05/05/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐๐บ๐บ๐ฒ๐ฟ, ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น
Ang Kaligtasan National High School ay nagsagawa ng masusing School Planning para sa implementasyon ng ๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐๐บ๐บ๐ฒ๐ฟ ngayong ika-5 ng Mayo 2026, bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng programa.
Pinangunahan ang nasabing gawain ni Punongguro ๐๐ด๐ป๐ฒ๐ ๐๐ฟ๐ด๐๐ถ๐น๐น๐ฒ๐-๐ง๐ฎ๐น๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐ฑ,๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐ก ๐, katuwang sina ๐๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐ซ๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐จ๐ง- ๐
๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐จ, ๐๐๐๐ค๐ค๐ก ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข ๐พ๐ค๐ค๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฉ๐ค๐ง,at ๐๐๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ, ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ช๐ข๐ข๐๐ง ๐๐ค๐๐๐ก ๐๐๐ง๐จ๐ค๐ฃ. Layunin ng pagpupulong na matiyak ang maayos at epektibong implementasyon ng ARAL Summer Program sa paaralan.
Sa isinagawang talakayan, sinuri ang mga kinakailangang paghahanda kabilang ang mga available na learning materials, bilang ng mga gurong boluntaryong makikilahok, at dami ng mga mag-aaral na target na benepisyaryo ng programa. Mahalaga ring tinalakay ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga gurong tagapayo upang matukoy at makumpirma ang mga mag-aaral na unang naitala bilang kalahok batay sa resulta ng EOSY PHIL-IRI.
Kaugnay nito, aalamin din ng paaralan ang kagustuhan ng mga mag-aaral na lumahok sa programa, gayundin ang mga dahilan ng hindi pakikilahok ng ilan, upang makapaglatag ng angkop na interbensyon at mas mapalawak ang saklaw ng programa.
Samantala, matagumpay na naisagawa ang ๐ผ๐ฟ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang na nagpahayag ng kanilang suporta at kahandaang makiisa sa nasabing programa ng Kagawaran ng Edukasyon.
Patuloy ang pag-asa ng pamunuan ng paaralan na mas madaragdagan pa ang bilang ng mga mag-aaral na lalahok sa ARAL Summer, bilang isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kakayahan sa pagbasa at pagkatuto ng mga kabataan.