25/08/2026
[ PABATID ]
PAGPAPATULOY NG ACADEMIC CONSIDERATIONS SA MULING PAGBABALIK NG ONSITE CLASSES
Patuloy na hinihikayat ang mga faculty members na magbigay ng makatwirang konsiderasyon at flexibility sa mga academic requirements, kabilang ang projects, outputs, examinations, at submission deadlines. Maaaring mabigyan ng extension o adjustment ang mga estudyanteng direktang naapektuhan ng pagbaha, pagkawala ng kuryente, problema sa internet o connectivity, displacement, at iba pang epekto ng masamang panahon.
Walang estudyante ang dapat malagay sa hindi makatarungang sitwasyon dahil lamang sa mga pangyayaring dulot ng kalamidad. Ang pagpapatupad ng mga academic activities ay dapat isagawa nang may pagsasaalang-alang sa aktuwal na kalagayan ng bawat estudyante.
Samantala, mula Agosto 26 hanggang 29, 2026, pinapayagan pa rin ang mga estudyante na hindi muna magsuot ng prescribed school uniform, alinsunod sa umiiral na guidelines ng Unibersidad hinggil sa maayos at disenteng pananamit.
Walang estudyanteng dapat maiwan.