KASAMA BulSU - Bustos Campus

KASAMA BulSU - Bustos Campus Ito ang Katipunan Student Movement. Lahat KASAMA sa paglahok at paglaban, tungo sa paglaya;

MGA PANGAKO SA SONA: BULAG NA SISTEMA, PAMABAYAN NG MGA MAMAMAYANPunung-puno ng pangako ngunit walang tiyak na resulta a...
28/07/2026

MGA PANGAKO SA SONA: BULAG NA SISTEMA, PAMABAYAN NG MGA MAMAMAYAN

Punung-puno ng pangako ngunit walang tiyak na resulta at halatang pagtakbo sa katotohanan! Ito ang tema ng ikalimang SONA ni Marcos Jr. Makikita nang malinaw na walang konkretong hakbang ang gobyerno para sa karapatan ng LGBTQIA+ community, habang ang DENR ay abala sa pag-aayos ng basura at tila nabulagan na ng umiiral na sistema.

Sa kabila ng patuloy na kawalan ng hustisya at pantay-pantay na karapatan sa ating bansa, mabilis namang isinusulong ang Pax Silica. Ang tinutukoy nilang "inobasyon at trabaho" ay isang panglokong estratehiya lamang upang itago ang pagiging sunod-sunuran sa geopolitical at militar na layunin ng Estados Unidos. Isinusuko natin ang ating soberanya sa pamamagitan ng pagbibigay ng diplomatic immunity sa mga dayuhang indibidwal, habang unti-unti namang nagiging mura at tambakan ng basura ang Pilipinas!

Kasama ang KASAMA BulSU Bustos, mariin naming tinutulan ang mga hindi makatarungang transaksyon na naglalagay sa panganib ng ating kalikasan, ekonomiya, at pambansang pagkatao. Ang tunay na pag-unlad ay dapat para sa lahat ng mamamayan at hindi para sa mga dayuhang interes! Ipakita ang ating saloobin!Makibaka para sa isang tunay, ligtas, at makatarungang hinaharap!

TUMINDIG LABAN SA IMPERYALISMO!
TUMINDIG NA MGA PILIPINO, TUMINDIG TAYO!


Apology NOT accepted!'Good vibes lang" daw, pero nung napuna, biglang naging "tao lang nagkakamali"? Ang masakit pa, par...
25/07/2026

Apology NOT accepted!

'Good vibes lang" daw, pero nung napuna, biglang naging "tao lang nagkakamali"? Ang masakit pa, parang kasalanan pa ng publiko kung bakit masama ang naging dating ng biro mo.

Hindi tunay ang paghingi ng tawad kapag isinisi
mo sa reaksyon ng mga tao ang pagiging insensitive mo. Ang buhay at pagluluksa ng isang pamilya, kailanman ay hindi dapat ginagawang content o katatawanan, lalo na sa isang government official.

A public official should be held to a higher
standard. Do better.


NAKAKA𝗣𝗔𝗫SH*T NA PAX SILICA!Habang ibinebenta ng administrasyong Marcos Jr. ang Pax Silica bilang simbolo ng "pag-unlad"...
25/07/2026

NAKAKA𝗣𝗔𝗫SH*T NA PAX SILICA!

Habang ibinebenta ng administrasyong Marcos Jr. ang Pax Silica bilang simbolo ng "pag-unlad" at "AI innovation," ang tunay na kabayaran nito ay maaaring ang pagkawala ng lupa, kabuhayan, at kinabukasan ng mga ordinaryong Pilipino.

Sa planong pagtatayo ng AI-Native Industrial Acceleration Hub sa New Clark City, nanganganib na maalis sa kanilang lupang sinasaka ang mga magsasaka at iba pang komunidad na matagal nang umaasa rito para sa kanilang kabuhayan. Kapag nawala ang lupa, hindi lamang kabuhayan ang mawawala—kasama rito ang seguridad sa pagkain, dignidad ng paggawa, at karapatan ng mga mamamayan sa sariling lupain.

