Binunga Elementary School

Binunga Elementary School Official page of Binunga Elementary School (Yook, Buenavista).

01/10/2025
✨ Happy Teachers’ Day! ✨Today, we honor the dedication, passion, and hard work of our beloved teachers who continue to i...
01/10/2025

✨ Happy Teachers’ Day! ✨
Today, we honor the dedication, passion, and hard work of our beloved teachers who continue to inspire and guide our learners toward a brighter future. Thank you for being the heart of education! ❤️📚

🎉PAANYAYA PARA SA LAHAT NG MAGULANG, KAAGAPAY, AT KA-BAYANI SA EDUKASYON!🏫BINUNGA ELEMENTARY SCHOOL🗓Brigada Eskwela 2025...
07/06/2025

🎉PAANYAYA PARA SA LAHAT NG MAGULANG, KAAGAPAY, AT KA-BAYANI SA EDUKASYON!
🏫BINUNGA ELEMENTARY SCHOOL
🗓Brigada Eskwela 2025 at Maagang Pagpapalista ng mga Mag-aaral

📢TARA NA’T MAG-BAYANIHAN!
Ang Binunga Elementary School ay buong pusong inaanyayahan ang bawat isa — magulang, g**o, mag-aaral, alumni, at katuwang sa komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2025 na gaganapin mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 13, 2025.

✨️Tema:
“SAMA-SAMA PARA SA BAYANG BUMABASA!”

Sa loob ng isang linggo, magsasama-sama tayo para linisin, ayusin, at pagandahin ang ating paaralan upang ito'y maging ligtas at kaaya-ayang tahanan ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.

🛠️ Mga Gawaing Sama-samang Gagawin:
✅ Paglilinis ng silid-aralan at paligid
✅ Pagsasaayos ng mga sirang upuan at kagamitan
✅ Pagpinta ng mga silid, ibang pasilidad at plant box
✅ Pagsasaayos ng mga visual aids at learning materials
✅ At iba pa

🤝 Ang bawat kamay ay mahalaga. Ang bawat tulong ay may saysay.

📝 MAAGANG PAGPAPALISTA NG MGA MAG-AARAL
Kasabay ng Brigada Eskwela ay ang Enrollment para sa mga batang papasok sa Kindergarten, Grade 1 hanggang Grade 6, at pati na rin sa mga transferees para sa taong panuruan 2025–2026.

👨‍👩‍👧 Inaanyayahan ang lahat ng magulang na i-enroll ang kanilang anak sa tamang oras upang matiyak ang maayos na pagpasok at serbisyo.

🥇 TULOY ANG EDUKASYON, TULOY ANG PAG-ASA!

Ang ating tagumpay bilang isang paaralan ay tagumpay ng buong komunidad. Kaya’t sama-sama nating buuin ang ligtas, makulay, at inspiradong pagbabalik-eskwela ng ating mga kabataan.

☎️ Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
🏢Office of the School Head – G. Oscar V. Manalo
💻FB Page: Binunga Elementary School (Official Page)

📚BINUNGA ELEMENTARY SCHOOL — KABALIKAT SA EDUKASYON, KAAGAPAY SA TAGUMPAY!

2024 School-Based Learning Action Cell( SLAC) and In-service Training (INSET)November 25-29.
29/11/2024

2024 School-Based Learning Action Cell( SLAC) and In-service Training (INSET)
November 25-29.

Happy Birthday Sir Oscar Manalo!🎉🎂🥳
23/11/2024

Happy Birthday Sir Oscar Manalo!🎉🎂🥳

Congratulations Binunga ES  3RD PLACE in Science and Technology Fair 2024 - STEMtokperiment ContestTitle: "SIMULATING A ...
05/11/2024

Congratulations Binunga ES 3RD PLACE in Science and Technology Fair 2024 - STEMtokperiment Contest

Title: "SIMULATING A VOLCANIC ERUPTION: A LAVA FLOW EXPERIMENT

Young Scientist: NARJILLE C. RECAÑA
Coach: Mrs. Glaiza Marie S. Villavicencio
School Head: Mr. Oscar V. Manalo

"Together with the community, we celebrate Children's Month by championing the rights, welfare, and future of every chil...
21/10/2024

"Together with the community, we celebrate Children's Month by championing the rights, welfare, and future of every child. Let’s continue building a safe, nurturing, and empowering environment for the next generation!"

