30/08/2025
Pampaaralang Selebrasyon ng Wikang Pambansa 2025, Idinaos!
Idinaos sa buong sigla at makulay na paraan ang Pampaaralang Selebrasyon ng Wikang Pambansa 2025 sa Paaralang Sentral ng Burgos sa pangunguna ng aktibong Ulong G**o III na si Dr. Edna C. Castillo. Dinaluhan ito ng mga g**o, mag-aaral, magulang at ilang panauhing pandangal na sama-samang nagbigay-halaga sa kahalagahan ng sariling wika.
Nagbukas ang programa sa isang makabayang awit at panalangin,na sinundan ng pambungad na mensahe ng Ulong G**o. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.Tampok din sa programa ang panauhing tagapag-salita na si Gng. Mila B. Olivar, Punong G**o I ng Padayao Elementary School,na nagbigay ng makabuluhang talumpati tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino bilang tulay sa pagkakaisa at kaunlaran.
Nagpakitang gilas din ang mga mag-aaral sa larangan ng pagkulay, pagkulay at pasalita, pagtula, pagbabasa ng kuwento, paggawa ng Islogan, paggawa ng poster-islogan, solong pag-awit at katutubong kasuotan. Binigyang parangal din ang mga nagwagi sa bawat patimpalak. Hindi rin nawala ang makukulay na pagtatanghal ng sayaw at awit na nakaugat sa kulturang Pilipino na handog ng bawat mag-aaral sa bawat baitang.Bahagi rin ng programa ang masayang mga larong lahi katulad ng tiyakad, gulong-gulongan at ibp.Tunay ngang magagaling at talentado ang mga Pinoy!
Sa pagtatapos ng programa, muling ipinahayag ng lahat ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika at kulturaβna siyang tunay na sandigan ng ating pagka-Pilipino.