Mr. Caloy Stories Collection

Mr. Caloy Stories Collection

Share

THIS PAGE IS FOR MY STORIES COLLECTION ONLY.

28/03/2026

⚡ 1. Pagkawala ng Kuryente sa Malawakang Lugar, Walang ilaw sa bahay, kalsada, ospital (maliban kung may generator o Solar). Hirap sa gabi dahil madilim at mas delikado.

📶 2. Problema sa Communication
Mahina o walang signal ang cellphone at internet. Mahirap makipag-ugnayan sa pamilya o emergency services.

💧 3. Problema sa Tubig at Basic Needs
Posibleng mawalan ng supply ng tubig (lalo na kung naka-electric pump). Mahirap magluto, maligo, at maglinis.

🏪 4. Paghinto ng Negosyo at Trabaho
Sarado ang maraming negosyo. Walang pasok o work-from-home kung walang kuryente.

💸 5. Pagbagsak ng Ekonomiya
Bawas kita ng mga tao at kumpanya.
Posibleng tumaas ang presyo ng bilihin dahil sa supply issues.

🚦 6. Trapiko at Disgrasya
Hindi gumagana ang traffic lights.
Mas mataas ang risk ng aksidente.

🏥 7. Panganib sa Kalusugan
Hirap ang ospital kung kulang sa power.
Pwede masira ang gamot na kailangan ng refrigeration (like insulin).

🔥 8. Posibleng Kaguluhan
Dahil sa takot at kakulangan, may posibilidad ng panic buying o kaguluhan.
Tataas ang krimen sa madidilim na lugar.

Ang energy lockdown ay hindi lang simpleng brownout ito ay krisis na pwedeng makaapekto sa buong sistema ng lipunan.

Kaya habang may liwanag at lakas pa, mas lalo tayong lumapit sa kapangyarihan ng Diyos.

Magdasal, humingi ng gabay, at manalig sa Kanya sapagkat Siya ang ating kanlungan at proteksyon sa dilim.




ctto

26/03/2026

Mag stock kayo ng pagkain, sa mga may bata magstock kayo ng maraming tubig, at solar power station, Hindi naten alam kung anong mga mangyayari sa mga susunod na buwan. Maaring kahit papano maayos pa sa ngayon, Pero hindi natin alam pag gising naten kinabukasan kung ano na ang sitwasyon. Kaya kung may mga tinatago kayong pera, ilabas niyo na yan dahil kapag nagkaron na ng matinding krisis wala ng silbe ang pera.

Pinaka mahalaga taimtim na Panalangin! 🙏❤‍🩹

ctto

21/03/2026

Gigil sa subrang laking talaba yun kawawa!!!
Matinding pagsisisi ang nararamdaman ngayon ng isang mister matapos siyang magpositibo sa HIV.

Ayon sa ulat, nagkaroon sila ng alitan ng kanyang asawa kaya sa gitna ng emosyon at stress, napagdesisyunan niyang human4p ng ibang talaba sa isang online site na sikat magluto ng talaba.

Pagkalipas ng ilang araw, nakaranas siya ng sintomas sa bibig na kalaunan ay natukoy bilang fungal infection.

Dahil dito, nagpasuri siya—at doon niya nalaman ang mas mabigat na katotohanan: siya ay HIV positive.

Isang paalala ito na ang isang maling desisyon sa isang sandali… maaaring magdulot ng pangmatagalang epekto sa buhay.

21/03/2026

Sa subrang mahal nga ng gas ay naisipan ng isang rider na sumakay nalang ng jeep kasama ang kanyang pasahero.

Ito umano ang kanyang paraan para makatipid siya sa gas at makatipid din sa pamasahe ang kanyang pasahero.

Aniya, natakatipid na umano siya sa gas at naihatid pa niya ang kanyang pasahero sa kanyang destinasyon.

20/03/2026

150 NA KILO NG BIGAS?
ano papatayin na talaga tayo gutom nito?

09/03/2026

Dear Parents,

Isang munting pakiusap para sa mga magulang na magbibigay ng money garland sa kanilang mga anak. Hinihiling po namin na iwasan muna itong isabit habang isinasagawa ang seremonya ng pagtatapos. Hindi po ito tungkol sa karapatan ninyo bilang magulang, kundi sa epekto nito sa ibang bata na maaaring hindi makatanggap ng ganoon.

Bagamat marami ang magsasabing "Sana all," hindi natin alam na sa kalooban nila, maaaring iniisip nilang "Sana ako rin meron." Ayaw po nating magkaroon sila ng inggit o mababang tingin sa kanilang sariling pamilya, lalo na't may mga magulang na nagsusumikap nang husto para mapagtapos lamang ang kanilang anak.