Thank you, LGU Yook, for the gifts given to our Kindergarten learners.

"Congratulations to all the Binunga ES winners and participants of the Inter-school Sports Fest held on October 11-12, 2...
14/10/2024

"Congratulations to all the Binunga ES winners and participants of the Inter-school Sports Fest held on October 11-12, 2024. Your hard work, dedication, and team spirit have truly paid off. May your victories inspire others to reach for their own goals."

SEPAK TAKRAW - 2nd runner up
Coach : MR. BRYAN JAY R. RAMOS
Asst.Coach : CEDRICK M. TEMON

Players:
Lebert Labosta
Aldred Labosta
Deniel Sigue
Sigfried Famadico
Joel Delos Santos
Mjay Cha

TABLE TENNIS
Coach - MRS. GLAIZA MARIE S. VILLAVICENCIO

Boys - Singles
Set A
Jelo Reanzares - 2nd runner up

Set B
Aljon Moral - 3rd runner up

Girls - Singles
Set A
Althea Villavicencio - Champion

Set B
Princess Grace Sales - Champion

ATHLETICS
Coach - MS. MEDEZA MAE D. MASCARIÑAS
Asst.Coach - MRS. MARYROSE S. LAYAS

Jillian Recaña
Steven Jake Cha
Steven Pilar
Zanjie Capito
Syrus Pilar
Princess Ashley Villavicencio

VOLLEYBALL
Coach: MRS. ANALYN D. MARQUEZ

Chairen Delos Santos
Samantha Pearl Ola
Althea Manic
Khane Jane Ferrer
Shaniya Ramos
Mary May Ominga
Jane Erica Castillo
Anielka Mae Delos Santos
Angeline Espiritu

CHESS
Coach: MS. MICAH LEA S. DECANO

Marjorie Palma
Jojie Jr. Ramiro
Narjille Recaña

BADMINTON
Coach: MS. CLARISSE JOY PELOBELLO
Asst. Coach: MS. JENNY ROSE J. OLAVIDEZ

Timothy Arch Dimayuga
Zander Benz Larga
Crisca May Layas
Yhanzae Xyrell Prieto

Si Glaiza Marie R. Sosa-Villavicencio ay kasalukuyang g**ong tagapayo sa ika-anim na baitang sa Binunga Elementary Schoo...
27/09/2024

Si Glaiza Marie R. Sosa-Villavicencio ay kasalukuyang g**ong tagapayo sa ika-anim na baitang sa Binunga Elementary School. Nagtapos siya ng kursong Edukasyon sa St. Mary’s College of Marinduque noong 2010. Bagama’t hindi ang pagiging g**o ang kaniyang orihinal na pangarap, dinala siya ng pagkakataon at ng Panginoon sa landas na ito. Pagkatapos magtapos noong Marso 2010, kumuha agad siya ng Licensure Examination for Teachers at nakapasa noong Setyembre ng kaparehong taon.

Noong Enero 2011, nag-apply siya sa Division ng Marinduque at, bagama’t nasa huling ranggo, nagkaroon siya ng pagkakataong maglingkod bilang substitute teacher sa iba't ibang paaralan sa Distrito ng Buenavista. Nagsimula siya sa Lipata Elementary School noong Hunyo 2011, sinundan ito ng Bagtingon Elementary School noong Agosto hanggang Setyembre 2011, at sa Buenavista Central School mula Nobyembre 2011 hanggang Pebrero 2012. Noong Marso 5, 2012, natanggap niya ang kanyang permanenteng posisyon sa Bagacay Elementary School at kalaunan ay nailipat sa Bicas-Bicas Elementary School. Noong Nobyembre 2012, nalipat siya sa Yook Elementary School sa sarili niyang barangay.

Aktibo siya sa mga gawain sa loob at labas ng paaralan, na naging daan upang lalo pa niyang mapaunlad ang kanyang mga kasanayan sa pagtuturo. Noong 2015, nag-enroll siya sa Marinduque State College Graduate School at ipinagpatuloy ang Master of Arts in Education Major in Educational Management sa Philippine College of Health Sciences, Inc., at nagtapos noong 2018.

