19/09/2026
FIRST TERM GENERAL PTA ASSEMBLY | CASALAT ELEMENTARY SCHOOL ๐
Matagumpay na isinagawa ang First Term General PTA Assembly ng Casalat Elementary School noong Setyembre 18, 2026, na dinaluhan ng mga masigasig na magulang , guardians, stakeholders at mga g**o ng paaralan.
Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang usapin ukol sa School Policies, First Term Accomplishment Report, Financial Report, at Grading System. Naging mahalagang pagkakataon din ito upang mapalakas ang ugnayan at pakikipagtulungan ng paaralan at mga magulang para sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng ating mga mag-aaral.
Matapos ang General PTA Assembly, isinagawa naman ang Homeroom PTA Meeting, kung saan nagkaroon ng mas tiyak na talakayan tungkol sa bawat klase at mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Sinundan ito ng pagbibigay ng mga Report Card, bilang bahagi ng pagbabahagi ng progreso at pagganap ng mga mag-aaral sa unang termino.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga magulang sa kanilang oras, presensya, suporta, at aktibong pakikilahok. Sa patuloy na pagtutulungan ng paaralan, g**o, at mga magulang, mas napapalakas natin ang pundasyon para sa matagumpay na pagkatuto ng bawat batang Casalat.
Sama-sama para sa edukasyon. Sama-sama para sa bawat batang Casalat! ๐๐