Hindi po ito pagbabawal kundi isang paalala upang maging mas maingat at maunawain tayo sa ating kilos. Kung kayo po ay pinagpala, sana'y maging mas maingat tayo sa pagpapakita nito upang hindi makasakit ng damdamin ng iba. Salamat po sa inyong pang-unawa❤️😘

Sa Bahay nyo nalang po sana iabot😘

ctto

17/02/2026

ANG ISINUMPANG DRESS SA UKAY-UKAY

Hindi ko alam kung maniniwala ba ang mga tagapakinig ng inyong channel. Pero ang ibabahagi kong kwento sa inyo ay isang daang pursyentong totoo.

Tungkol po ito sa puting dress na nabili ko para sa kaarawan ng aming anak na babae.

Tawagin niyo na lang po ako sa pangalan Leonora at Princess naman ang ipangalan mo sa aming anak ng mister kong si Sander.

Nagsimula ang kababalaghan karanasan naming mag anak nang maisipan naming tumingin sa ukay-ukay ng kaibigan ko na Ninang na rin ng aking anak. Malapit na kasi ang kaarawan ng unika iha ko at naghanap kami ng kaniyang susuutin sa kaniyang darating na kaarawan.

Hindi naman sa tinitipid namin ang aming anak na babae, nagkataon lang din talaga na naka badget na din ang naipon naming pera ng asawa ko para sa pagpapaayos namin sa aming bahay na Isa sa mga tinamaan noon ng bagyong Undoy.

Maunawain din naman ang anak naming si Princess sa sitwasyon namin. Isa pa ay limang apat na buwan na rin akong buntis kaya mas kailangan naming makaipon. Tricycle driver lang kasi ang asawa kong si Sander. Ako naman ay sa bahay lang talaga.

May nakahanda na rin naman kaming badget para sa mga lulutuing pang handa sa kaarawan nga ng anak namin. Tumingin tingin ako online ng dress pero medyo mahal sa gusto ng anak namin. Hanggang inirekumenda ng kaibigan ko na kapitbahay din namin ang kaparehong dress na gusto ni Princess.

Nakita raw ito ng kaibigan namin sa isang ukay-ukay sa bayan ng minsan silang magpunta run. Kaya naman sinubukan din naming puntahan ito ng kaibigan kong si Maria.

Pagkarating sa nasabing bilihan n ukay-ukay ay maswerte naman kami na maabutan pa ang dress na puti para sa anak ko. Nabili lang namin ito sa murang halaga. Maayos pa at mukhang bago ang dress. Sobrang matutuwa nito si Princess kapag nasuot na niya ito.

Nagpasalamat naman ako sa kaibigan ko na Ninang din naman ng anak ko. Dahil nga inirekumenda niya itong dress na kaparehong kapareho sa gustong isuot ni Princess.

Kinagabihan ay hindi ko muna pinakita sa anak ko ang dress na nbili nga namin ng Ninang Maria niya. Hinihintay ko siyang matulog at saka ko nilabhan ang dress. Nang mga oras na ‘yun pagkatapos kong maglinis Ng buong bahay at maghugas ng plato, nauna ng nakatulog sa akin ang mag ama ko. Pagod kasi sa trabaho si Sander, maaga ko din naman pinapatulog si Princess dahil ayokong natututo itong magpuyat.

Mga bandang alas diyes na ‘yun ng gabi, habang nasa banyo para nga labhan ang nabili naming dress sa ukay-ukay. May nakarinig akong tila boses ng batang babae na tumatakbo at tila naglalaro sa sala ng bahay.
Napatigil ako sa pagkusot ko at pinakinggan ang kung saang boses ng bata talaga nanggagaling. Bukas naman ang banyo namin, wala pa naman kasi itong pintuan dahil ito ay kasalukuyang ginagawa pa naman. Kurtina lang ang tabing pansamantala.

Hinawi ko ang kurtina para natanaw ang sala, sigurado kasi akong tila boses talaga ‘yun ng batang babae. Pero alam kong hindi ito galing sa anak ko dahil mahimbing ito kung matulog sa k**a sa lapag naman ng k**a ang higaan namin ng asawa ko.

Tumayo ako nang muli naman akong nakarinig ng mga nagbagsakang mga kutsarita sa kusina. Napabalikwas ako ng tayo at agad na pinuntahan ang kusina. Itim na pusa ang nakita kong lumabas at dumaan sa bintana na bahagyang bukas.

Sinara ko ng maayos ang bintana at pagkatapos ay pinulot ang mga kutsaritang nasa lapag. Habang isa-isa kong pinulot ito napansin ko mula sa repleksyon ng isa sa mga kutsara na pupulutin ko pa lang sana ang tila batang nakaputing dress, naka tingin ito katabi ko at nakangiti sa repleksyon ng kutsara.

