11/06/2026
๐ PARENTSโ ORIENTATION | OMEES
๐๏ธ Hunyo 11, 2026
Matagumpay na isinagawa ngayong araw sa OMEES ang Parentsโ Orientation bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng ugnayan ng paaralan at mga magulang sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.
Layunin ng gawaing ito na maipabatid ang mahahalagang impormasyon, programa, polisiya, at mga inaasahan ng paaralan upang higit na mapagtibay ang kooperasyon at aktibong pakikilahok ng bawat magulang sa paghubog ng tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang na nakiisa at naglaan ng oras upang makadalo sa ating orientation. Ang inyong suporta at pakikipagtulungan ay mahalagang bahagi ng ating sama-samang mithiin para sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
11/06/2026
๐ School Monitoring of Brigada Eskwela 2026
๐๏ธ June 9, 2026
DepEd Tayo โ Osias M. Esteban Elementary School extends its sincere appreciation to PDO Ma'am Terevic Mananghaya for conducting the School Monitoring of Brigada Eskwela 2026.
Thank you for your commitment to ensuring quality education and a conducive learning environment for our learners.
Brigada Eskwela Coordinator: Ma'am Maricel F. Del Rosario
School Head: Dr. Ron Joseph E. Cortez
08/06/2026
๐ Classroom Monitoring and Learner Inventory
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisig**o ng maayos na implementasyon ng mga programa at serbisyo ng paaralan, nagsagawa si Dr. Ron Joseph Cortez, OMEES Principal, ng pag-iinspeksyon sa bawat silid-aralan upang personal na maberipika at mabilang ang bilang ng mga mag-aaral na pumapasok sa unang mga araw ng klase.
Ang gawaing ito ay mahalaga upang matiyak ang katumpakan ng datos ng paaralan, masubaybayan ang attendance ng mga mag-aaral, at mapaghandaan nang maayos ang kanilang mga pangangailangan para sa isang ligtas, organisado, at produktibong taong panuruan.
08/06/2026
๐ Kilalanin ang Pamilya ng OMEES para sa Taong Panuruan 2026โ2027! ๐
Malugod naming ipinakikilala ang mga Teaching at Non-Teaching Personnel ng Osias M. Esteban Elementary School (OMEES).
Sa pangunguna ng aming butihing Punongg**o, ang bawat kawani ng OMEES ay nagkakaisang maglingkod nang may dedikasyon, integridad, at malasakit upang matiyak ang de-kalidad na edukasyon at mahusay na serbisyo para sa bawat mag-aaral.
Ang aming mga g**o at kawani ay handang gumabay, magturo, at magsilbi upang maging makabuluhan, ligtas, at matagumpay ang taong panuruan para sa lahat ng OMEESians.
Sama-sama nating harapin ang panibagong taon ng pagkatuto, paglago, at tagumpay!
Isang Paaralan, Isang Layunin, Isang OMEES.
๐๐
08/06/2026
๐๐ Busog ang tiyan, busog din ang puso! ๐๐
Taos-pusong pasasalamat mula sa Osias M. Esteban Elementary School (OMEES) sa McDonald's Baliwag Plaza para sa masarap at nakabubusog na lunch na inyong ipinagkaloob.
Ang inyong kabutihan at suporta ay hindi lamang nagbigay ng kasiyahan sa aming mga g**o at kawani, kundi nagsilbi ring inspirasyon ng malasakit at pagkakaisa sa komunidad.
Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming makabuluhang araw. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at maging daan ng saya sa marami pang tao. โค๏ธ
08/06/2026
Balik eskwela na ngayong araw! ๐๐
Kasama ninyo ang sa panibagong taon ng pagkatuto, pagtuklas, at pag-abot ng mga pangarap. Hangad natin ang maayos, at matagumpay na balik-eskwela para sa bawat mag-aaral, g**o, magulang, school staff, at buong komunidad.
May tanong o concern tungkol sa pagbubukas ng klase? Makipag-ugnayan sa ating OBE Hotlines o bumisita sa pinakamalapit na OBE Public Assistance Command Center, Regional o Division Office, o paaralan sa inyong lugar.
Tingnan ang mga hotline dito: https://www.facebook.com/share/p/1H86vMxA7Q/
08/06/2026
Sa pagsisimula ng bagong school year, samahan ang Kagawaran ng Edukasyon sa isang panalangin para sa matagumpay na pagbabalik-eskwela ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Happy, Monday-ka-DepEd! โค๏ธ
06/06/2026
๐ Taos-Pusong Pasasalamat! ๐
Mula po sa kaibuturan ng aming puso, maraming maraming salamat sa inyong pakikipagbayanihan at walang sawang suporta sa aming Brigada Eskwela 2026.
Ang inyong oras, tulong, donasyon, at presensya ay hindi lamang nakatulong sa paghahanda ng aming paaralan, kundi naging inspirasyon din sa amin upang higit pang pagbutihin ang paglilingkod para sa ating mga mag-aaral.
Hindi po magiging ganap na matagumpay ang aming Brigada Eskwela kung wala ang inyong kabutihang-loob at pakikiisa. Lubos po naming pinahahalagahan ang bawat tulong at malasakit na inyong ipinagkaloob.
Mula sa buong pamilya ng Osias M. Esteban Elementary School, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyo. Nawaโy patuloy po nating mapalakas ang diwa ng bayanihan para sa edukasyon ng ating mga kabataan. ๐๐ซโจ