Faustino G. Glua High School

Faustino G. Glua High School ๐Ÿ†”: 302210
๐Ÿ“: Purok 7, Otavi, Bulan, Sorsogon
๐Ÿ™Žโ€โ™‚๏ธ: Ryan R. Desabayla, EdD, MT-II
๐Ÿ“ฉ: [email protected]
๐Ÿ“ž:(056) 411-9156

๐Ÿ“Œ Agosto 4, 2026 | Pulong sa Koordinasyon kasama ang FGGHS Alumni AssociationBilang paghahanda sa nalalapit na FGGHS Alu...
04/08/2026

๐Ÿ“Œ Agosto 4, 2026 | Pulong sa Koordinasyon kasama ang FGGHS Alumni Association

Bilang paghahanda sa nalalapit na FGGHS Alumni Homecoming 2026, nakipagpulong si G. Ryan R. Desabayla, EdD, MT-II, Punong G**o, sa mga kinatawan ng FGGHS Alumni Association na sina Daniel Gepulle, Kalihim, at Suzzeth Gragas, Ingat-Yaman.

Tinalakay sa pulong ang mga mahahalagang plano, paghahanda, at iba pang usaping may kaugnayan sa matagumpay na pagsasagawa ng Alumni Homecoming na nakatakdang idaos sa Agosto 29, 2026.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano at pagtutulungan ng paaralan at ng FGGHS Alumni Association, inaasahang magiging makabuluhan at matagumpay ang pagdiriwang na magsisilbing pagkakataon upang muling magsama-sama, magbalik-tanaw, at higit pang mapagtibay ang samahan ng mga alumni at ng buong komunidad ng Faustino G. Glua High School.

Agosto 4, 2026 | Pagpupulong ng mga G**o at KawaniIsinagawa ng Faustino G. Glua High School ang Pagpupulong ng mga G**o ...
04/08/2026

Agosto 4, 2026 | Pagpupulong ng mga G**o at Kawani

Isinagawa ng Faustino G. Glua High School ang Pagpupulong ng mga G**o at Kawani, na pinangunahan ni G. Ryan R. Desabayla, EdD, MT-II, Punongguro, upang talakayin ang mahahalagang usapin kaugnay ng mga MANCOM Updates, District Updates, at iba pang napapanahong bagay na may kinalaman sa pamamahala at operasyon ng paaralan.

Sa naturang pagpupulong, naibahagi ang mahahalagang impormasyon, mga bagong kautusan, at mga programang ipatutupad upang matiyak ang maayos na koordinasyon at epektibong pagpapatupad ng mga gawain ng paaralan.

Patuloy na pinagtitibay ng Faustino G. Glua High School ang kultura ng pagkakaisa, pananagutan, at mahusay na pamamahala bilang tugon sa layunin ng DepEd na makapaghatid ng dekalidad na edukasyon para sa bawat Batang Tagal-ang.

Pagbati mula sa Mataas na Paaralan ng Faustino G. Glua!Malugod na binabati ng buong pamayanan ng Mataas na Paaralan ng F...
03/08/2026

Pagbati mula sa Mataas na Paaralan ng Faustino G. Glua!

Malugod na binabati ng buong pamayanan ng Mataas na Paaralan ng Faustino G. Glua si John Niemer Gibaga, isang ipinagmamalaking Junior High School Alumni, sa matagumpay na pagkamit ng titulong National Certified Bookkeeper.

Ang iyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa ating mga mag-aaral at kapwa alumni. Nawa'y magsilbi itong hakbang tungo sa mas marami pang tagumpay at pagkakataong maipamalas ang iyong husay at propesyonalismo.

Ipagpatuloy mo ang pagiging huwaran at nawa'y pagpalain ka pa ng Poong Maykapal sa iyong tatahaking landas.

Muli, taos-pusong pagbati at mabuhay ka!



Agosto 3, 2026 | ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒAlinsunod sa Memorandum Pansan...
03/08/2026

Agosto 3, 2026 | ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Alinsunod sa Memorandum Pansangay Blg. 246, s. 2026 ng Tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon sa Lalawigan ng Sorsogon, matagumpay na isinagawa ng Mataas na Paaralan ng Faustino G. Glua ang pambungad na palatuntunan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.