Tapos ay may naramdaman akong huminga sa tenga ko at bumulong.

“ Mama!”

Napatingin ako sa gilid ko ngunit walang naroong bata, sa puntong ‘yun ay natakot na ako. Kaya hindi ko na natapos banlawan ang susuuting dress Ng anak ko sa darating na kaarawan nito. Tumabi ako kay Princess at yumakap hanggang sa makatulog ako. Naalimpungatan namn ako nang makita Kong nakaupo si Princess habang nakapikit at tumatawa ito na tila may kalaro o kausap na bata.

LEONORA:
“Anak Princess?” bumangon ako at tinapik tapik ang mukha ng anak ko para magising. Sa pag isip isip ko ay nananaginip ito. “ Anak gising, nanaginip ka.”

Huminto naman ito sa pagtawa at yumakap sa akin habang nakapikit pa rin ito. Nakatulog muli ito sa bisig ko. Napatingin Naman ako sa pintuan ng kwarto namin dahil nga kurtina pa lang din ang tabing nito gaya sa cr, kulang pa kasi ang pera pangbayad sa ipinagawa naming pinto.

Madilim ang sala, mahangin din ng bahagya at nahahawi ng hangin ang kurtina dahilan para mapatingin ako sa tila anino Ng malaking tao at isang anino pa na parang sa maliit naman na bata.

Nawala rin ito sa kinatatayuan nito. Iniisip kong baka pagod at stress o dala lang din ng pagbubuntis ko ang mga guni-guning nakikita ko. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

Nang dumating ang ikapitong kaarawan ng aming anak saka ko lamang ipinasuot ang bagong labang dress. Tuwang-tuwa itong nagpaikot-iko habang hawak ang laylayan nito tapos ay niyakap ako ng mahigpit para humingi ng pasasalamat.

Sobrang sweet,masipag sa pag aaral, magalang at madasaling bata si Princess ganun namin siya unti-unting gustong lumaki. Naghihintay na ang mga bisita sa labas ng bahay, mga pinsan Niya at ilang kaibigan at classmates niya.

Pagkalabas pa lang namin sa kwarto ay sinalubungan agad ng mga bisita sa pangunguna ng Ninang Maria at ng asawa ko ang pagkanta ng happy birthday bilang pagbati sa anak namin.

Kumuha muna kami Ng mga litrato bilang remembrance, kasama ang mga kaibigan, mga pinsan at ilang k**ag anak. Pagkatapos ay kumain, masaya ang naging buong araw ng aming anak. Normal ang lahat.

Ngunit pagsapit ng kinagabihan…

Habang abala kami ng asawa ko sa pagliligpit ng mga kalat, mga pinagkainan ng mga bisita, may kaunti ring inuman silang magkukumpare, pero inuna pa rin akong tulungan ni Sander dahil nga ayaw niyang nakikitang nahihirapan ako lalo pa’t buntis nga ako.

Si Princess naman kalaro ng mga pinsan niyang naiwan pa rin sa bahay Ng mga gabing iyun ay masayang nakikipag laro sa kwarto. Suot pa rin nito ang dress kahit pa marumi na ito tignan. Habang nakaupo na ako sa sala para nagpahinga na ay pinanood ko sa cellphone ko ang mga kuha naming larawan, masaya akong pinagmasdan ang mga ito.

Ngunit may bahay na nagbigay Ng pagtataka sa akin. May batang babae kasi na kapareho ng suot na dress ni Princess ang nahagip ng camera ng cellphone. Hindi pamilyar sa akin ang batang ‘yun. Mahaba ang buhok maputla ang kulay Ng balat at may blurd na kuha ng larawan sa mukha nito kaya di ko mamukhaan.

Pero sigurado naman ako na tanging si Princess lang ng mga oras na ‘yun ang may ganoong dress at kulay. Yun kasi ang pinakiusap namin sa mga dadalo na kung maaari ay may birthday lang ang batang magsusuot ng white. Pumayag naman din ang mga nanay bilang pakikisama.

Kaya laking pagtataka ko talaga kung sino ang batang ‘yun. Maya-maya pa’y nagulat kami at nataranta sa pamangkin kong lumabas ng kwarto at umiiyak dahil sa tinulak daw ito ni Princess.

Agad kong pinuntahan ang anak ko sa kwarto at naabutan ko itong masayang naglalaro mag isa, ang mga pinsan naman nito ay tahimik sa sulok at tila takot na takot habang nakatingin kay Princess.

