16/10/2025
Back to basic! Always do hand washing ๐
๐จ๐บ๐ถ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐! ๐ท
๐จ๐ด๐ฎ๐น๐ถ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐๐ต๐๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐:
-Bago at matapos kumain
-Pagkatapos gumamit ng palikuran
-Pagkatapos maglaro sa labas
-Pagkatapos humawak ng mga laruan at iba pang bagay o surface
-Pagkatapos bumahing o umubo sa kamay
๐ก๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐๐ต๐๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐. ๐
26/07/2025
ALERTO KONTRA LEPTOSPIROSIS. Sa naranasan nating malawakang pagbaha sa ating lalawigan, narito ang aming tanggapan upang muling magpaalala.
Basahin ang mga sintomas ng Leptospirosis at kung makaramdam, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital sa inyong lugar.
23/07/2025
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
Sa simpleng paglusong sa baha, malalang sakit ang posibleng makuha!
Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa sakit na leptospirosis hatid ng inyong Philippine Red Cross.
23/07/2025
Muli pong pinapaalalahan ang lahat na panatilihing protektado ang katawan laban sa mga water-borne diseases na dulot ng matinding pagbaha.
22/07/2025
If you are in or close to a flooded area, be cautious against:
โ diseases borne by water, food and vectors ๐ฆ
โ
โ electrocution
โ snake bites
22/07/2025
๐จ DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA ๐จ
Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. ๐ฆ
Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.
Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.
Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. ๐
18/07/2025
Ineng! Ato! Pakibasa at pakiunawa saka isapuso โค๏ธ
IWASAN ANG MAAGANG PAGBUBUNTIS!
Ang kabataan ay pag-asa ng bayan โ huwag hayaang maantala ang iyong mga pangarap dahil sa mga desisyong maaaring iwasan.
Maagang pagbubuntis ay may kaakibat na mga panganib:
โ Maagang paghinto sa pag-aaral
โ Panganib sa kalusugan ng ina at sanggol
โ Kakulangan sa emosyonal at pinansyal na kahandaan
โ Mabigat na responsibilidad sa murang edad
Pero *may paraan* upang itoโy maiwasan!
โ
Mag-aral nang mabuti
โ
Makinig sa payo ng magulang at g**o
โ
Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa reproductive health
โ
Igalang ang sarili at ang kapwa
๐ฉโ๐๐จโ๐ *Kabataan, ikaw ang may kontrol sa iyong kinabukasan!*
Huwag matakot magtanong at matuto โ mas ligtas, mas handa, mas responsable!
๐ Tandaan: **"Ang tunay na pagmamahal ay marunong maghintay."**
Piliin ang tamang panahon. Piliin ang magandang kinabukasan. ๐