04/08/2026
Ngayon, sa pagbungad ng buwan ng Agosto, buong dangal nating ginugunita ang ๐ฝ๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ผ 2026 na may temang "๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฉ ๐ผ๐: ๐๐๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐ฉ๐ช๐ก๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ฎ๐๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ง๐ข๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ." Sa kasalukuyang modernisadong panahon, ganap na ang ating wika ay dinamiko at kasabay sa pag-agos ng pagbabago. Ang Filipino katuwang ang Artificial Intelligence (AI), ay nagsisilbing tulay upang palawakin ang pag-aaral at maabot ang bawat natatagong yaman ng kaalaman ng bawat Pilipino.
Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang isang makasasayang buwan na puno ng gawain, bagkus ito ay nakaugat sa kasaysayan ng ating pagkakakilanlan. Ayon sa ๐๐ซ๐จ๐ค๐ฅ๐๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ฅ๐ . 1041, pinalawig ang dating "Linggo ng Wika" upang maging isang buwang paggunita tuwing Agosto, na tinalaga rin bilang pagpugay sa Ama ng Wikang Pambansa na si ๐ฟ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ช๐๐ก ๐. ๐๐ช๐๐ฏ๐ค๐ฃ. Mula sa ๐๐๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ง๐๐ฉ ๐๐ฅ๐ . 134 noong 1937 hanggang sa pagpapatibay ng "๐๐๐๐๐๐๐๐" sa ating Konstitusyon ng 1987, ang ating wika ay nananatiling simbolo ng batas, soberanya at diwa ng ating Inang bayan.
Gayunpaman, patuloy na tumitindig ang PLUMAP na hindi natin dapat isuko ang ating kultura at kasarinlan sa "๐๐๐ญ ๐๐๐ก๐๐๐" o sa kontrol ng sinumang dayuhang korporasyon ng teknolohiya.
๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ฒ ๐ข๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ , ๐ฌ๐ฎ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐๐ญ ๐ ๐๐ง๐๐ฉ ๐ง๐ ๐ก๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ, ๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐.
Sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng modernisasyon, dala-dala natin ang mga panawagan para sa karapatan ng bawat magsasaka, manggagawa at katutubong pamayanan (IPs) na silang tagapagpangalaga ng ganap na pagkakakilanlan, kultura, ekonomiya at lalong lalo na ang ating wika.
Kaya ngayong Buwan ng Wika, sama-sama nating gunitain ng buong-puso ang pagtatanyag sa ๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ na siyang ating tulay tungo sa isang progresibong lipunan na maka-aambag sa pangangailan ng ating bayan. Gamitin at pangalagaan natin ang ating wikang pinagmulan, kahit saan pa man at kahit kailan pa man. Huwag nating hayaang makulong lamang sa teknolohiya ang ating tinig. Bagkus, gawin natin itong sandata para isulong ang isang ๐ข๐๐ ๐๐ข๐๐จ๐ ๐๐ฉ ๐ข๐๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ช๐ ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ. Kaya! Halina at Makibahagi sa kasanayang puno ng makasaysayang Buwan ng Wika!
๐๐ผ๐ฟ๐ผ๐๐๐!
๐ผ๐๐ผ๐ฝ ๐ฝ๐๐๐๐!
Panulat ni: John Manuel de Leon
Disenyo ni: Aiza De Guzman
๐ฅ๐คโ