07/09/2026
🇵🇭🌺 KULMINASYON NG BUWAN NG WIKA 2026 🌺🇵🇭
Isang makulay, masaya, at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 ang matagumpay nating isinagawa! 🎉📚
Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” ating ipinamalas ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang instrumento ng pagkatuto, komunikasyon, pananaliksik, at pagkakaisa. 💻📖🇵🇭
Ang mga ngiti, makukulay na kasuotan, pagtatanghal, at sama-samang pakikiisa ng ating mga mag-aaral, g**o, magulang, at buong komunidad ng paaralan ay tunay na nagbigay-buhay sa ating pagdiriwang. ❤️
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito. Tunay na mas nagiging makabuluhan ang pagdiriwang ng wika kapag ito ay sama-samang isinasabuhay at ipinagmamalaki. 🌸
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Kulturang Pilipino!
Mabuhay ang ating mga Batang Pilipino! 🇵🇭❤️💙💛
📸✨ Mga kuhang larawan mula sa Kulminasyon ng Buwan ng Wika 2026.
🇵🇭