Pinangunahan ng Pangkat ng Wika ang programa sa pangunguna ni Gng. Marrisa G. Gutay, Pinuno ng Pangkat sa Filipino, katuwang ang Samahang Kataas-taasang Kapulungan ng mga Mag-aaral (SSLG) at ang FGGHSโ€“Boy Scouts of the Philippines.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni G. Ryan R. Desabayla, EdD, MT-II, Punong-guro, ang kahalagahan ng temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€ Ipinaalala niya na ang Wikang Filipino ay nananatiling sandigan ng karunungan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa ng bawat Pilipino. Sa maingat at wastong paggamit ng artipisyal na talino, higit na mapauunlad ang pananaliksik, mapalalawak ang kaalaman, at mapayayaman ang ating sariling wika.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mapanuring pag-iisip sa panahon ng mabilis na paglaganap ng mga impormasyon sa iba't ibang midya. Hinikayat niya ang mga Batang Tagal-ang na maging mapagmatyag, mapanuri, at mapanagot sa pagtanggap at pagbabahagi ng mga impormasyong kanilang nababasa, napakikinggan, at napapanood.

Bilang bahagi rin ng programa, isinagawa ang paggawad ng parangal sa mga nagwagi sa mga paligsahang isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026, na pinangunahan ng Pangkat ng TLE, katuwang ang SSLG at YES-O, bilang pagkilala sa kanilang husay, pagkamalikhain, at aktibong pakikilahok.

Sa pagsisimula ng Buwan ng Wikang Pambansa, muling pinagtitibay ng Mataas na Paaralan ng Faustino G. Glua ang kanyang pangako na itaguyod, mahalin, at payabungin ang Wikang Filipino bilang wika ng karunungan, kultura, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.






๐Ÿ“ธ: Chelsea Jean Calupit SSLG PIO | Sir Ramil | Crisha Gelua | Sir Lito
โœ๏ธ: Sir Lito-School Information Officer

Weather Update๐Ÿ“ฃ
02/08/2026

Weather Update๐Ÿ“ฃ

01/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ“š Nakikiisa ang ๐Œ๐š๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐  ๐…๐š๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐จ ๐†. ๐†๐ฅ๐ฎ๐š sa pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” na may temang: "๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐‘ฐ: ๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’”๐’Š๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’๐’“๐’Ž๐’‚๐’”๐’š๐’๐’."

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at Artificial Intelligence (AI), higit na mahalagang gamitin ang Wikang Filipino bilang wika ng kaalaman, pananaliksik, inobasyon, at makabuluhang komunikasyon. Patuloy nating ipagmalaki at pagyamanin ang ating sariling wika bilang sagisag ng ating pagkakakilanlan, kultura, at pagka-Pilipino.

Binibigyang-diin ng temang ito ang mahalagang papel ng Wikang Filipino sa makabagong panahon ng Artificial Intelligence (AI). Ipinapakita nito na ang ating pambansang wika ay hindi lamang daluyan ng kultura at pagkakakilanlan, kundi isa ring mabisang kasangkapan sa pananaliksik, pagkatuto, inobasyon, at pagpapalaganap ng tama at mapagkakatiwalaang impormasyon. Sa responsableng paggamit ng AI, higit nating mapayayaman ang Wikang Filipino at maisusulong ang makabuluhang pagkatuto sa digital na panahon.

Mabuhay ang Wikang Filipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’›

FGGHS Raging Waves DLC๐Ÿ’ช
01/08/2026

FGGHS Raging Waves DLC๐Ÿ’ช

FGGHS Raging Waves DLC๐Ÿฅฐ
01/08/2026

FGGHS Raging Waves DLC๐Ÿฅฐ

Thank you YES-O Faustino G. Glua HS
01/08/2026

Thank you YES-O Faustino G. Glua HS

Address

Otavi, Sorsogon
Bulan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Faustino G. Glua High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category