13/07/2022
"We are not a team because we work together.We are a team because we respect,trust and care for each other".
- Vala Afshar
Good Afternoon kapwa ko SSG officers at kapwa ko Xavierians ❤️! Gusto kong umpisahan ang mensaheng ito sa mga taong marahil ay nagiisip na naka upo lang at nag popost ang inyong presidente sa kaniyang tahanan sa iba't ibang pagdiriwang sa bawat buwan at wala namang pake yan! ..Ang sagot ko diyan ay Oo?! Kasi may pandemya at Hindi?! Dahil sa kung usapang walang pake ay hindi yan totoo minsan ko na rin naisip na dapat hindi ko na lang tinanggap ang posisyong ito dahil hindi ko alam na sa pagpasok ko pala dito ay may mabigat talaga na obligasyon kahit sabihin man ninyo na ito sa ay nasa bahay lamang at marami akong oras kaya tinanggap ko ito ng madali at walang alinlangan yun ay dahil hindi ko naisip ang oras at gampanin ko bilang anak at kapatid,bagkus ay mas napangunahan pa ko ng saya at pagkasabik ng ako ay tawagan at sabihing magiging presidente ako ng isang organisasyon na lahat ng estudyante ay gusto rin mapabilang at naisip ko nung oras na yun ay masaya at maganda yun sa aking pandinig biruin niyo Presidente ng SSG sinong may ayaw diba? at tyaka magagamit ko rin yun sa akin experience ..pero huli na para sa pagsisi kaya pinili ko na lang na pagbutihan at gawin ng tama ang mga gawain ko pero aaminin ko na hindi parin naging sapat ang ginawa ko nagkulang parin ako na gawin ang dapat at unahin ang tungkulin.. pero may kasabihang "Kung Gusto may Paraan Kung Ayaw Maraming Dahilan". sinasabi ko rin yan sa sarili ko pero sig**o hindi lang talaga sapat para sakin ang ganung kasabihan dahil kahit anong pilit ko na gawin ang mas importante ay di talaga nawawala ang plot twist sa buhay..kaya pinapasalamat ko na naging madali rin ito dahil sa tulong niyo lalo na kay Ma'am Domingo Andaya ,kay ate Aguilar na magaling na vice president at magalang laging nag po at opo sa chat at sa mga gr.7,8,9 10,11 at 12 representative na masunurin at madali kausap sa mga event maraming salamat sa inyo..syempre ang mga SSG officials na kasama rin akong tinulungan marahil iniisip niyo na wala naman kayong masyadong naitulong o kaya naman ay hindi niyo nagampanan ng maayos ang inyong tungkulin pero hindi yan totoo bagkus malaki na ang naipamahagi niyong tulong sa amin sa pagsuporta at pagsunod pa lamang ng mga inatas na gawain sa inyo ay may malaki na itong tulong para sa amin lalo na sakin..sa pagdating ng pandemya ay naging malaking hamon ito para sa akin alam ko pati na rin sa inyo pero dahil naging SSG president ako kinailangan ko na gawin ng maayos ang mga gawain ko sa paaralan partikular na sa mga gawain ang modyuls dahil kung hindi para sa akin ay malaki itong kahihiyan pero kahit ano talagang pilit mo na mangayri ang isang bagay kung hindi mo ito nilagyan ng kilos at sikap wala kang maiiusad na gawain.
Noong una palang gusto ko nang magpasalamat sa isang malaking uportunidad na ibinigay sa akin na kahit di ako perpektong estudyante ako parin ang napili niyo, na kahit maraming estudyante ang nangahas at mas karapat dapat na manuno ay di parin po kayong nagdalawang isip na piliin ako at iluklok..
at humihingi po ako ng patawad sa inyo.
Una salamat dahil alam ko na hindi tayo nagkita o nagkasama pero alam ko na ang iba sa inyo ay naging tapat sa inyong tungkulin at hindi sinayang ang desisyon ng mga g**o na kayo ay kanilang piliin.
At patawad dahil hindi ako naging sobrang perpektong pinuno sa kung ano ang inaasahan niyo para sa akin..at dahil alam ko at para din sa lahat ang isang pinuno dapat ay responsable sa kanyang sarili at kanyang ginagawa pero gustong kong sabihin na nabigo ko kayo sa puntong iyun dahil kagaya ng iba hindi rin ako nakaligtas sa tukso ng teknolohiya..sa madaling salita mas nauuna ko pa ang manood ng anime kaysa gumawa ng tinakdang gawain..kaya dahil diyan humihingi ako ng tawad maging sa mga g**o na alam ko ay binigo ko at nadismaya habang binabasa ang mga ito pero naisip ko na kung hindi ko ilalahad ang totoong ako habang nasa pwesto ng SSG ay hindi ko mababago ang dapat ayusin at baguhin sa bagong yugto ng aking kabanata sa Paaralan..at maging dahilan ito upang ipaalam sa inyo na kahit ang isang presidente ng isang organisasyon sa Paaraan o kilala bilang SSG ay nagkakamali kaya kung kagaya niyo na naiisip at nakikita ang pagkakamali habang nasa panahon ng pandemya at nasa kasagsagan isang malaking papel sa inyong buhay masasabi ko lang ay Ok lang yan!hindi pa huli ang lahat sa mga bagay bagay na kailangan gawin at baguhin.Alam kong hindi madaling gawin ang pagbabago lalo na kung hindi natin talaga lubusang hawak ang ating oras dahil ito ay nahahati sa pamilya at Paaralan.Kaya nais kong sabihin sa inyo na mabisa talagang paraan at sandata ang dasal at suporta sa kapwa..
Ilan sa huling mensaheng gusto kong sabihin ay hindi ko pinagsisihan na napabilang ako dito at naging pinuno pa ng mga estudayanteng may tapat at mabuti sa tungkulin, lalo na sa masaya at puno ng pagmamahal na paaralan ng San Francisco Xavier High School.
Kaya sa mga g**o at sa lahat ng sumuporta sa amin maraming salamat sa inyo.Saludo ako sa inyong lahat sa pagmamalasakit at pagtulong po sa amin lalo na sa oras ng pangangailangan!
Hanggang dito na lamang at muli Maraming Salamat at Humihingi ako ng Patawad sa inyo..
-SSG President:Roniel M. Gulano
SSG President:Roniel M.Gulano
Vice President: Catherine P. Aguilar
Secretary:Myra Loza
P.R.O:Erich kate Joson
Gr.7 Representative :Faith Anfrielle Salac
Mary Janelle Santiago
Gr.8 Representative :Samantha Bayog
Marie Anne Borromeo
Gr.9 Representative:Kurt kyle Cali
Jessie Mae Cruz
Gr.10 Representative:Criselle Carreon
Ico Macarasig
Gr.11 Representative:Eloisa Ravino
Eunile Burgos
Gr.12 Representative:Sofia Alexis Legasto
Dianna Jane Enriquez
SSG officers of S.Y. 2021-2022 Signing off...❤️🙂
19/06/2022
04/06/2022
30/05/2022
12/05/2022
21/04/2022
16/04/2022
16/04/2022
13/04/2022
11/04/2022
11/04/2022
09/04/2022