Ngunit hindi lamang ang mga komunidad sa Tarlac ang maaapektuhan. Ang napakalaking konsumo ng AI hubs sa tubig at kuryente ay maaaring magpalala sa kakulangan ng mga batayang serbisyo at magdagdag ng presyur sa ating power grid lalo na sa Bulacan. Sa huli, ang karaniwang Pilipino ang maaaring magbayad sa pamamagitan ng mas mataas na singil sa kuryente, mas malaking kompetisyon sa suplay ng tubig, at patuloy na pagtaas ng halaga ng pamumuhay.

Sa halip na gamitin ang ating yamang mineral upang paunlarin ang sariling industriya ng bansa, muli tayong itinutulak bilang tagasuplay ng hilaw na materyales habang ang pinakamalaking kita ay napupunta sa mga dayuhang korporasyon.

Ang paglagda sa petisyong ito ay panawagan upang:
• Ibasura ang implementasyon ng Pax Silica!
• Protektahan ang mga magsasaka, katutubo, at iba pang komunidad na maaapektuhan;
• Pangalagaan ang ating likas na yaman at kapaligiran;
• Isulong ang isang pambansang industriyalisasyon na ang pangunahing nakikinabang ay ang sambayanang Pilipino;
• Managot ang administrasyong Marcos Jr. sa patuloy nitong pagpapakatuta sa dayuhan at sa interes ng mga elit na korporasyon.

Ibasura ang Pax Silica! Dahil, NakakaPAXsh*t na!
Lumagda sa petisyon. Makiisa. Manindigan.
đź”—: change.org/shutdown-pax-silica

Lumahok sa KASAMA BulSU!
đź”—: tinyurl.com/KASAMA26-JOINNOW



PATAWOW YARN?Nakakagalit at lubos na nakakadismaya! Ang paglalagay ng mga babala o sulat sa likod ng mga delivery rider ...
25/07/2026

PATAWOW YARN?

Nakakagalit at lubos na nakakadismaya! Ang paglalagay ng mga babala o sulat sa likod ng mga delivery rider ay hindi kailanman meme, joke, o murang "content" lamang para sa likes at engagement.

Ginagawa nila ito dahil sa totoong banta sa kanilang buhay at kaligtasan habang nakikipagsapalaran sa daan—dahil may pamilya silang naghihintay na makauwi sila nang buhay at buo matapos ang maghapon at magdamag na pagpapasada.

Kaya naman, mariing kinukundena ng KASAMA Bustos ang pambabastos at paggawa ng katatawanan ni Konsehal Tangkol Perez sa seryosong usaping ito.

Bilang isang pampublikong opisyal ng Bustos, sa kaniya sana inaasahan ang proteksyon, makabuluhang aksyon, at konkretong solusyon para sa seguridad ng mamamayan. Subalit nakakadiring isipin na siya pa ang mismong naging instrumento upang bastusin, pagtawanan, at ipagwalang-bahala ang totoong panganib na kinakaharap ng ating mga manggagawa araw-araw.

Ang kaligtasan ng ating mga mamamayan ay hindi isang "good vibes" stunt na pwedeng sakyan para sa pulitikal na pagpapapogi!

Hindi natin dapat itolerate ang ganitong uri ng kaanghangan at kawalan ng respeto mula sa mga taong nasa kapangyarihan. Inanod na ba ng pansariling interes ang inyong paggalang sa dignidad ng taumbayan at manggagawang BUSTOSENYO!

Dignidad, seguridad, at konkretong aksyon ang kailangan ng ating mga rider at mamamayan ng Bustos—hindi ang pambabastos at panlilibak ng isang pampublikong opisyal!


Sa Bawat Bawas sa Pondo, Dumarami ang Hadlang sa Pagkatuto.Mula pagkabata, paulit-ulit nating naririnig ang katagang “Ed...
19/07/2026

Sa Bawat Bawas sa Pondo, Dumarami ang Hadlang sa Pagkatuto.

Mula pagkabata, paulit-ulit nating naririnig ang katagang “Edukasyon ang susi sa Tagumpay”, ngunit paano natin maaabot ang ating mga pangarap kung ang mismong karapatang matuto ay unti-unti nang nagiging pribilehiyo?

