25/09/2026
Ang kulturang Pilipino ay salamin ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Sa bawat katutubong sayaw, makikita ang kasaysayan, tradisyon, paniniwala, at paraan ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Sa bawat likhang-sining, nasasalamin ang talino, pagkamalikhain, at natatanging talento ng ating mga kababayan. At sa bawat tradisyong ating pinahahalagahan, naipapasa natin sa susunod na salinlahi ang yaman ng ating pagka-Pilipino.
“Katutubong Sayaw,Sining at Kultura sa Pilipinas “
Ang bawat indayog, tunog ng kulintang at gangsa, at bawat hakbang ay hindi lamang isang pagtatanghal, kundi isang salamin ng ating kasaysayan, pananampalataya, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Halina't ating sabay-sabay na tunghayan at ipagmalaki ang pamana ng ating mga ninuno.
Mabuhay ang kulturang Pilipino!