay na naiuwi ng pahayagang โ€œT...
05/09/2026

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ง๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต, ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜†๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฆ๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Dalawang parangal ang matagumpay na naiuwi ng pahayagang โ€œThe Salvacion Torchโ€ sa nagdaang DSPC 2026 na ginanap nitong Setyembre 2-4.
Sa katauhan nina Zherheinna Lanz Aban at Mary Claire Cruz, nasungkit ng The Salvacion Torch ang dalawang medalya sa larangan ng Mobile Journalism (MOJO) at Pagsulat ng Editoryal.

Nanguna si Aban sa larangan ng Mobile Journalism matapos niyang makuha ang unang puwesto. Dahil sa kaniyang mahusay na pagganap, kwalipikado siya para sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC). Samantala, pumangalawa naman si Cruz sa pagsulat ng editoryal.

Gamit ang mga aral at karanasang kanilang natutuhan, naipamalas ng dalawang peryodista ang kanilang angking husay sa paglalahad ng sariling ideya at saloobin, isang kakayahang naging daan upang makamit nila ang tagumpay sa naturang patimpalak.

Sa patuloy na pagganap sa kanilang tungkulin, nananatiling sandigan ang dalawang journo sa paghahatid ng impormasyon at pagiging boses ng kanilang kapwa mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.

Mula sa pahayagang โ€œAng Chilangkok,โ€ isang maalab na pagbati sa inyo, The Salvacion Torch! Nawaโ€™y maging simula ito ng mas marami pang tagumpay, lalo na para kay Aban sa kaniyang paglahok sa RSPC.

Sa pagbabalita at patnugot ni : Sionel Jane E. Lacro

Pinangasiwaan: Carl Perzeil S. Sanchez

Taga-anyo: Lhean Pearl Macmac

Muli, umahon na naman ako "๐€๐ง๐  ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ค๐จ๐ค" sa dalampasigan upang galugarin ang mundo ng peryodismo. Maglakbay upang baha...
04/09/2026

Muli, umahon na naman ako "๐€๐ง๐  ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ค๐จ๐ค" sa dalampasigan upang galugarin ang mundo ng peryodismo. Maglakbay upang bahagyang hawiin ang takot na bumabalot sa hungkag na isipan, magbigay dagitab upang pagningasin ang taglay na galing sa pamamahayag at pag-alabin ang pusong pinagmumulan ng pagmamahal sa katotohanan.

May nakasabay ako... nagmamadali, aligaga at di alam kung ano ang uunahin. Napaisip ako, sino siya, saan kaya siya paroroon? Sana sa dulo'y magkita kami..magkausap man lang o magkakuwentuhan, sana... sana!.

Narating ko ngayon ang dako roon, ang bahaging gulod ng aking paglalakbay, nasaksihan ko ang aktuwal at online DSPC 2026. Dito nakita ko ang samo't saring mga pangarap, mayroong pareho kami at mayroon ding higit pa sa akin. Nakaakit ng aking balintataw ang grupo ng mga pusong dinadala ang aking pangalan. Namangha ako at nakipag-ulayaw. Nakita ko sila, nagpupumilit, nananalangin at umaasa na makita kami o masulyapan man lang ang aming kinang.

HAYON! NAROON! May kumislap na lente sa katauhan ni ๐˜พ๐™–๐™ง๐™ก ๐™‹๐™š๐™ง๐™ฏ๐™š๐™ž๐™ก ๐™Ž. ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™˜๐™๐™š๐™ฏ (4th placer sa pagkuha ng larawan) na nagmamasid sa pambihirang karanasang ito nagpapakita ng kulturang Palaweรฑo sa isip, sa salita, at sa gawa. Mayroon ding mahika ang lapis na tangan ni ๐™Ž๐™๐™–๐™ฃ๐™š๐™ก๐™ก๐™š ๐˜ผ๐™ก๐™š๐™ญ๐™– ๐˜ฝ. ๐˜ผ๐™ก๐™–๐™ง๐™˜๐™ค๐™ฃ (2nd Placer sa Pagkakartun). Kaya nitong isiwalat at bigyang buhay ang larawang hinabi sa kanyang isipan mula sa kalunos-lunos na problema ng lipunanโ€”Pagbaha, kailan kaya ito masosolusyonan. Inarok ko rin ang naghuhumiyaw na paninindigan ng isang kolumnista na si ๐™…๐™–๐™ข๐™š๐™จ ๐™†๐™๐™–๐™ฎ๐™ก๐™š ๐™‡. ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ฉ๐™ค (2nd placer, pagkokolum) na sana ay pakinggan ang kanyang matitibay at matatapang na pahayag kaugnay sa dumaraming insidente ng school shooting. Maaksyon naman ang pagpapakitang gilas ni ๐™…๐™ค๐™–๐™ฆ๐™ช๐™ž๐™ข ๐˜พ๐™–๐™ง๐™ก๐™ค ๐™. ๐˜ฟ๐™–๐™ก๐™–๐™—๐™–๐™Ÿ๐™–๐™ฃ sa pampalakasan. Sinabayan n'ya ang umamalimbuyong galing ni Alex Eala sa paghahatid ng balitang Sports.

