16/01/2025
MAKAPAG-ARAL AY KARAPATAN MO, MAGPALISTA NA!
EARLY REGISTRATION FOR SCHOOL YEAR 2025-2026
January 25 - February 15, 2025
Ang PAARALANG ELEMENTARYA NG DAYKITIN ay magsasagawa ng Early Registration para sa Kindergarten, Grade 1 at Balik-Aral/Transferee na mag-aaral mula ika- 25 ng Enero hanggang ika- 15 ng Pebrero 2025. Inaanyayahan ang mga magulang o guardian na bumisita sa paaralan upang magpalista at sagutan ang enrollment form.
β
KINDERGARTEN
Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag Agosto 31, 2025 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)
β
GRADE 1
Mga mag-aaral na magtatapos ng Kindergarten sa S.Y. 2024-2025
β
TRANSFEREE
Mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 na nagnanais lumipat sa ating paaralan
β
BALIK-ARAL
Mga mag-aaral na tumigil o huminto sa pag-aaral at nagnanais bumalik sa paaralan
Narito ang mga dokumento na kailangang dalhin at ibigay para sa early registration:
π KINDERGARTEN
βͺοΈ Photocopy ng PSA Birth Certificate
βͺοΈ Kung walang PSA Birth Certificate, maaaring magbigay ng photocopy ng alinman sa sumusunod:
*NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
π GRADE 1
βͺοΈ Photocopy ng PSA Birth Certificate
βͺοΈ Kung walang PSA Birth Certificate, maaaring magbigay ng photocopy ng alinman sa sumusunod:
*NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
βͺοΈ Kopya Ng ECCD Report Card mula sa Kinder
π TRANSFEREE AT BALIK-ARAL (Grade 1 to Grade 6)
βͺοΈ Original Report Card (SF9) na may pirma ng Adviser at Principal
βͺοΈ Photocopy ng PSA Birth Certificate
βͺοΈ Ang mga walang PSA/NSO Birth Certificate ay maaaring magbigay ng photocopy ng alinman sa sumusunod:
*NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
Ang paparating naman na mga mag-aaral mula Baitang 2 hanggang 6 ay kinokonsidera na pre-registered at hindi na kinakailangang sumali sa early registration.
Maraming Salamat po!