DepEd Tayo Villa Aurora ES 108553 Quezon Province

DepEd Tayo Villa Aurora ES 108553 Quezon Province Villa Aurora ES is a complete elementary school from KG-G6. It is about 12 km. from the town proper

Happy Birthday, Ma’am Claire! 🎉Thank you for your dedication and inspiration. Wishing you good health, happiness, and mo...
03/05/2026

Happy Birthday, Ma’am Claire! 🎉

Thank you for your dedication and inspiration. Wishing you good health, happiness, and more blessings. Enjoy your special day! 💖

Happy Birthday Ma'am Maria Fe ! 🎉On behalf of your Villa Aurora ES family, we extend our warmest greetings. We wish you ...
04/04/2026

Happy Birthday Ma'am Maria Fe ! 🎉

On behalf of your Villa Aurora ES family, we extend our warmest greetings. We wish you good health, happiness, and continued success.

Have a wonderful celebration! 🎂🎈

Isang taos-pusong pagbati sa mga nagsipagtapos ng Batch 2026! 🎓Sa ngalan ng Villa Aurora ES ,lubos naming ikinararangal ...
31/03/2026

Isang taos-pusong pagbati sa mga nagsipagtapos ng Batch 2026! 🎓

Sa ngalan ng Villa Aurora ES ,lubos naming ikinararangal at ipinag papasalamat ang presensya ng ating panauhing tagapagsalita, na si Ma’am Rachelle Lacdao , sa pagbibigay ng panahon at inspirasyon sa ating mga mag-aaral sa kanilang panibagong yugto ng buhay. Gayundin sa ating Municipal Administrator na si Ma’am Jaica Ricamora bilang kinatawan ng ating Punong Bayan upang makasama sa mahalagang okasyong ito.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating mga butihing School Heads, sina Ma’am Amie T. Olea at Ma’am Laarni Belleza, sa kanilang walang sawang paggabay at suporta sa ating mga mag-aaral.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang patuloy na magsikap, mangarap, at magtagumpay sa hinaharap. Muli, pagbati sa inyong lahat, Batch 2026! 🎉

'26

Isang makulay at masayang pagbati sa ating mga Kindergarten learners sa kanilang Moving Up Ceremony! 🎓✨Sa murang edad, i...
27/03/2026

Isang makulay at masayang pagbati sa ating mga Kindergarten learners sa kanilang Moving Up Ceremony! 🎓✨
Sa murang edad, ipinakita ninyo ang sipag, tiyaga, at galing. Hindi naging madali ang inyong unang hakbang sa pag-aaral, ngunit nalampasan ninyo ito nang may ngiti at tapang.
Salamat sa mga magulang at g**o na patuloy na gumabay at sumuporta.
Sa inyong susunod na yugto, dalhin ninyo ang mga aral at alaala na inyong natutunan.

Pasasalamat din sa aming panauhing tagapagsalita Ma'am KIMBERLY FRANCISCO na nagbigay ng makabuluhan at inspiradong mensahe sa ginanap na Moving up ceremony ng Kindergarten. Ang inyong mga salita ay nagsilbing gabay at motibasyon sa aming mga mag-aaral upang lalo pang magsikap at mangarap para sa kanilang kinabukasan.

Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong kaalaman, karanasan, at oras. Tunay na naging bahagi kayo ng tagumpay ng aming gawain. Nawa’y patuloy pa kayong maging inspirasyon sa marami. 💖


Aurora ES

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mag-aaral ng Villa Aurora Elementary School na nagsumikap at nagpakitang gilas sa ...
27/03/2026

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mag-aaral ng Villa Aurora Elementary School na nagsumikap at nagpakitang gilas sa buong taon! 🥳✨

Ang araw na ito ay hindi lamang pagdiriwang ng inyong mga natamong parangal, kundi pagkilala rin sa inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral. Kayo ang patunay na ang pagsisikap ay laging may magandang bunga. 📚

