01/10/2026
๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฒ, ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ ๐๐ฎ ๐๐๐๐๐ฆ, ๐น๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐๐น๐ฎ๐ป
Itinalaga si Jeff Howell I. Mape, Punungguro ng Jaime G. Espeรฑa High School (JGEHS), sa Louella Gotladera Alcoba National High School sa San Isidro, Bulan, Sorsogon upang mas mapalapit sa kaniyang pamilya matapos ang halos isang taong paglilingkod sa JGEHS.
Mula nang maitalaga sa JGEHS noong Oktubre 2025, pinangunahan ni Mape ang paaralan at naging bahagi ng paggabay at paghubog sa mga mag-aaral.
Sa kaniyang pamamaalam, hinikayat niya ang mga estudyante na โHuwag tumigil na mangarap,โ bilang paalala na patuloy nilang abutin ang kanilang mga pangarap sa kabila ng mga hamon.
Dala ni Mape ang mga alaala at karanasan mula sa kaniyang paglilingkod sa JGEHS habang naghahanda siyang gampanan ang kaniyang tungkulin sa panibagong paaralan.
Ipinahayag din niya ang kaniyang pagmamalaki bilang isang Buhangnon sa katagang, โBasta Buhangnon, Urgulyong Mayadon,โ bilang pagpapakita ng kaniyang patuloy na pagpapahalaga sa kaniyang pinagmulan.
Bitbit naman niya ang adhikain ng Buhang na โShaping minds, building dreams,โ na patuloy niyang maisasabuhay sa paggabay at paghubog sa mga mag-aaral sa kaniyang bagong paaralan.
โ๏ธSa panulat ni: Angelica F. Rebancos
Patnugot ng Balita
๐ทKuha ni: Guian Carl Logina
Tagakuha ng Larawang Pampahayan