Sa kabila nito mayroong mga pintig na hindi nadama, hindi nabigyan ng pagkakataong kumasag kahit saglit man lang. Magkaganoon man, hindi kayang tumbasan ang tibay ng kanilang mga kaloobang pinagmumulan ng panibagong pag-asa. Muling babangon, mas handa, mas malakas, at mas determinado.

Pagtingin ko sa bahaging likuran, may isang pigurang pamilyar sa akin , ang babaeng nakasabayan kong naglalakbay. Ang ikinagulat ko'y hindi ang makita siya kundi ang nakatutuwang katotohanan na ang mga pusong umakit sa akin at naging sentro ng aking paglalakbay ay ang mga pusong kanya ring minamahal, kinakalinga, hinuhubog at ipinagmamalaki. Ahh.. siya ang g**ong tagapayo.

Marami pang dapat puntahan at sikhayin โ€”kami nang magkakasama. Pero panandalian itataas ko muna ang aking mga palikpik, buong pagpapakumbabang magpapasalamat sa Diyos na Siyang dakilang lumikha. Dumadalangin ng pag-iingat at pasasalamat:
๐—”๐—ก๐—š ๐—–๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—ž

Nag-anyo: Jan Patrick C. Dingson

๐—ฆ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—”๐˜๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€!Nagsagawa ang samahan ng LEDWATCH ng School Safety and Lockdown Drill sa Salvacion National...
04/09/2026

๐—ฆ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—”๐˜๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€!

Nagsagawa ang samahan ng LEDWATCH ng School Safety and Lockdown Drill sa Salvacion National High School noong Setyembre 3, 2026, upang ihanda ang mga mag-aaral at g**o sa posibleng banta ng armadong indibidwal na maaaring pumasok sa paaralan.

Kaagapay ang mga pulis, opisyal ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at mga g**o, matagumpay na naipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga wastong hakbang upang manatiling ligtas sa harap ng posibleng banta sa loob ng paaralan.

Sa isinagawang aktwal na pagsasanay, aktibong nakiisa ang bawat mag-aaral sa pagsunod sa mga itinakdang pamamaraan, kabilang ang maayos na pagkilos at agarang pagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang.

Itinuro rin ang wastong pagsasara at pag-lock ng mga pinto, gayundin ang tamang paghihintay sa opisyal na anunsyo mula sa mga awtorisadong institusyon bago lumabas o kumilos.

Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, layunin ng paaralan na mapataas ang kahandaan ng mga mag-aaral at g**o at mabawasan ang panganib sa oras ng mga hindi inaasahang insidente.

Nagbabalita: Mary Grace N. Curba

Pinatnugutan ni: Sionel Jane E. Lacro

Pinangasiwaan ni: Data Mishael A. Salanatin

Mga larawang kuha ni:
Lhean Pearl D. Macmac
Ashlea Fate Baladjay

Inedit at pinahusay ni: Lhean Pearl D. Macmac

Inilathala ni: Lhean Pearl D. Macmac

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐— ๐—”โ€™๐—”๐—  ๐—–๐—›๐—ข๐—˜! ๐Ÿ’™๐ŸŽ‰Taos-pusong pagbati sa aming minamahal na tagapayo ng โ€œAng Chilangkok,โ€ Maโ€™am Chollie...
31/08/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐— ๐—”โ€™๐—”๐—  ๐—–๐—›๐—ข๐—˜! ๐Ÿ’™๐ŸŽ‰

Taos-pusong pagbati sa aming minamahal na tagapayo ng โ€œAng Chilangkok,โ€ Maโ€™am Chollievic O. Calleja!