SANDER:
“ Anong nangyari mahal? Bakit umiiyak yung bata, Princess anong ginawa mo?” pagtatakang tanong ng asawa kong medyo nakainom na rin ng mga oras na ‘yun.

LEONORA:
“ Mahal ako na kakausap sa anak natin sige na, ahmm mga bata labas muna kayo ng kwarto kakausapin ko lang pinsan niyo ha.” sabi ko sa mga ito.

Nang kami na lang ng anak ko ang nasa kwarto ay mahinahon ko itong kinausap tungkol sa nangyari. Ngunit kahit ako may kakaibang naramdam. May mga tingin sa akin ang anak ko, malamig ang mga tingin, parang hindi ito ang aming anak. Tumayo ito at biglang nagsisisigaw, at nagwala, ikinalat ang mga laruan at pinunit punit ang mga balot ng regalo.

Sinubukan kong yakapin ito para huminahon, pero malakas ang anak ko. Lakas na hind pangkaraniwan sa batang pitong taong gulang lang. Nagpupumiglas ito hanggang masipa nito ang tiyan ko.

Ininda ko naman ang pananakit ng tiyan ko matapos di sinasadyang masipa ni Princess. Pero nang makita nitong nahihirapan ako ay humingi ito ng sorry sa akin at yumakap. Sinabi nitong di daw niya alam ang ginagawa niya.

Sa kalagitnaan naman ng gabi ng aming mahimbing na pagkakatulog, nagkaroon ako ng isang masamang panaginip tungkol nga ito sa batang babae ulit na madalas kong nakikita, kapareho nito ang suot na dress ni Princess. Ngunit may manya ng tila p**ang likido sa damit, nakatingin ang bata na umiiyak sa akin habang hawak naman siya sa batok ng isang itim na anino na may hindi pangkaraniwan taas ng tao. Umiiyak ang batang babae habang humihingi ng tulong.

Nagising ako bigla na pinagpapawisan kahit malamig naman ng gabing ‘yun. Saka ko na lamang din napansing wala sa tabi ko si Princess nang marinig ko at maaninag ang liwanag ng TV sa sala. Bukas kasi ito ngunit walang kahit Anong channel na ng mga oras na yun ang bukas.

Ginigising ko si Sander ngunit dahil sa kalasingan nito ay nahirapan akong gisingin nga ito. Kaya mag isa kong tinungo ang sala, doon ay tinatawag ko ang pangalan Ng anak namin.

LEONORA:
“ Anak Princess? Nasaan ka? Bakit bukas ang Tv? Princes anak nasaan ka ba?” tawag ko habang hawak ang nananakit na rin tiyan ko ng mga oras na ‘yun.

Wala si Princess sa upuan sa pag aakalang nanonood pa ito ng TV dahil sa bukas ang Tv at may narinig akong nagkukwentuhan na mga bata. Pinatay ko ang tv gamit Ang remote nito na nakapaton sa ibabaw mismo ng TV namin, tapos ay nagtungo ng kusina para uminom ng tubig. Inaasahan kong nasa tabi lang si Princess dahil nga naririnig ko pa rin ang boses niya na tumatawa at tumatakbo kung saan, ngunit hindi mahabol ng paningin ko si Princess.

Hanggang sa may napansin na nga akong dumaan sa harapan ko papunta sa pintuan, batang maliit mahaba ang buhok, at suot nito ang dress ng anak ko. Binuksan nito ang pinto ng bahay habahg patuloy itong tumatawa, lumabas pa nga ito at tila gusto nitong sundan ko siya.

Kahit alam kong hindi ito si Princess na anak namin ay tinawag ko pa rin ito, Sa labas nga ay nakita ko si Princess at ang batang babae pareho silang nakasuot ng puting dress na nabili ko nga sa ukay-ukay. Ang mas nakakapangilabot pa dito ay nasa likuran nila ang tila malaking nilalang na may katawan Ng tao, ngunit may mukha na gaya ng sa kambing, may sungay at p**a ang mga mata nito. Ang kalahati g katawan nito sa baba ay sa kambing din, hawak nito sa balikat ang anak ko at ang isa pang batang babae.

Hindi ako halos makahinga, ni kahi sumigaw ako ay walang lumalabas na boses sa akin. Ni hindi rin makagalaw ang katawan ko para sa umatras papasok ng bahay at gisingin ang asawa ko.

Mabuti na nga lang at naramdam kong may k**ay na humawk sa balikat ko at narinig ko ang pamilyar ba noses nito.

SANDER:
” Hoy, mahal! Anong tinitingnan mo diyan?” tanong ng asawa ko ng mapansin pala ako nitong nakatayo sa pintuan ng bahay at tila tulala nga raw Ako.

