17/05/2026
Alam nyo ba kung ano ang "BRIGADA ESKWELA?"😊
Ito ung panahon na kailangan ni titser ng tulong nyo 😊 tulad ng panahon na kinailangan ka ng jowa mo noon..😂
Sa panahong ito pwede kang magbigay or magdonate.
✅Gaya ng Electric fan, na syang magbibigay lamig at ginhawa sa mga bata tulad ng panlalamig ng jowa mo sayo. 😂
✅Pwede din ang pintura upang magbigay kulay sa aming silid tulad ng pagbibigay kulay nya sa buhay mo! 😍😂 at iba pang gamit na makakatulong sa ating mga mag-aaral. Isipin mo na lang ung panahon na nagbibigay ka ng mga regalo sa jowa mo, ansarap sa feeling dbaaaa? 😂😉
✅Cash? Pwede ka din magdonate. 10,20,50,100,500 or higher (mas better) kaysa ipangdate mo sa jowa mong paasa. Dito marami kaming sa tulong mo ay umaasa. 🤗 kaya donate ka na. 💵💰👍🏻😂
✅Pwede ka din magpahiram ng mga LALAKI, 💪🏻😂😅 yung makakatulong namin magbuhat o maghakot, hirap na baka bumaba ang aming matres! HAHAHA. Wag kang mag-alala isosoli din namin, hindi kami kagaya ng beshy mo na 🐍 na sanay manghiram pero hindi sanay magsoli! 😂✌🏻
Kaya ano pang hinihintay mo? Tulong na, Suporta na! Eto na yun araw na hinihintay mo, gaya ng paghihintay mo sa matamis nyang oo! 😂 Wag na mag-atubili pa, tara na at suportahan ang Brigada Eskwela 2026 (June 1-5, 2026). ❤️