24/08/2026
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, nakikiisa ang Igsoro Integrated School sa pagtataguyod ng ating wika, kultura, at pagkakakilanlang Pilipino.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinasabuhay natin ang pagmamahal sa sariling atin sa pamamagitan ng pagsusuot ng kasuotang Filipino, lalo na tuwing flag-raising ceremony, at higit sa lahat, sa makabuluhang pag-integrate ng mga gawaing pangwika at pangkultura sa mga aralin at classroom activities.
Sa ganitong paraan, ang Buwan ng Wika ay hindi lamang isang selebrasyon, kundi bahagi ng ating pagtuturo, pagkatuto, at pagpapahalaga sa pagka-Filipino.