01/06/2026
Isang taos-pusong PASASALAMAT sa lahat ng nakiisa sa ating Unang Araw ng Brigada Eskwela! 🏫✨
Buhay na buhay ang diwa ng Bayanihan sa ating komunidad. Sa ating mga masisipag na g**o, magulang, mag-aaral, alumni, LGU officials, Brgy.Digmala, Catholic Youth Organization, Bongabon Dance Fitness Instructors,Ministry of Gifts, stakeholders, at mga volunteers — ang inyong oras, pawis, at dedikasyon ay napakalaking tulong upang masig**ong malinis, ligtas, at maayos ang ating paaralan para sa pagbabalik ng mga kabataan.
Simula pa lamang po ito! Hinihikayat namin ang lahat na patuloy na sumuporta sa mga susunod pang araw ng ating Brigada. Sama-sama nating patunayan na walang mahirap kapag tayo ay nagtutulungan. Mabuhay po kayo! 💪💙