22/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฅ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐๐ข๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฒ๐ฌ๐๐จ๐ฎ๐ญ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐๐ง๐ฏ๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ง๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ญ ๐๐จ๐๐ซ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฏ๐ข๐๐ฐ (๐๐๐) ๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฑ๐ข๐ฌ ๐. ๐๐๐ง๐ญ๐จ๐ฌ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ
Sa bawat pagsubok na ating hinarap, muling nagniningning ang diwa ng pagkakaisa at determinasyon, na matagumpay nating nalampasan. Ang mga kuhang larawan na inyong saksihan ay hindi lamang simpleng mga imahe; ang mga ito ay repleksyon ng buong pusong dedikasyon, di-matatawarang husay, walang takot na tapang, at natatanging galing ng bawat Alexian Senior Scout.
Bawat ngiti, pawis, at bawat hakbang ay naglalarawan ng isang kwento ng paglago at pagpupunyagi. Sa bawat hamon, pinatunayan ng ating mga Senior Scouts na ang tunay na lakas ay nagmumula sa pagtutulungan at sa pananampalataya sa kakayahan ng bawat isa. Ang kanilang mga mata ay nagpapakita ng pangarap, at ang kanilang mga kilos ay nagpapakita ng matibay na paninindigan sa mga prinsipyo ng Iskawting.
Ang tagumpay na ito ay patunay na sa Iskawting, may mararating. Ito ay isang paglalakbay kung saan ang bawat isa ay lumalabas na mas matatag, mas handa, at may mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng paglilingkod sa kapwa at sa bayan. Sa bawat pagsasama, sa bawat pagsuporta, at sa bawat paghikayat, tayo ay magtatagumpay ng sama-sama. Ang kanilang tagumpay ay tagumpay nating lahat, at ang bawat karanasan ay isang gintong aral na kanilang dadalhin habambuhay.