Dalawang linggo na mula sa pagbubukas ng bagong pang-akademikong taon, kaakibat nito ay ang muling pag-usbong ng mga suliraning matagal nang kinakaharap ng bawat estudyante sa loob ng pamantasan. Patuloy na ipinapasan ng bawat mag-aaral ang bigat ng sistemang dapat sana’y sumusuporta sa kanilang pagkatuto at humuhubog sa kanilang kakayahan bilang bahagi ng lipunan.

Sa gitna ng lumalalang krisis sa edukasyon, budget cut pa rin ang kanilang naging aksyon.

Sa kabila nito, hindi humihingi ng sobra ang mga estudyante. Humihingi lamang sila ng sapat na karapatan upang matuto nang may dignidad.

Sapagkat kapag paulit-ulit na kinakaltasan ang sektor ng edukasyon, hindi lang pondo ang nawawala:
Kinakaltasan ang pagkakataong matuto. Kinakaltasan ang kakayahan.
Kinakaltasan ang kinabukasan.

Tandaan, Ito ay isang karapatan, hindi isang pribilehiyong dapat pagkasyahin sa kakarampot na pondo lamang.

KAYA NAMAN ANG ATING PANAWAGAN, BUDGET SA EDUKASYON, ITAAS, ITAAS!

13/07/2026

PANAGUTIN ANG MGA KORAP!
AMENAH PANGANDAMAN, IMBESTIGAHAN!

Sa gitna ng panawagan ng sambayanan na papanagutin ang mga nasa likod ng malawakang katiwalian sa flood control funds, nakapanlulumong makita na si dating DBM Secretary Amenah Pangandaman ay iniluklok bilang Chairperson at CEO ng Al-Amanah Islamic Investment Bank. Sa halip na isang malaya, mabilis, at transparent na imbestigasyon, tila gantimpala pa ang ibinibigay sa mga opisyal na nasasangkot sa mga seryosong usapin ng korupsyon.

Bilang Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) sa panahon ng lumutang ang Flood-control scams, mahalagang papel ang ginampanan ni Pangandaman sa paghahanda at pagpapatupad ng pambansang badyet, kabilang ang paglalabas ng pondo para sa mga programang pang-imprastraktura. Dahil dito, naging bahagi siya ng mga pampublikong usapin at alegasyon kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa flood control spending.

Hanggang ngayon, nananatiling hinihingi ng mamamayan ang buong katotohanan at pananagutan. Hindi sapat ang pagpapalit lamang ng posisyon habang nananatiling hindi nasasagot ang mga tanong ng taumbayan. Imbis na pananagutan ang ibigay, ay promosyon o reward pa nga ang ginagantimpala sa mga dawit sa korap!

Habang nalulubog ng baha ang mga komunidad at nalulubog ang kabuhayan ng mamamayan lalo na sa Bulacan, malinaw na hindi lamang kalikasan ang may sala—kasabwat din ang sistemang inuuna ang korupsyon kaysa kaligtasan ng mamamayan. Ang bawat pisong ninakaw sa flood control ay katumbas ng buhay na isinugal, tahanang inanod, at kinabukasang ipinagkait.

Malapit na ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Hindi namin hahayaang maging isa na namang entablado ito ng mga magagarbong pangako habang nananatiling ligtas ang mga pinaghihinalaang responsable sa pagwaldas ng pondo ng bayan. Hindi sapat ang maglatag ng mga numero at proyekto. Ang sigaw ng bayan ay malinaw: panagutin ang mga korap, kasama na mismo ang iyong sarili BongBong Marcos!

Kasama sa panawagang ito ang isang independiyente, transparent, at komprehensibong imbestigasyon sa lahat ng opisyal na may kaugnayan sa umano’y anomalya sa flood control funds, kabilang si Amenah Pangandaman. Kung tunay na may malasakit sa bayan at sa integridad ng mga institusyon ng gobyerno, nararapat lamang na bumaba siya sa kanyang kasalukuyang puwesto habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.

Walang puwang ang impunidad sa gitna ng lumalalang kahirapan. Walang puwang ang promosyon para sa mga opisyal na may mabibigat na tanong na dapat sagutin. Hangga’t walang tunay na pananagutan, mananatiling lubog ang anumang pangako ng “bagong Pilipinas.”

