Sarok

Sarok Official Fb Page of SNIS - Elementary (School Publication)

'May Nagpapaalam, May Dumarating: Isang Bagong Yugto ng Pamumuno'Sa bawat pagtatapos ay may panibagong simula. Habang ma...
22/07/2026

'May Nagpapaalam, May Dumarating: Isang Bagong Yugto ng Pamumuno'

Sa bawat pagtatapos ay may panibagong simula. Habang may isang pinunong nagpapaalam upang tahakin ang panibagong landas ng paglilingkod, may isa namang dumarating upang ipagpatuloy ang misyong hubugin ang kinabukasan ng ating paaralan.

Malugod naming tinatanggap si G. Orlando P. De Sierra, ang aming bagong Punong-Guro. Nawa'y maging daan ang inyong pamumuno sa mas maraming pagkakataon para sa pag-unlad, pagkakaisa, at tagumpay ng ating paaralan. Buong puso namin kayong tinatanggap bilang bagong miyembro ng aming pamilya, at inaasahan naming makasama kayo sa patuloy na pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at makabuluhang paglilingkod.

Kasabay nito, taos-puso naming ipinahahayag ang aming pinakamalalim na pasasalamat kay G. Demosthenes B. Vibandor, ang aming naging Punong-Guro na nag-iwan ng hindi matatawarang pamana ng mahusay na pamumuno. Ang inyong malasakit, karunungan, at pusong laging handang maglingkod ay nagsilbing liwanag at inspirasyon sa bawat g**o, mag-aaral, at kawani ng paaralan. Ang mga aral at halimbawang inyong iniwan ay mananatiling bahagi ng aming pagkatao at magsisilbing gabay sa mga susunod na hakbang ng aming komunidad.

Sa paglipas ng isang yugto at pagsisimula ng panibago, dala namin ang pasasalamat sa nakaraan at pag-asa para sa hinaharap.

Maraming salamat, G. Demosthenes B. Vibandor, sa inyong tapat at makabuluhang pamumuno.

Maligayang pagdating, G. Orlando P. De Sierra! Nawa'y maging mabunga at makabuluhan ang ating sama-samang paglalakbay tungo sa higit pang tagumpay.

"May nagpapaalam man, may dumarating ding handang magpatuloy. Nagbabago ang pinuno, ngunit nananatili ang iisang layunin—ang paglilingkod, pagkakaisa, at paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat mag-aaral."

25/06/2026
Sama-sama nang nagkakaisa para sa Brigada Eskwela!
05/06/2026

Sama-sama nang nagkakaisa para sa Brigada Eskwela!

BRIGADA ESKWELA: Bayanihan sa Paaralan

Ang Brigada Eskwela ay taunang gawain sa ating paaralan, ang Sto. Niño Integrated School. Ito ay ginaganap tuwing bago mag simula ang pasukan. Ngayong taon, gaganapin ito mula June 2 hanggang June 5,2026, kasabay na rin ito ng enrollment mula Kindergarten hanggang Ikalabing Isang Baitang. Ito ay may temang "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman."

Ang layunin ng brigada eskwela ay ihanda ang paaralan para sa darating na pasukan. Sa loob ng limang araw magtutulungan ang mga g**o, magulang at mga mag aaral upang linisin at pinturahan ang ating buong paaralan.

Kaya't inaanyayahan ang lahat na sumali. Halina't magtutulungan tayo na lalo pang pagandahin ang minamahal nating paaralan ang Sto. Niño Integrated School. Dahil kapag may bayanihan, lumalakas ang ating samahan at nagiging matatag ang ating paaralan para sa kinabukasan ng bawa't mag aaral.

Ano pang hinihintay nyo,halika na sa Brigada Eskuwela?

✍️:Janine Relos
🖼️:Sir Jenny Balares

Congratulations to the newly promoted teachers of Sto. Niño Integrated School under the Expanded Career Progression (ECP...
11/05/2026

Congratulations to the newly promoted teachers of Sto. Niño Integrated School under the Expanded Career Progression (ECP)!

Your dedication, perseverance, and unwavering commitment to excellence in education have truly paid off. This achievement is a reflection of your passion for teaching and your continued service to learners and the school community.

May this new milestone inspire you to continue growing, leading, and making a meaningful difference in the lives of your students. Here’s to greater opportunities, stronger impact, and even more success ahead in your teaching journey!

Padayon, teachers!

Your SNIS Family is so proud of you!

STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOLMoving Up and Graduation Ceremonies 2026SNIS FAMILY 🩷
14/04/2026

STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOL
Moving Up and Graduation Ceremonies 2026

SNIS FAMILY 🩷

STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOLMoving Up and Graduation Ceremonies 2026THE GRADUATES (6-Diamond)Adviser: Francia Bernadette ...
14/04/2026

STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOL
Moving Up and Graduation Ceremonies 2026

THE GRADUATES (6-Diamond)
Adviser:
Francia Bernadette Tolentino Delvo - Cabal

STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOLMoving Up and Graduation Ceremonies 2026THE GRADUATES (6-Onyx)Adviser: Kenneth Cabal Guarnes
14/04/2026

STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOL
Moving Up and Graduation Ceremonies 2026

THE GRADUATES (6-Onyx)
Adviser: Kenneth Cabal Guarnes

STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOLMoving Up and Graduation Ceremonies 2026THE COMPLETERSAdviser: Carmela B. Azuela - Correa
14/04/2026

STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOL
Moving Up and Graduation Ceremonies 2026

THE COMPLETERS
Adviser: Carmela B. Azuela - Correa

STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOLMoving Up and Graduation Ceremonies 2026Part 3 - Paggawad ng Sertipiko at mga Parangal
14/04/2026

STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOL
Moving Up and Graduation Ceremonies 2026

Part 3 - Paggawad ng Sertipiko at mga Parangal

Address

Sto. Niño
Bula
4430

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sarok posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category