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga magulang, g**o, at sa buong komunidad na patuloy na sumusuporta at gumagabay sa ating mga kabataan. 💙

Patuloy kayong mangarap at magsikap, dahil kayo ang pag-asa ng bayan! 🇵🇭

🎉 Mabuhay ang mga batang Villa Aurora! 🎉



Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, ang Villa Aurora Elementary School ay buong pusong nagbibigay-pu...
26/03/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, ang Villa Aurora Elementary School ay buong pusong nagbibigay-pugay sa lakas, talino, at kabayanihan ng bawat babae sa ating komunidad. 💜

Ito ang buwan para sa pagkilala at pasasalamat sa mahalagang papel ng kababaihan bilang ilaw ng tahanan, haligi ng lipunan, at inspirasyon sa bawat henerasyon. Nawa’y patuloy nating isulong ang pagkakapantay-pantay, respeto, at pagmamahal sa isa’t isa.

Mabuhay ang kababaihan! 💪✨



Happy Birthday, Ma’am Aisa! 🎉🎂Your energy, positivity, and cheerful spirit make a classroom brighter every day.  May you...
15/03/2026

Happy Birthday, Ma’am Aisa! 🎉🎂
Your energy, positivity, and cheerful spirit make a classroom brighter every day. May your birthday be filled with laughter, joy, and lots of sweet surprises. Enjoy your special day! 🥳✨

May your special day be filled with joy and may the year ahead bring you more success and wonderful opportunities🥳
08/03/2026

May your special day be filled with joy and may the year ahead bring you more success and wonderful opportunities🥳

Bilang pakikibahagi ng Villa Aurora ES sa pagdiriwang ng Women’s Month, kami ay nagbibigay-pugay sa lahat ng kababaihan—...
04/03/2026

Bilang pakikibahagi ng Villa Aurora ES sa pagdiriwang ng Women’s Month, kami ay nagbibigay-pugay sa lahat ng kababaihan—lalo na sa aming mga masisipag at dedikadong g**o, kawani, ina, at mga batang mag-aaral na patuloy na nagpapakita ng lakas, talino, at malasakit sa araw-araw.

Kayo ang tunay na inspirasyon ng aming paaralan. Sa inyong sipag at pagmamahal sa edukasyon, patuloy ninyong hinuhubog ang kinabukasan ng ating komunidad.

Nawa’y magsilbi ang buwang ito bilang paalala na ang bawat babae ay may mahalagang papel sa pagbuo ng mas makatarungan at mas maunlad na lipunan. Sama-sama nating isulong ang pagkakapantay-pantay, respeto, at pagbibigay-halaga sa kakayahan ng kababaihan.

💜 Happy Women’s Month!




Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong        🧡Serbisyong Tunay at Natural 🧡sa pagbibigay ng mga bangko at mesa para s...
03/03/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong 🧡Serbisyong Tunay at Natural 🧡sa pagbibigay ng mga bangko at mesa para sa aming mga mag-aaral ng Villa Aurora Elementary School. Malaking tulong po ito upang mas maging maayos, komportable, at ligtas ang kanilang pag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Ang inyong kabutihang-loob ay hindi lamang simpleng donasyon, kundi isang patunay ng malasakit at pakikiisa sa adhikain ng paaralan na makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon para sa bawat bata. Sa pamamagitan ng inyong suporta, mas napapalakas ang aming paniniwala na kapag ang komunidad ay nagkakaisa, mas maraming pangarap ang nabibigyang katuparan.

Maraming salamat po sa inyong pagtulong at pagsuporta sa Villa Aurora ES. Nawa’y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal at patuloy pang maging instrumento ng kabutihan para sa ating mga kabataan. 🧡📚✨

Address

Brgy. Villa Aurora
Buenavista
4320

Telephone

+639684944842

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Villa Aurora ES 108553 Quezon Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo Villa Aurora ES 108553 Quezon Province:

Shortcuts

Share

Category