31/08/2021
CBSAA SHS Brigada Eskwela 2021, inilunsad online
Matagumpay na inilunsad ng City of Bogo Science and Arts Academy Senior High School Department (CBSAA SHS) ang birtwal na pagbubukas ng Brigada Eskwela 2021 nitong Agosto 30, 2021 na may temang “Bayanihan para sa Paaralan”.
Sa pamamagitan ng live video, ginanap ang pagbubukas ng Brigada Eskwela bandang alas 3:00 ng hapon sa page ng CBSAA SHS.
Ayon kay Dr. Norris A. Bregente - Master Teacher I, ang Brigada Eskwela ngayong taon ay kakaiba sa nakasanayan na Brigada Eskwela.
“Unlike the traditional Brigada Eskwela, this year’s program will focus on partnerships to strengthen the implementation of various blended modalities and support initiative teachers and leaders” sabi niya.
Nagbigay mensahe din ang Schools Division Superintendent, Roseller N. Gelig, Assistant Schools Division Superintendent, Christine A. Paquibot, at City Administrator of Local Government Unit (LGU), Max Suico patungkol sa pagbubukas ng Brigada Eskwela sa buong dibisyon ng Lungsd ng Bogo.
Ayon naman sa CBSAA SHS Brigada Coordinator, Mr. Algen A. Oling, sa kabila ng pandemyang ito siya ay umaasa na may handang tumulong, sumuporta at magbigay serbisyo para sa nagaganap na Brigada Eskwela.
“Para sa aming preparasyon sa Brigada Eskwela 2021 gagawa kami ng virtual advertisement para maingganyong tumulong at sumuporta ang mga mag-aaral, magulang at iba pang tutulong sa kabila ng pandemyang ito” ani niya.
“Inaasahan din namin na matagumpay naming magawa ang mga proyektong aming pinagplanohan, katulad ng STEM Aquaponics, TVL Farm School, ABM Showroom at HUMMS Teepee”, dagdag pa ni Oling.
Nagtapos ang paglulunsad sa pagbigay ni Gevhya Marielle N. Anciano, Supreme Student Government President (SSG) ng pagwawakas na pahayag para sa Brigada Eskwela 2021.
📝 Ysobel Bentulan