12/06/2026
"Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan." - Dr. Jose Rizal ✍️
Ayon sa kasabihang ito ng ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal, dapat ay marunong tayong magbigay ng halaga sa ating mga nakaraan. Hindi lang na makatutulong ito sa pagpapanatili ng ating kultura, kundi ay dahil ito ang magsisilbing inspirasyon ✨natin sa ating pang-araw-araw na mga mga pagsubok na kahaharapin.
Ngayong araw na ito, Hunyo 12, 2026, ⛅️ ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan sa ating bansa. Pinagbibigyang halaga ang lahat ng mga sakripisyo ng ating mga ninuno at bayani na nagdulot ng ating kalayaan. Mula sa pakikipaglaban ni Lapu-Lapu noong 1521, hanggang sa pagsusulat ng Noli me Tangere at El Filibustirismo ni Dr. Jose Rizal, 📚dapat nating pagpuriin ang lahat ng mga naiambag nila, sapagkat wala tayo ngayon sa ating kinalalagyan kung hindi dahil sa kanilang mga pagsasakripisyo.
Kaya, mga kapwa ko Pilipino, mahalaga na bigyan natin ng halaga ang araw na ito, at ipagmalaki natin ang ating pagiging Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭
Maligayang Araw ng Kalayaan!
Words by: Mackenzie Gajol
Layout by: Megan Joelle Nonan