09/05/2026
Happy Mother’s Day po dear Mommies, Lolas, and Titas ng ZAB Learning Hub! 🌸💖
Today, we celebrate all of you na walang sawang nagmamahal, nag-aalaga, at nagsasakripisyo para sa ating mga bata. Ang inyong patience, understanding, at unconditional love ay tunay na blessing hindi lang sa inyong pamilya kundi pati sa buong ZAB community.
Salamat po sa bawat paghatid, pag-aantay, pag-intindi, at walang sawang suporta sa journey ng ating mga bata. Hindi man po madali ang bawat araw, patuloy ninyong pinapakita ang lakas at pagmamahal ng isang ina, lola, at tita na handang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng mga bata. 💕🥰
Dalangin po namin na patuloy kayong bigyan ni Lord ng good health, mahabang buhay, wisdom, peace of mind, at mas matatag na puso at pananampalataya. Nawa po ay punuin Niya kayo ng lakas sa mga panahong napapagod kayo, comfort sa mga oras na mabigat ang pakiramdam, at joy sa bawat progress at tagumpay ng ating mga anak.🙏🙏🙏
May God continue to bless your homes with love, unity, provision, and happiness. Lagi po sana ninyong maramdaman na appreciated, valued, at mahal kayo hindi lamang ng inyong pamilya kundi pati ng buong ZAB Learning Hub family. 🌷✨
Happy Mother’s Day po! Enjoy your special day because all of you deserve to be celebrated today and every day. 💐❤️❤️❤️