LEONORA:
“ Mahal, teka nasaan si Princess? Kanina lang nandiyan siya sa labas ah, mahal may mga kasama si Princess, i-isang isang batang babae at parang demonyo naman yung isa.” natatakot kong paliwanag ngunit alam kong imposibleng paniwalaan ako ng asawa ko.

Ganun pa rin naman ang idadahilan nito sa akin, sasabihin niya Lang ulit na dala lang ito ng stress at pagbubuntis ko. Sinabi nitong nasa kwarto lang naman daw ang anak namin at mahimbing na natutulog. Nagising daw kasi si Sander para umihi at napansin nga niya ako na nakatayo nga sa pintuan.

Sa mga sumunod na araw ay mas tumindi ang mga napapansin ko sa tila pagbabago sa pag uugali ng anak namin. Kung dating palangiti at madalas na mangulit sa amin o laging nasa labas kalaro ang mga anak din ng kapitbahay o mga pinsan niya, Ngayon parang ang layo-layo na nito sa amin.

Madalas kasing pasigaw na ito kapag nagagalit, gusto niyang laging suot ang dress na binil ko, at madalas parang may kalaro itong hindi namin nakikita. Isang araw nga habang nagtutupi ako ng mga niligpit kong sinampay, maulan Ng mga oras na ‘yun. May kulog ding kasama na ikinakabahala ko. May bagyo din kasi.

Wala pa noon ang asawa ko sa bahay, ako naman habang abala sa pagtutupi ng mga damit, narinig kong tumatawa ulit si Princess sa kwarto hanggang sa may isa pang boses ang sumabay sa kaniya. Boses din ng batang babae, ngunit dalawa lang kami Ng mga oras na ‘yun ng anak ko.

Kaya laking pagtataka ko talaga kung sino ang kasama at kalaro ng anak namin. Tumayo ako at dahan-dahan akong sumilip sa loob ng kwarto, at nanlaki ang mga mata ko. Nang sa repleksyon ng malaking salamin namin kung saan natatanaw ko ang kalaro ng anak ko kahit pa mag isa lang talaga siya sa kwarto namin.

Nangatog ang mga tuhod ko at sobrang takot na takot, dahil nakatingin din sa akin ang batang babae sa salamin. Suot nito ang katulad Ng dress Ng anak ko. Habang suot din naman ni Princess ang dress niya. Ngunit ang kakaiba SA batang ‘yun ay may kalumaan ang dress nito may mga mantiya ng dugo, maputla ang kulay ng balat at may naagnas na mukha.

Dahil sa naramdaman kong takot at kilabot ay hindi ko namalayang dinudugo na pala ako. Mabuti at kakarating lang asawa ko. Napansin niya ang dugo sa mga hita ko at patuloy ang daloy nito.

Sa pag aalala nga ng asawa ko, ay agad niya akong isinakay sa tricycle namin at isinugod sa hospital. Naiwan naman sa Kapatid kong babae din si Princess na nakatira lang din malapit sa amin dahil may kinakasama na ito.

Sa hospital ay sinabi ng doctor na mahina mga raw ang kapit ng baby sa tiyan ko, kaya naman iwasan ko daw ang masiyadong stress at pag iisip. Gusto ko naman talagang ikwento kay Sander ang mga kababalaghang nararansan ko sa bahay at pagbabago ng anak namin, pero alam kong sasabihin niya Lang na h’wag akong nag iisip ng ganun.

Nagplipas ako ng isang gabi sa hospital kasama ang asawa kong nasa labas ng mga oras na ‘yun para mag yosi. Iidlip pa nga sana ako pero biglang nag ring ang cellphone ko at ang kapatid kong babae ang tumatawag.

LORAINE:
“ Ate, kailangan niyong umuwi agad, may kanilangan kayong malaman tungkol sa nangyayari kay Princess!” seryosong balita nito sa akin.

LEONORA:
“ Bakit anong nangyari sa anak ko?” pag aalalang tanong ko sa kapatid ko.

LORAINE:
“ Hindi ba madalas mong ikwento sakin na parang may kababalaghan kang nararansan sa bahay niyo? Ate hindi ko pala nasabi sayong Albularya ang mama ni Jasper. Nang makita kasi niya ang suot na dress ni Princess bigla dae siyang nakaramdam ng takot ate. Yung binibli mong dress sa ukay-ukay ate sabi ng mama ng nobyo ko may sumpa raw ito, at namatay ang batang may ari nito habang suot suot ito. ” paliwanag ng Kapatid ko.

Hindi agad ako nakapag salita, naiiyak akong natatakot at nag aalala para sa kaligtasan ng anak ko. Napagtagpi tagpi ko ang mga nangyari simula nga ng mapasa amin ang dress na ‘yun. Nang pumasok si Sander ay pinakiusapan ko siyang umuwi na kami dahil sobrang pag aalala ko sa kung ano ang mga susundo pang kababalaghang mangyayari pa sa anak namin.

