24/05/2026
📣✨ BRIGADA ESKWELA 2026 ✨📣
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
📍 San Ramon Elementary School
Malugod na inaanyayahan ng Paaralang Elementarya ng San Ramon ang lahat ng mga magulang, tagapag-alaga, at mga stakeholder na makiisa at sumuporta sa ating Brigada Eskwela 2026 at Enrollment para sa School Year 2026–2027.
🧹 Brigada Eskwela
🗓️Hunyo 1–5, 2026
👷♂️ ANO ANG PWEDENG GAWIN O IBIGAY?
- Paglilinis ng paligid at silid-aralan
- Pagpipintura at pagkukumpuni ng mga pasilidad
- Pagtatanim at pagpapaganda ng kapaligiran
- Pagbibigay ng mga gamit panlinis, materyales, pagkain, o donasyon
-Reading materials na pambata (storybook, activity book, atbp.)
👥 SINO ANG PWEDENG SUMALI?
Lahat ay malugod na tinatanggap! Mga magulang, g**o, alumni, kabataan, opisyal ng barangay, mga samahan, at bawat mamamayan na nagnanais tumulong. Ang bawat ambag—maliit man o malaki—ay may malaking halaga.
Magkaisa tayo sa diwa ng Bayanihan para sa mas maayos, ligtas, malinis, at handang paaralan para sa ating mga mag-aaral.
📝 Panahon ng Enrollment
🗓️Hunyo 1–5, 2026
📌 Mga Kailangan sa Enrollment:
👶 Papasok sa Kinder: Enrollment Form, Birth Certificate
📘 Grade 1: Enrollment Form, Birth Certificate
📗 Grades 2–6: Enrollment Form, SF9 (Report Card), Birth Certificate (kung hindi pa naipapasa)
💪 Tara na at makiisa sa taunang Brigada Eskwela 2026! 🇵🇭💙❤️💛💚
Sama sama nating ipakita ang diwa ng bayanihan! BE a Volunteer 😍
👀See you B.E. Volunteers, See you Ramonians 🥰