15/08/2021
Kumusta ka VIRGILIANS! Handa ka na ba sa taong pampaaralan 2021-2022?
Bago ang nalalapit na pasukan kailangan mong magpatala upang maging opisyal kang mag-aaral ng ENGR. VIRGILIO V. DIONISO MEMORIAL HIGH. Ito ay maaari mong isagawa sa pamamagitan ng pagsasagot sa ONLINE FORM na makikita sa ibaba ang link at kung sakaling wala kang kakayahan na makapag-online maari kang magsadya sa paaralan upang kumuha ng FORM sa DROPBOX na matatagpuan sa harap ng gate ng paaralan. Basahin ang BANNER na nasa ibaba para sa tamang proseso ng pag-eenroll. Sundin ang hakbang sa pag-eenroll upang hindi magkamali.
Narito ang link ng ENROLLMENT FORM:
https://forms.gle/1SrHfwAab84BhfVk6
Ano pang hinihintay mo? Enroll na! See Less
Kumusta ka VIRGILIANS! Handa ka na ba sa taong pampaaralan 2021-2022?
Mabuhay!
✅Baitang 7, 8, 9, 10, 11, 12
✅Regular na Mag-aaral
✅Transferee
✅Balik-Aral
Bago ang nalalapit na pasukan kailangan mong magpatala upang maging opisyal kang mag-aaral ng ENGR. VIRGILIO V. DIONISO MEMORIAL HIGH mula sa Agosto 16 hanggang Setyembre 17. Alinsunod sa mga alituntunin at gabay ng DepEd, ang pagpapatala ay isasagawa sa pamamagitan ng ONLINE FORM upang maging maayos at ligtas kang makapagtala sa panahong ito ng “Public Health Emergency” dulot ng Covid-19. Makikita mo ang ENROLLMENT FORM link sa ibaba.
Sundin ang hakbang sa pagpapatala upang hindi magkamali.
1. Gamit ang iyong mobile phone o laptop na konektado sa internet pumunta sa link na ito https://forms.gle/1SrHfwAab84BhfVk6 or scan ang QR code na matatagpuan sa banner ng post na ito.
2. Punan ang online form ng tamang sagot na kinakailangan.
3. Isumite ang iyong response.
4. Makatatanggap ka ng kopya ng iyong sagot sa email na katibayan na ikaw ay naitala na.
Kung sakaling wala kang kakayahan na makapag-online maari kang magsadya sa paaralan upang kumuha ng FORM sa DROPBOX na matatagpuan sa harapan ng paaralan. Maari mo itong iuwi sa inyong tahanan upang makasasagot ng wasto at ibalik sa paaralan.Narito naman ang maaari mong gawin.
1. Kumuha ng blankong Enrollment form na makikita sa isang booth sa harap ng paaralan.
2. Punan ang form ng tamang sagot na kinakailangan.
3. Ibalik ang sinagutang enrolment form sa kaparehong booth kung saan kinuha ang form. Mag log-in sa logbook at hulog ang enrollment form sa kahon na itinalaga.
Para sa mga katanungan maaring tumawag sa numerong (044) 308-3340 o mag-email sa [email protected] maari ka ring makipag-ugnayan sa iyong gurong tagapayo noong nakaraang panuruan.
Maari ring bisitahin ang aming FB Page DepEd Tayo – Engr. Virgilio V. Dionisio Memorial High School para sa iba pang mga detalye.
Ano pang hinihintay mo? Enroll na!