Nang makauwi nga kami ay dumiretso kami sa bahay ng Kapatid Kong si Lorain. Naroon din ang nobyo nitong si Jasper at ang mama nitong isa pa lang Albularya sa kanilang probinsya. Nakahiga at mahimbing na natutulog sa sofa si Princess.

Samantalang paikot-ikot naman ang mama ni Jasper sa upuan kung saan nakahiga ang anak namin, habang may hawak na bao na may lamang insenso at umuusok ito sa paligid.

Ang dress naman na nabili namin ng kaibigan ko sa ukay-ukay ay nakatiklop at may taling sinulid na kulay p**a. May kandila sa palibot nito.

Sinusubukan pala ng albularya na labanan ang sumpa sa anak namin. Naiiyak na rin akong may pag sisi kung bakit pinili ko pang bumili ng mumurahing dress para sa anak namin, kung sana pala ay bago kahit medyo mahal ay hindi sana makakaranas ang anak ko ng ganitong di kapanipaniwalang kababalaghan pangyayari.

ALBULARYA:
“ Malakas ang sumpang bumabalot sa damit na ‘yan. Leonora, alam kong nagpapakita sa'yo hindi lang ang batang babae na may ari ng damit kundi ang diyablong sumpa nito. Tama ba?” usisa sa akin ng mama ni Jasper.

LEONORA:
“ Opo. Ang Akala ko po guni-guni ko lang at dala ng stress at pagod sa bahay ang mga nakikita kong 'yun tita Deliah.” nalulungkot kong sagot.

SANDER:
“ Pasensiya na mahal, palaging ‘yan ang inaakala ko sa tuwing magsasabi ka sa akin. Naging pabaya akong asawa at ama sa inyong dalawa.” paghingi ng tawad ng asawa ko.

Nagyakapan kami habang pinagmasdan ang kawawang anak namin. Sa pagpapatuloy ng ginagawang ritwal ng albularya ay bigla namang lumakas ang hangin, sa lakas nito ay nagawa nitong buksan ng sabay sabay ang pinto at bintana kahit pa mga naka kandado ang mga ito.

Bigla ring nagising si Princess at bumangon sa pagkakagiga. Ang damit ay pili niyang kinukuha pero yakap yakap siya Ng papa Sander niya. May maririnig ding iba't ibang boses na sumasabay sa pagsasalita ng aming anak, boses batang babae at malaking boses naman ng gaya sa demonyo.

Malakas ang pagpupumiglas ng anak namin kahit pa tumulong na sa paghawak sa braso nito ang nobyo ni Lorain. Ako at ang kapatid ko naman ay magkawahak habang kapwa takot at nag aalala.

LEONORA:
“ Anak lumaban ka! Labanan mo ang masamang demonyo na ‘yan. Andito kami Ng papa mo anak!” umiiyak kong sigaw sa nahihirapan kong anak.

PRINCES:
“ Mama! Papa! Iligtas niyo po ako!” tanging ito lang ang nasabi Ng anak namin bago siya nawalan ng malay.

Kasabay ng kawalan niya ng malay ang pagtigil ng hangin, ang mga bintana at pinto ng bahay ay muling nagsara.

Ang buong akala namin ay tapos na ang kalbaryo naming mag anak, nagsisimula pa lang pala. Dahil sa sinabi ng albularya na hindi pa nawawala ang sumpa o humihiwalay ang kaluluwa ng batang babae sa anak namin. May kailngan nga raw kaming gawin para tuluyang mailigtas ang aming anak sa diablo.

ALBULARYA:
“ Sander kailangan niyong dalhin ni Jasper itong damit sa puntod ng batang babae. Hukayin ito at isuot niyo sa kaniyang kalansay, kasama ang orasyon na ito na isinulat ko sa papel. Ilibing niyo at kailangan hindi kayo maabutan ng paglubog ng araw, dahil tiyak akong pipigilan kayo ng diablo. Magmadali kayo!” utos ng albularya sa asawa at Anak nitong si Jasper.

Kami naman ay naiwan para bantayan ang anak ko. Kasama naming nanalangin ang albularya at ilang mga kapitbahay naming naging saksi na rin sa nangyayari sa anak ko. Hawak din ako sa k**ay ng kaibigan kong si Maria na siyang kasama kong bumili ng damit na ‘yun sa ukay-ukay.

