12/08/2026
Dear Parents,
Please, huwag po nating hayaang maligo sa tubig-baha ang ating mga anak. Habang nag-iikot po kami kanina ay napakaraming bata ang naliligo sa baha, ang iba ay sumisisid pa.
Napakaraming sakit po ang puwedeng makuha, ilan po sa mga ito ay ang mga sumusunod:
✍️Leptospirosis: Mula sa ihi ng daga na may bakterya na papasok sa sugat o balat.
✍️Alipunga at Sugat sa Balat: Sanhi ng babad sa maruming tubig kaya nagkakaroon ng impeksyon ang balat.
✍️Tetano: Impeksyon na nakukuha kapag ang sugat ay natusok o nadikitan ng kalawang at maruming tubig.
✍️Pagsakit ng Tiyan at Pagtatae (Gastroenteritis, Cholera, Typhoid): Sakit na nakuha kapag nakainom o nalulon ang kontaminadong tubig.
Ingatan po natin sila at ang ating mga sarili. Mahal po at mahirap ang magkasakit. Pahalagahan ang kalusugan.
Ingat po ang lahat, God bless us all and have a JUANderful day!
Nagmamalasakit,
Kons. Sir Juan 🫶