Bukod sa pagiging g**o, siya rin ay may adbokasiya sa mga kabataan. Siya ang proponent ng "The I Matter Project," isang pribadong samahang tumutulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong, partikular sa mga nangangailangan. Naniniwala si Glaiza na ang edukasyon ay mahalaga para sa mga bata at isang biyaya na magawa niyang makatulong.

Dahil sa kahalagahan ng mental health, pinursigi rin niya ang kanyang pangarap na makapag-aral ng Psychology, na lubos na nakatulong sa kanyang kakayahan sa pag-unawa sa kanyang mga mag-aaral at mga tao sa paligid.

Noong Pebrero 2023, siya ay nailipat sa Binunga Elementary School bilang bahagi ng kanyang bagong tungkulin.

"Sa aking kabataan, masasabi kong mapalad ako, dahil hindi man ako ang pinakamatalino sa klase, taos-pusong pasasalamat sa mga taong naniwala sa aking kakayahan. Sila ang dahilan kung nasaan ako ngayon, at sa kanila ko natutunang ibahagi ang tiwala at suporta sa aking mga mag-aaral.

Gaya ng lagi kong sambit, magpasalamat sa mga taong naniniwala at sumusuporta sa inyo. Gumawa ng mabuti sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit, sapagkat hindi lang talino ang susi sa tagumpay sa buhay, kundi pati ang mabuting puso at ang pagnanais na tumulong sa nangangailangan. At huwag kalimutang magpasalamat sa Panginoon, na siyang nagbibigay ng lahat ng biyaya.’’

“If you look behind every exceptional person, there is an exceptional teacher.” - Stephen Hawking Si G. Cedrick M. Temon...
25/09/2024

“If you look behind every exceptional person, there is an exceptional teacher.” - Stephen Hawking

Si G. Cedrick M. Temon ay kasalukuyang naglilingkod bilang G**o III sa Paaralang Elementarya ng Binunga. Siya ay mula sa Barangay Matandang Gasan, Gasan, Marinduque. Siya ay nagtapos ng Elementarya sa Paaralang Elementarya ng Matandang Gasan taong 2009 at Sekondarya sa Bognuyan National High School taong 2013. Nagtapos naman siya ng kolehiyo sa Marinduque Midwest College sa kursong Bachelor of Elementary Education Major in General Education taong 2017 at naging lisensyadong g**o nang parehong taon.

Nag-apply siya noong taong 2018 at habang hinihintay niya ang inaasam na pangarap na maging isang permanenteng g**o, nagpasya siyang magturo sa TESDA sa ilalim ng Rubiks Manpower Training Center sa parehong taon. Sa taon ding ito, nabiyayaan siyang maging Grade 6 Substitute Teacher sa Paaralang Elementarya ng Antipolo at sa sumunod na taon naman ay Grade 5 Substitute Teacher sa Paaralang Elementarya ng Masiga. Buwan ng Marso taong 2019, ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang kanyang pinapangarap na maging isang permanenteng g**o. Naging G**ong Tagapayo siya ng Grade 3 sa Paaralang Elementarya ng Cabugao. Buwan ng Agosto ng parehong taon, inilipat siya sa Paaralang Elementarya ng Binunga sa Barangay Yook, Buenavista, Marinduque. Sa paaralang ito siya ay naatasang maging G**ong Tagapayo ng Grade 5 taong 2019, G**ong Tagapayo ng Grade 4 taong 2020, G**ong Tagapayo ng Grade 6 taong 2021 hanggang 2022, at G**ong Tagapayo ng Grade 5 taong 2023. Sa kasalukuyan siya ay isang Subject Teacher sa ika-apat na baitang hanggang ika-anim na baitang. Nagtuturo siya ng mga asignaturang Araling Panlipunan, MAPEH, at EPP.

