12/08/2023
BASAHIN ┃HALINA'T MAKIISA SA ATING BRIGADA ESKWELA 2023
Sama-sama tayong muli sa bayanihan para sa ligtas na balik-aral ng ating mahal na mag-aaral!
Ang lahat po ay inaanyayahan na makiisa ngayong darating na Agosto 14-19, 2023 para sa Brigada Eskwela 2023 na may temang, "Brigada Eskwela: Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan."
Nawa po ay patuloy natin suportahan ang Burgos Agro-Industrial School sa adhikain na maging ligtas ang mga mag-aaral at maibigay sa kanila ang dekalidad na edukasyon.
Tara na magbrigada na tayo!