19/08/2026
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026 🇵đź‡đź“–
Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Zaragoza (PMPZ) ay buong pusong nakikiisa sa Komisyon sa Wikang Filipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, alinsunod sa Proklamasyong Blg. 1041.
Sa temang: “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”, ating pinatitibay ang paniniwala na ang Wikang Filipino ay dapat maging bahagi ng agham, pananaliksik, at makabagong teknolohiya — upang maging daan ang ating kultura sa mas malawak na kaalaman at pag-unlad ng bayan.
Isulong ang sariling wika sa modernong panahon! đź’Şđź’™