AMENAH PANGANDAMAN, IMBESTIGAHAN!
Bongbong Marcos, DINGGIN MO ANG SIGAW NG TAUMBAYANG LUBOG SA BAHA! MAGRESIGN KA NGANI!

BulSUan, galit ka ba kurapsyon?Sa patuloy na paglala ng mga suliranin sa labas ng pamantasan, mula sa mga usapin sa Sena...
03/07/2026

BulSUan, galit ka ba kurapsyon?

Sa patuloy na paglala ng mga suliranin sa labas ng pamantasan, mula sa mga usapin sa Senado, korapsyon, kawalan ng pananagutan sa mga isyu tulad ng flood control scams, at hindi pagkakapantay-pantay na nararanasan ng kababaihan, LGBTIQ+, at mga manggagawa, unti-unti rin itong umaalingawngaw sa loob ng ating pamantasan.

Makikita ito sa kakulangan ng badyet para sa edukasyon, mga espasyong hindi angkop sa pagkatuto, mandatory fees, red-tagging, at diskriminasyong nararanasan ng ilang sektor sa BulSU.

Isa itong paalala na hindi sapat ang manahimik. Panahon na upang kumilos, maglunsad ng mga kolektibong pagkilos, at palakasin ang ating hanay.

Humanay, magpaorganisa at sumali sa KASAMA-BulSU!

tinyurl.com/KASAMA26-JOINNOW
tinyurl.com/KASAMA26-JOINNOW
tinyurl.com/KASAMA26-JOINNOW

Lumahok.
Lumaban.
Lumaya.

PARA SA KONSULTATIBONG LIDERATO AT TUNAY NA REPRESENTASYON: KASAMA BULSU – BUSTOS CAMPUS ENDORSES IESU CRUZ FOR 18TH STU...
11/06/2026

PARA SA KONSULTATIBONG LIDERATO AT TUNAY NA REPRESENTASYON: KASAMA BULSU – BUSTOS CAMPUS ENDORSES IESU CRUZ FOR 18TH STUDENT REGENT OF BULSU

Naniniwala ang KASAMA BulSU – Bustos Campus na ang tunay na liderato ay nakabatay sa pakikinig, pakikilahok, at pananagutan sa mga taong pinaglilingkuran. Dahil dito, buong suporta naming iniendorso si Iesu Cruz bilang susunod na Student Regent ng Bulacan State University.

Mula pa noong siya ay nagsimulang maglingkod sa hanay ng mga estudyante, kilala si Iesu sa kanyang konsultatibong liderato at matatag na paninindigan. Hindi siya nagdedesisyon batay lamang sa sariling pananaw, kundi sa pamamagitan ng pakikinig at pakikipagkonsultasyon sa mga sektor na kanyang kinakatawan. Kasabay nito, ipinakita rin niya na ang pakikinig ay dapat samahan ng tapang na manindigan—lalo na sa mga usaping may kinalaman sa karapatan, kapakanan, at demokratikong representasyon ng mga estudyante.

Sa panahong nangangailangan ang ating pamantasan ng isang kinatawang may integridad, malinaw na pananagutan, at matatag na paninindigan para sa kapakanan ng mga BulSUan, naniniwala kaming si Iesu Cruz ang lider na may kakayahang dalhin ang tunay na boses ng mga estudyante sa pinakamataas na antas ng pamamahala ng unibersidad.

Para sa makamasang representasyon, konsultatibong pamumuno, at isang BulSU na tunay na nakikinig sa mga estudyante—suportahan si IESU CRUZ para sa ika-18 Student Regent ng Bulacan State University.


11/06/2026

ISANG TAAS-KAMAONG SUPORTA PARA KAY IESU CRUZ BILANG IKA-18 STUDENT REGENT NG BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa pagpili ng susunod na Rehente, hindi lamang natin pinipili kung sino ang uupo. Pinipili natin kung sino ang magdadala ng boses ng mga BulSUan sa pinakamataas na antas ng pagpapasya sa ating pamantasan.

Kaya mahalagang ihalal ang isang lider na ang mga plano ay hindi nakasentro sa pansariling interes, kundi nakaugat sa tunay na kalagayan at tiyak na tutugon sa pangangailangan ng mga estudyante.

