15/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ต๐ ๐ฎ๐๐. ๐ป๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐ ๐น. ๐ฎ๐๐๐๐๐
Dinaluhan ng mga magulang, g**o, at mga kawani ng paaralan ang General Assembly Meeting ng Burgos National High School na ginanap noong Hunyo 11, 2026.
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐๐ป๐๐๐ป๐ฎ๐ป
Eksaktong 7:30 ng umaga nang simulan ang pagpaparehistro ng mga dumalo. Pinasinayaan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Bb. Cristina Defiesta.
Nagbigay ng Pambungad na Pananalita si G. Elpidio Tamayo Jr., FPTA President, na sinundan ng Malugod na Pagtanggap mula kay Dr. Manolito L. Peรฑa, Principal IV ng paaralan.
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ
Ipinakilala ni Gng. Retchie Barcelona, Head Teacher III, ang mga teaching at non-teaching staff mula Grade 7 hanggang Grade 10. Inilahad naman ni G. Benito B. Dagdag, Head Teacher III, ang mga adviser at non-adviser ng Senior High School. Si Dr. Manolito Peรฑa rin ang nanguna sa presentasyon ng mga non-teaching staff.
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐
Masinsinang tinalakay ni Dr. Julius S. Pilorin, Master Teacher III, ang DepEd Order No. 009 s. 2006 patungkol sa 3 Terms Calendar ng Kagawaran ng Edukasyon.
Nagbigay-babala ang PNP Burgos hinggil sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Mariin nilang ipinaalala ang sapilitang pagsusuot ng helmet at pag-iwas sa reckless driving. Nanawagan din sila sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak, lalo na ang mga nagmamaneho ng motorsiklo.
Iniulat naman ni Bb. Racquel Joy Diaz, Teacher I, ang tungkol sa Learners Health Assessment and Screening. Nilinaw nina Bb. Dianne O. Galicia, Teacher I, at G. Leomar Garcia, Teacher V, ang School Rules and Regulations. Ipinaliwanag din ni Gng. Rosemarie G. Domingo, Master Teacher I, ang mahahalagang probisyon ng Child Protection Policy.
Tinapos ni G. Renato R. Buquing ang unang bahagi ng programa sa kanyang Pangwakas na Pananalita.
๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ: ๐ข๐ฟ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐น๐ฒ๐ธ๐๐๐ผ๐ป
Sa ikalawang bahagi, nagsagawa ng Classroom Orientation ang mga class adviser kasabay ng halalan ng Homeroom PTA Officers. Isinunod dito ang eleksyon ng mga Federated PTA Officers para sa Taong Panuruan 2026-2027.
Layunin ng nasabing General Assembly na pagtibayin ang pagtutulungan ng paaralan, magulang, at komunidad para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral ng Burgos National High School ngayong bagong taong panuruan.