31/03/2026
Sa pagtatapos ng School Year 2025–2026, buong puso naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging katuwang ng San Gabriel Elementary School.
- Sa SGES Faculty and Staff, salamat sa inyong walang sawang dedikasyon at malasakit na siyang haligi ng ating paaralan.
- Sa mga Magulang at SPTA Officers, lubos ang aming pagpapahalaga sa inyong suporta at aktibong pakikilahok sa mga programa ng paaralan.
Sa School Utility Personnel – maraming salamat sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng paaralan
- Sa ating Barangay Officials, salamat sa pagbibigay ng tulong at proteksiyon upang maging ligtas at maayos ang kapaligiran ng ating mga mag-aaral.
- Kay Mr. Garry Ganaba, isang malaking pasasalamat sa pagbibigay ng school supplies na naging gabay at tulong sa pag-aaral ng ating mga mag-aaral.
- Kay Ms. Jovelyn Arre, maraming salamat sa financial support para sa mga kalahok sa Regional Press Conference sa Southern Leyte.
- Sa St. Michael People's Organization, salamat sa pagbibigay ng cash awards na nagbigay inspirasyon at pagkilala sa mga natatanging mag-aaral.
- Sa mga Magulang ng 4Ps recipients, salamat sa inyong pakikipagtulungan sa pagpapaunlad ng school garden.
- Sa Sangguniang Kabataan (SK), lubos ang aming pasasalamat sa pagbibigay ng sports equipment na nagpatibay sa kalusugan, disiplina, at pagkakaisa ng ating mga mag-aaral.
- Kay Hon. Dr. Katrina Sadac, salamat sa inyong malasakit at serbisyong pangkalusugan na nagbigay katiyakan sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral.
- Kay Gov. RV Evardone, Hon. Dr. Katrina Sadac, Hon. Zen Daza, Hon. Lyra Limbawam, Hon. Sergio Gilbert C. Escoto, Hon. Ian Casillano Galo, Hon. Glaiza Tui, at Hon. Frich Uy, isang taos-pusong pasasalamat sa inyong pagbibigay ng medals na nagsilbing simbolo ng pagkilala at inspirasyon sa mga natatanging mag-aaral ng SGES.
- Sa SGES Alumni Association, lubos ang aming pasasalamat sa inyong pagtulong sa pagpapatayo ng school water system na nagbigay ginhawa at katiyakan sa kalinisan at kalusugan ng buong komunidad ng paaralan.
Ang lahat ng inyong ambag sa anyo ng oras, talento, at mga materyal na tulong, ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng ating paaralan ngayong taon. Nawa’y patuloy tayong magkaisa para sa mas maliwanag na kinabukasan ng mga kabataan ng San Gabriel Elementary School.
Maraming salamat at mabuhay kayong lahat!