Bumiyahe sila Sander at Jasper sa probinsyang pinanggalingan ng damit. Ayon daw Kasi sa napagtanungan nilang may ari ng ukay-ukay tungkol nga sa pinanggalingang lugar ng dress na ipinakita nila dito ay mula pa raw ito sa probinsya ng Bukidnon. May limang oras din ang naging biyahe nila mula sa amin papunta roon. Halos inumaga na rin sila dahil gabi na sila bumiyahe ng mga oras na ‘yun.

Pagkarating ay agad nilang pinuntahan ang sementeryo, at hinanap ang puntod ng batang si Anabelle na namatay pa noong 1987.

Nahirapan silang makita ang puntod dahil sa imposibleng naroon pa ito gayung ganung katagal na itong patay.

Hanggang sa may lumapit na matandang lalaki na care taker ng sementeryo. At sinabing alam nito ang puntod ni Anabelle. Nakilala kasi ng matanda ang hinahanap ng asawa ko sa pamamagitan ng hawak nitong damit pambabae.

Nakakausap namin sila Sander gamit ang cellphone dahil may signal naman dun. At mula sa cellphone ay naririnig namin ang pinag uusapan nila. Ayon sa matanda kilala niya raw ang batang may ari ng dress at ito nga ay dating kababata sa kanilang probinsya.

Lagi nga raw suot ni Anabelle ang puting dress na ‘yun kaya naging tamp**an raw ito ng tukso ng ibang mga kabataan. Bukod dun ay may kakaiba ding pag uugali ito Kay mas laging nilalayuan dahil sa pagiging autism nito. Tinatawag ding mangkukulam noon ang Nanay ni Anabelle, ito ang laging panukso ng mga bata sa kaniya.

Hindi rin daw pinapayagan ang matandang lalaki ng kaniyang magulang na makipag kaibigan din sa batang anak raw Ng mangkukulam. Isang gabi habang nasaksihan mismo ng matanda kung paano namatay ang batang si Anabelle habang suot nito ang puting dress.

Maliwanag ang buwan, napansin nga raw nitong nasa labas ng bahay ang batang si Anabelle at masayang hinahabol ang mga alitaptap. Tapos ay biglang nawala ito.

Sinundan niya raw ang naririnig na pag iyak at tila pagpupumiglas ni Anabelle mula sa mga k**ay ng tatlong tao. Huli na nang tuluyang makita nito ang nangyaring eksena sa batang si Anabelle. Naabutan niya itong wala Ng buhay at puro duguan ang puting dress nito.

Dito ay isinumpa ng Nanay nitong mangkukulam ang mga taong may lihim na inggit at galit sa kanila at sa pamilyang gumawa noon sa kaniyang anak.

Ang pamilya kasi ni Anabelle ang may pinak**alaking lupain sa probinsya nila na labis na kina iinggitan ng mga kapitbahay nila kaya kung ano-ano Ang ginagawa ng mga itong kwento.

Isinumpa nito ang puting dress ng anak na kung sino ang makakasuot nito na mula sa angkan ng mga taong may atraso at pananagutan sa pagk**atay Ng anak ng anak nito ay gagambalain ng diablo.

Ang puting dress ay nagmumukha pa ring bago sa mga lumipas na panahon at naipasapasa sa iba't ibang pamilya Ang ilan sa mga nakasuot nitong batang babae ay nakaranas din ng katulad sa naranasan naming mag anak.

Nang matapos sa pagkukwento ang matanda ay sinimulan na ring hukayin ng asawa ko at ni Jasper ang puntod ni Anabelle at nang makita ang kabaong nito ay biksan nila ito.

Bumungad sa kanila ang kulay itim na kalansay ng isang batang babae, isinulat nila ang puting dress sa kalansay at isinuksok naman ni Jasper ang papel na may lamang orasyon na nakasulat sa salitang Latin.

Ilang sandali pa ay nawalan ng signal ang cellphone ng asawa ko at hindi na namin ito nagawa pang makontak kahit pa ang cellphone ni Jasper ay hindi rin matawagan.

Maya-maya ay muling nagk**alay ang anak kong si Princess ngunit para itong sinapian at ang katawan nito ay nakalutang sa hangin habang sinabi nitong hindi kami magtatagumpay na mabawi ang anak namin.

Tumingin Ng diretso sa akin si Princess at naramdam ko ang malungkot na emosyon ng anak ko mula sa mga mata niya. Nagpakita rin muli sa akin ang diablo at hawak nito ang balikat ng anak ko. Nakikita rin ito ng albularya kaya naman nilakasan nito ang luob at isinaboy sa anak ko ang langis na may basbas Ng simbahan.

Nasaktan ang diablong may sungay at tuluyang naglaho, kasabay ng paglaho nito ang kalansay ng batang si Anabelle ay nalusaw at naging itim na abo na lang. Muli nilang inilibing ang kabaong kasama ang puting dress nito at nagdasal ng taimtim.