“Bilang isang g**o, ang tagumpay ng aking mga mag-aaral ay akin ring tagumpay at ang kanilang pagkabigo ay akin ring kabiguan. Kaya pinagsisikapan kong matuto sila sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo. Mga pamamaraan sa pagtuturo na hindi lamang sa pang akademikong larangan ang matutunan kundi ang disiplinang dapat nilang dala-dala hanggang sa kanilang pagtanda. Sa tulong ng kanilang mga magulang, ang disiplinang kanilang ipinapakita sa loob ng paaralan na nagmula sa kanilang tahanan ay higit pa naming pinagsusumikapang paunlarin upang sila ay maging responsable at produktibong mamamayan. Para sa akin, ang DISIPLINA sa sarili ang susi sa lahat ng pagkatuto. Nakakataba ng puso na darating sa paaralan ang mga batang mag-aaral na makikitaan na ng disiplinang nanggaling sa kanilang tahanan. Nakakataba ng puso na lilisan sa aming paaralan ang mga batang nagpakita ng disiplinang mas lalo pa naming hinubog na kanilang baon sa susunod na pahina ng kanilang buhay. Nakakataba ng puso na babalik sa aming paaralan ang mga batang ito na TAGUMPAY sa kanilang buhay sa pamamagitan ng kanilang baon at dala-dala, ang DISIPLINA na nagmula sa kanilang tahanan na hinasa ng paaralan.”

The results of your life will be based on the decisions you make, the habits you stake, and the habits you break. - Anon...
23/09/2024

The results of your life will be based on the decisions you make, the habits you stake, and the habits you break. - Anonymous

Si Bb. Micah Lea S. Decano ay kasalukuyang naglilingkod bilang G**ong Tagapayo ng Ika-limang baitang- Santan sa Binunga Elementary School. Siya ay mula sa Barangay Dos, Gasan, Marinduque.
Kumuha ng kursong Bachelor of Elementary Education sa Marinduque Midwest College taong 2018. At sa parehong taon naisipan niyang kumuha ng Board Exam. Hindi man naging madali sa kanya na tanggapin ang resulta ng unang board exam, hindi ito naging hadlang upang putulin at tapusin ang kanyang pangarap. Dahil sa kanyang pagpupursigi na makamit ito, siya ay naging lisensyadong g**o taong 2019.

Taong 2019, siya ay nag- apply upang maging permanenteng g**o. Ngunit hindi siya pinalad sa pagkakataong ito. Kung kaya’t naisipan niyang maging boluntaryong g**o sa Maestrong Benito Selva Learning Center, Inc taong 2019-2021. Upang kahit papaano ay makatulong sa kanyang pamilya at gayundin ang makaipon ng puntos para sa teaching experience sa pag-apply niya sa Department of Education, siya ay naghanap ng trabaho. Tuwing Sabado at Linggo, siya ay nagtatrabaho sa isang pribadong klinika sa Gasan at t’wing pagtapos ng klase siya naman ay nagtu- tutor. Talaga namang wala siyang pinalampas na oras at panahon upang maabot ang pangarap gayundin ang kumita.

Taong 2021, siya ay naging substitute teacher sa Kindergarten sa Gasan Central School. Malaking tulong ang kanyang pinakitang dedikasyon at pagpupursigi kung kaya’t muli siyang naging substitute teacher sa SPED class sa parehong taon at paaralan.
Sa awa at kaloob ng Diyos, Enero 4, 2022 ng siya ay naging permanenteng g**o sa Binunga Elementary School hanggang sa kasalukuyan.

“Masasabi kong marami mang hirap na pinagdaanan bago makamit ang inaasam-asam, hindi ito dahilan upang sumuko. Bagkus ito ay isang hamon lamang upang mas maging matatag tayo para sa kinabukasan. At sa panahon ngayon, patatagan ang labanan. Huwag sumuko at patuloy ka lang sa agos ng buhay. Kung sa unang subok ikaw ay nadapa, matuto kang tumayo at muling lumaban. Lahat ng iyan ay ating malalampasan. Palaging magsikap, nakikita ng Diyos ang ating pagpupursigi at paghihirap. Ano pa at darating din ang panahon na lahat ng ating ginawa at pinaghirapan ay magbubunga”.

Address

Sitio Binunga, Yook
Buenavista

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+639772775494

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Binunga Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share