Kaya naman, ito ang dahilan kung bakit karapat-dapat si IESU CRUZ para maging ika-18 na Rehente ng BulSUan.

Ang kanyang bisyon ay malinaw: isang pamantasang walang sektor na maiiwan. Isang pamumunong patuloy na lumalaban para sa tunay na libre at dekalidad na edukasyon, sapat na pondo, maayos na serbisyo, ligtas at inklusibong mga espasyo, mas mahusay na pasilidad, at makabuluhang partisipasyon ng bawat BulSUan sa pamamahala ng unibersidad.

Higit pa rito, dala ni Iesu ang isang pananaw na kinikilala na ang bawat sektor ay may sariling pangangailangan, hamon, at boses na dapat marinig. Mula sa mga estudyanteng nangangailangan ng tulong pinansiyal, mga organisasyon at publikasyon na nagpapatibay ng demokratikong espasyo sa kampus, mga sektor na patuloy na isinusulong ang pagkakapantay-pantay at inklusibo, hanggang sa mga manggawang katuwang sa pagpapatakbo ng ating pamantasan-lahat ay may lugar sa kanyang adbokasiya.

Sa kanyang mahabang karanasan sa paglilingkod at pakikibaka, napatunayan niyang ang representasyon ay hindi lamang pag-upo sa mga pulong o pagsasalita sa mga entablo. ito ay ang kakayahang dalhinh ang mga hinaing, pangangailangan, at mithiin ng komunidad sa mga espasyong may kapangyarihang magpatupad ng pagbabago.

Dahil sa huli, ang Rehente ng mga estudyante ay dapat higit pa sa isang kinatawan. Dapat siyang maging tagapagtaguyod ng mga sektor, bantay ng pananagutan, at matatag na tinig ng mga iskolar ng bayan.

At sa panahong kailangan natin ng lider na may malinaw na paninindigan, konkretong direksyon, at napatunayang may malasakit sa mga BulSUan, kay Iesu Cruz ang pagpiling may lalim, may kredibilidad, at may pananagutan.

Para sa representasyong hindi pumipili kung sino lamang ang pakikinggan. Para sa lideratong naka-ugat sa pakikibaka at nakatuon sa kapakanan ng bawat BulSUan.

Sa pamumunong higit pa sa mga nakasulat na pangako, sino ang may kredibilidad upang isakatuparan ang mga ito?

Para sa marami, malinaw ang sagot.

Iesu Cruz, ang inyong Ika-18 na Rehente ng Mag-aaral.


Sahod Itaas, Presyo Ibaba! Ngayong Mayo Uno, sama-sama nating ipinapahayag ang panawagan ng bawat manggagawang Pilipino—...
01/05/2026

Sahod Itaas, Presyo Ibaba!

Ngayong Mayo Uno, sama-sama nating ipinapahayag ang panawagan ng bawat manggagawang Pilipino—ang itaas ang sahod na matagal nang hindi sapat, at ibaba ang mga presyo ng bilihin na patuloy na nagpapahirap sa araw-araw na pamumuhay. Sa gitna ng pagtaas ng gastusin, nananatiling mabigat ang pasanin ng mga manggagawang siyang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa.

Ang araw na ito ay hindi lamang paggunita, kundi isang malakas na paninindigan. Paninindigan para sa makatarungang sahod na tunay na sasapat sa pangangailangan ng pamilya. Paninindigan para sa disenteng trabaho, sapat na benepisyo, at ligtas na kalagayan sa paggawa. At higit sa lahat, paninindigan para sa dignidad na matagal nang ipinaglalaban ng uring manggagawa.

Sa bawat pawis at sakripisyo, nararapat lamang na ang manggagawang Pilipino ay hindi napag-iiwanan. Hindi dapat kinakapos. Hindi dapat isinasantabi. Kaya’t patuloy tayong manindigan at makiisa—para sa makatarungang sahod, para sa abot-kayang presyo ng bilihin, at para sa isang lipunang may malasakit sa kanyang manggagawa.

Sahod itaas, presyo ibaba!

Para sa manggagawang Pilipino, ngayon at magpakailanman.

Address

Poblacion
Bustos
3007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KASAMA BulSU - Bustos Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share