Ang iyong sipag, tiyaga, husay, at malasakit ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa amin. Maraming salamat sa walang-sawang paggabay, suporta, at pagbabahagi ng iyong kaalaman sa amin bilang mga batang mamamahayag.

Nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay, at maraming biyaya, hangad din namin ang marami pa ninyong kaarawan.

Muli, maligayang kaarawan, Maโ€™am Choe! Patuloy po kayong maging inspirasyon at gabay sa amin. ๐Ÿ’™๐Ÿฅฐ

โ€” Chilaks Fam

Taga-anyo:
Lhean Pearl Macmac

Inilathala ni:
Carl Perzeil S. Sanchez

๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข, ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐Š๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ฆ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ค๐š๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ญ๐š๐งAng National Heroes Day ay isang mahalagang araw upang alalahanin at pahalagaha...
31/08/2026

๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข, ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐Š๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ฆ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ค๐š๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ญ๐š๐ง

Ang National Heroes Day ay isang mahalagang araw upang alalahanin at pahalagahan ang mga bayani ng ating bansa. Ipinagdiriwang ito tuwing huling Lunes ng Agosto. Sa araw na ito, binibigyang-pugay natin ang mga taong nagsakripisyo at nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng Pilipinas. Dahil sa kanilang tapang, pagmamahal sa bayan, at paninindigan, naipaglaban nila ang kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino sa kasalukuyan.

Mahalaga ang National Heroes Day dahil hindi lamang ito isang karaniwang holiday. Ipinapaalala nito sa atin na hindi dapat kalimutan ang mga taong tumulong at nagsakripisyo para sa bansang mayroon tayo ngayon. Hindi kailangang maging sikat o kilala upang maging bayani. Ang simpleng pagtulong sa kapwa, pagiging responsable, at paggawa ng tama ay mga paraan din ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

Hindi lamang mga kilalang bayani tulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio ang dapat nating kilalanin. Mayroon ding mga ordinaryong taong gumagawa ng mabuti para sa kanilang pamilya at kapwa. Kabilang dito ang mga magulang na nagsisikap araw-araw, mga g**ong patuloy na nagtuturo at gumagabay sa kanilang mga mag-aaral, at mga taong handang tumulong sa iba nang walang hinihintay na kapalit. Maaaring simple lamang ang kanilang mga ginagawa, ngunit malaki ang epekto nito sa buhay ng iba.

Bilang mga Pilipino, mahalagang nauunawaan natin kung bakit espesyal ang National Heroes Day. Maaaring hindi natin nakilala nang personal ang mga bayani ng nakaraan, ngunit bahagi sila ng ating kasaysayan at ng pagkakakilanlan natin bilang isang bansa. Kaya ang National Heroes Day ay hindi lamang tungkol sa pag-alala sa mga bayani noon, kundi tungkol din sa kung paano natin maipapakita ang pagiging mabuting Pilipino ngayon.

Ating alalahanin ang kanilang mga sakripisyo, pahalagahan ang kanilang mga ipinaglaban, at gamitin nang tama ang kalayaang tinatamasa natin. Sa bawat paggawa ng mabuti at pagmamahal sa bayan, naipagpapatuloy natin ang diwa ng kabayanihan.

Isinulat ni: Dannica Yeen Apolinario

Pinatnugutan ni: Sheinamae Macanas

Pinangasiwaan ni: Carl Perzeil S. Sanchez

Taga-anyo: Javier Libarra

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜, ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ 2 ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป Mga random na larawanNagbabalita: Shiela TibayPinatnugutan ni: Jo...
23/08/2026

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜, ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ 2 ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป

Mga random na larawan

Nagbabalita: Shiela Tibay

Pinatnugutan ni: Joaquim Carlo Dalabajan

Pinangasiwaan ni: Carl Perzeil Sanchez

Mga larawang kuha ni: Cassandra Nicole Dagomboy

Inedit/ Pinahusay at Inilathala ni: Carl Perzeil Sanchez

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜, ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ 2 ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป Naging masaya at kapana-panabik ang mga naging laro sa basketball...
23/08/2026

๐— ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜, ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ 2 ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป

Naging masaya at kapana-panabik ang mga naging laro sa basketball na ginanap sa Brgy. Covered Court bilang bahagi ng Salvacion National High School Intramural Meet 2026. Sa kabila ng ilang pagkaantala dulot ng masamang panahon, nasimulan ang palaro noong Agosto 4, 2026.

