18/09/2026
π OATH-TAKING CEREMONY AND 2ND GENERAL PTA MEETING π€β¨
Isang makabuluhan at matagumpay na pagtitipon ang isinagawa ng Pasong Bangkal Elementary School para sa Oath-Taking Ceremony and 2nd General PTA Meeting, na dinaluhan ng mga magulang, g**o, mag-aaral, stakeholders, at iba pang panauhin ng paaralan.
Pinangunahan ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng ibaβt ibang samahan sa paaralan, kabilang ang Samahan ng mga Magulang, Samahan ng mga G**o, at mga student organizations tulad ng Sports Club, School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM), School Journalism, YES-O, at SELG. π«±π»βπ«²πΌ
Binigyang-pagkilala rin ng paaralan ang mga aktibong stakeholders na patuloy na nagbibigay ng suporta at pakikiisa sa mga programa at gawain ng paaralan, kabilang ang ating Local Government Unit (LGU) at mga pribadong indibidwal. Ang kanilang malasakit at suporta ay malaking bahagi ng patuloy na pag-unlad ng ating paaralan at mga mag-aaral. β€οΈ
Sa huling bahagi ng programa, pinangunahan ng ating School Head, Ma'am Maricel M. Sosa, ang pagpupulong at pagbibigay ng orientation tungkol sa mga reporma at mahahalagang pagbabago sa sistema ng edukasyon, bilang gabay sa mga magulang at iba pang katuwang ng paaralan.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng makabuluhang pagtitipong itoβmga magulang, mag-aaral, g**o, stakeholders, at iba pang mga panauhin. Ang inyong presensya at patuloy na pakikiisa ay patunay ng matibay na ugnayan ng paaralan at ng komunidad. π±π
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa aming Panauhing Tagapagsalita, Igg. Edlin Indon, sa pagbabahagi ng isang makabuluhan at inspirasyonal na mensahe para sa mga nanumpang opisyal. Nawaβy magsilbing gabay at inspirasyon ang inyong mga salita sa kanilang pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin nang may katapatan, malasakit, at dedikasyon. πβ¨
Sama-sama, para sa mas maunlad na paaralan at mas magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral! ππ