21/04/2026
📢 ANUNSYO!!
📍Ang Department of Education (DepEd) – Sorsogon ay naghahanap ng mga kwalipikadong indibidwal para maging ARAL Tutors para sa nalalapit na ARAL Summer Program.
📌 Sino ang maaaring mag-apply?
Maaaring kabilang sa mga aplikante ang sumusunod:
• Internal teacher-tutors
• Mga aplikanteng nakalista sa Registry of Qualified Applicants (RQA) ngunit hindi pa naihahire
• Mga college students na kasalukuyang naka-enroll sa Teacher Education programs
• Mga retiradong g**o
📌 Mga Kwalipikasyon:
Ang mga aplikante ay dapat sumunod sa mga itinakdang pamantayan at requirements ayon sa DepEd Memorandum No. 001, s. 2026.
📌 Layunin ng Programa:
Ang ARAL Summer Program ay naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang kakayahan sa pagbasa, pagsusulat, at pagbilang sa pamamagitan ng gabay ng mga dedikadong tutor.
âś…Mag-apply na!
Inaanyayahan ang lahat ng interesadong aplikante na magsumite ng kanilang aplikasyon at maging bahagi ng programang magpapalakas sa edukasyon ng kabataan.
âś…Ang mga nais mag-apply ay maaaring magsumite ng kanilang application sa aming tanggapan sa DOLOS ELEMENTARY SCHOOL simula bukas, Abril 22, 2026.
đź’šMaraming Salamat po!