Sa unang laban, nagharap ang Team 1 at Team 3. Naging dikit ang kanilang laro, ngunit sa pagtatapos ay nanaig ang Team 3 matapos talunin ang Team 1 sa iskor na 78โ€“71. Dahil sa panalong ito, nakapasok ang Team 3 sa championship game.

Sinundan ito ng laban sa pagitan ng Team 2 at Team 4. Naging kompetitibo ang dalawang koponan habang parehong naghangad na makapasok sa finals. Sa huli, Team 2 ang nagwagi at nakuha ang pagkakataong makalaban ang Team 3 para sa kampeonato.

Sa pinakahihintay na championship game, muling nagharap ang Team 3 at Team 2. Mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng laro, ipinakita ng dalawang koponan ang kanilang husay at determinasyon. Gayunpaman, naging mas malakas ang laro ng Team 2 at nagtapos ang laban sa iskor na 107โ€“87, dahilan upang masungkit nito ang kampeonato.

Matapos ang kanilang pagkapanalo, ibinahagi ng captain ball ng Team 2 na si Christian Libarra ang isang salitang sumasalamin sa kanilang naging paglalakbay tungo sa kampeonato: โ€œPagkakaisa.โ€

โ€œIto ang pipiliin ko kasi hindi tayo nanalo dahil sa iisang tao lang, hindi dahil sa galing ng isa o ng ilang manlalaro. Mula sa unang laro hanggang sa huling kalaban, nag-isip tayo, nagtiwala tayo, at lumaban tayo bilang isang buong koponan. Walang โ€˜ako,โ€™ puro โ€˜tayo.โ€™ Kapag may nahihirapan, may sumasalo; kapag nadadapa, sabay-sabay na tumatayo. Ang tagumpay ay hindi pag-aari ng captain ball lang, pag-aari ito ng bawat isa na naniwala at nagtulungan hanggang sa dulo.โ€

Sa pamamagitan ng kanilang panalo, Team 2 ang itinanghal na basketball champion ng Salvacion National High School Intramural Meet 2026. Samantala, ipinakita rin ng Team 3 ang kanilang magandang performance matapos makapasok sa championship.

Higit pa sa mga puntos at panalo, naging mahalagang bahagi ng paligsahan ang teamwork, disiplina, at sportsmanship ng mga manlalaro. Ipinakita ng Intramural Meet na ang basketball ay hindi lamang tungkol sa kompetisyon, kundi isang paraan din upang mapaunlad ang pagkakaisa, talento, at pakikipagkaibigan ng mga estudyante.

Nagbabalita: Shiela Tibay

Pinatnugutan ni: Joaquim Carlo Dalabajan

Pinangasiwaan ni: Carl Perzeil Sanchez

Mga larawang kuha ni: Cassandra Nicole Dagomboy

Inedit/ Pinahusay at Inilathala ni: Carl Perzeil Sanchez

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ฒ๐—ธ๐˜„๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด!Mga random na larawan.Nagbabalita: Jay Denn SagsagatPinatnugutan ni: Joaquim...
23/08/2026

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ฒ๐—ธ๐˜„๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด!

Mga random na larawan.

Nagbabalita: Jay Denn Sagsagat

Pinatnugutan ni: Joaquim Carlo Dalabajan

Pinangasiwaan ni: Carl Perzeil Sanchez

Mga larawang kuha nina:
Xyrah Manaeg
Dean Pearl Pias
Marvie Padillo
Lhean Pearl Macmac
Kristal Zyrell Armenion
Casandra Nicole Vera

Inedit at Pinahusay ni: Carl Perzeil Sanchez

Inilathala ni: Carl Perzeil Sanchez

Address

National Highway
Busuanga
5317

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Chilangkok posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category