13/09/2026
♻️🌱 : YES-O, GO NA GO NA SA PAGSASAAYOS NG MRF SEGREGATION SITE! 🌱♻️
Bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng Advocacy, nagsagawa ng pagsasaayos at paglilinis ng isang bahagi ng Materials Recovery Facility (MRF) Segregation Site ang mga opisyal ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ng Emilia Perez Ligon High School noong Setyembre 9, 2026.
Pinangunahan ang gawaing ito nina Khierby Pallones, YES-O Vice President, at Mike Charles Villamor, Grade 9 Representative, kasama ang mga boluntaryong mag-aaral na sina Renzel Santos at Justine Buan mula sa Grade 11. Sa pamamagitan ng kanilang pagtutulungan at malasakit sa kapaligiran, mas napabuti ang kaayusan ng lugar na nagsisilbing sentro ng wastong paghihiwalay at pamamahala ng basura sa paaralan.
Ang inisyatibong ito ay patunay na ang mga kabataang Emilians ay aktibong nakikibahagi sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng responsableng pamamahala ng basura. Sa bawat simpleng pagkilos tungo sa kalinisan at kaayusan, mas pinagtitibay natin ang kultura ng disiplina, malasakit, at pangangalaga sa ating kapaligiran.
🌿 Sama-sama para sa mas malinis, mas luntian, at mas responsableng paaralan!
Like.Comment.Share.
♻️🌍💚