01/08/2026
𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝗻𝗮! 🇵🇭📚
Ngayong buwan, muli nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika bilang pagpupugay sa ating pambansang wika at sa mayamang pamana ng mga katutubong wika sa Pilipinas.
Ang tema ngayong taon ay:
🧠 “𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗔𝗜: 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝘀𝗶𝗸 𝗮𝘁 𝗧𝘂𝗹𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗬𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻.”
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, ipinapaalala sa atin ng temang ito na ang Artificial Intelligence (AI) ay maaaring maging katuwang sa pananaliksik at pagkatuto. Gayunman, nananatiling mahalaga ang wastong paggamit ng Wikang Filipino bilang tulay sa mas malalim na pag-unawa, pangangalaga ng ating kultura, at pagpapalawak ng kaalaman.
Alamin din kung bakit Agosto ang opisyal na buwan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating wika—hindi lamang ngayong Agosto, kundi sa bawat araw ng taon.
Lagi’t lagi para sa 𝗪𝗜𝗞𝗔. 🤝
Lagi’t lagi para sa 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔. 🇵🇭
🇵🇭
🤖📚
💙💛
✨
🇵🇭