Nang makabalik na sa bahay ang asawa ko at nobyo ng kapatid ko, ay masaya itong sinalubong ang nakangiti naming anak. Tuluyan na kasing nakawala sa panganib si Princess.

Labis ang pasasalamat namin sa mama ni Jasper, kung hindi siguro dahil sa kaniya ay baka tuluyan ng kinuha sa amin Ng diyablong iyun Ang aming anak.

Ang pangyayaring iyun sa buhay namin ay nag iwan talaga ng maraming aral at nagpatibay ng aming pagsasama bilang masayang pamilya.

May mga bagay na hindi mo kailangan tipirin ang sarili kung ito nmn ay totoong makakabuti sa'yo. Pakinggan ang problema ng bawat isa at damayan sa ganitong paraan maipapakita natin ang ating tunay na pagpapahalaga at pagmamahal sa ating mga Mahal sa buhay.

Hanggang dito na lamang po ang aking kwento, nawa ay nasa maayos na kalagayan ang lahat at may matatag na pananampalataya SA dios. Maraming salamat sa pagpili ng aking kwento.

MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA ☺️ 🫶 For more exciting stories please follow this page. Thank you

12/02/2026

[010]: 1 shot story


SUGAT NG KAHAPON

Bawat patak ng luha ko ,katumbas ay sakit na ipinaranas mo ,sa tulad kong ang nais lang naman ay pag-ibig mo.

Mahal wag ka sanang magtampo kung madalas busy ako .
Pasensya na mahal kung wala akong time sayo .
Puro ako trabaho , kaya ika'y nagtatampo .

Ngunit lahat ng pag sasakripisyo ko
Lahat ng yung may dahilan
Gustong ko kaseng bumawi sayo
Kaya ,aking naisipang
Suprisahin ka sa ating anibersaryo
Ang kinita ko sa mag hapong trabaho ay ipinambili ko ng regalo para sana sayo .
Bumili ako ng mga bulaklak na gusto mo ,pati kwintas na may halagang sampung libo

Nagpagupit narin ako
Para naman masabi mo
“Mahal ang gwapo–gwapo mo”
Ngumingiti nalang ’pag ikaw ang naaalala ko.

Sumakay na ko ng Jeep
Pauwi sayo , iisa lang iniisip
Kumusta ka na kaya mahal ko?

Sa wakas nasa tapat na ako
Ng ating bahay ngunit bakit sarado
Ilaw ay nakapatay ,puso ko'y kabado
Nag aalala ako kaya tumakbo ako
Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin pabango, ’di sa akin at di sayo .
Kaya nagduda na ako ,

Dala-dala'y agad na binitawan
Naglakad akong dahan-dahan
Kwarto natin ang aking pupuntahan
Para makasiguradong , di totoo
Itong kaba ko ,na baka ako'y niloloko mo.

Papalapit palang sa pinto ,may narinig nakong Iba, ungol ng dilang isa kundi dalawa .
Malalim na hagod ng hininga
Tila sabik sa ginagawa .

Di nga ko nag ka mali
Sa aking hinala , “mahal sino sya?
umamin ka!... kalaguyo mo pag wala ako?

Ano yung mga text mo na nag aalala ka sa akin , bakit galit ka kapag tawag mo ’di ko pinapansin.
Ano ba talaga ang tunay mong damdamin para sa akin.

Bakit ngayon pang pagod ako
Sa kakatrabaho ,bakit ngayon pang
Sa mismong ating anibersaryo.
Bakit mo nagawa 'to, ano ang pagkukulang ko ?

Oras para sayo?
Mahal kung mahal mo ako, sana inuunawa mo ako!
Mahal kung mahal mo ako sana inintindi mo ako!
Na gusto ko lang ang magandang bukas para sayo sa atin
Sa mga anak sana natin
Pero bakit ganito?

Ang sakit parin isipin kahit
Alaala ka na lang
Tila bangungot sa akin
Ang nakaraang ikaw lang ang sumaya at ako lang ang lumuha.
Inibig kita ,ngunit kabaligtaran ang iyong ipinadama.
Mahal mo lang pala ako
’Pag may iaabot akong pera .
Ang masakit pa , ang kabit mo
Ang gumagasta ng aking kinita
Para sana sayo sinta .

Want your school to be the top-listed School/college in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Sapang Bulak Doña Remedios Trinidad
Bulacan
3009

Opening Hours

Monday 9am - 11pm
Tuesday 9am - 11pm
Wednesday 9am - 11pm
Thursday 9am - 11pm
Friday 9am - 11pm
Saturday 9am - 11pm
Sunday 9am - 11pm