24/01/2026
💙 Maraming Salamat Po! 💙
Lubos po kaming nagpapasalamat kina SB Watwat at sa Abbys—Abbylenne, Abbyjeane, at Abbygail kasama ang kanilang mga magulang sa kanilang walang sawang suporta at bukas-palad na tulong para sa Outreach Program sa Mangkongon Elementary School.
Dahil sa inyong malasakit at kabutihang-loob, mas napasaya natin ang aming mga mag-aaral at mas naging makabuluhan ang araw na ito para sa buong school community. Hindi lang po ito tulong—ito ay inspirasyon at pag-asa na hatid ninyo sa aming mga bata.
Maraming salamat po sa pakikiisa at sa patuloy na pagmamahal ninyo sa edukasyon at sa aming paaralan. 💕
Nawa’y pagpalain pa po kayo at ang inyong pamilya.