08/04/2025
DYCI-CAS, WAGI SA βGIMME 5β NG EAT BULAGA!
ni Cloyd Amber DC. Dela PeΓ±a
Sa isang kapana-panabik na pagkakataon, itinanghal na panalo ang mga estudyante ng College of Arts and Sciences (CAS) ng Dr. Yangaβs Colleges Inc. sa segment na βGimme 5: Laban ng mga Estudyanteng Henyoβ ng Eat Bulaga, na ipinalabas ngayong araw, Abril 8, sa TV5. Bitbit nila ang talino, diskarte, at diwang palaban ng kabataang DYCIan.
Naimbitahan ang DYCI ng Eat Bulaga upang sumali sa segment na tampok ang talino ng mga estudyante. Napili ang College of Arts and Sciences bilang pangunahing kinatawan, at pinaghanda ang limang estudyante mula sa programang Agham Pampulitika. Ang mga lumahok ay sina Feliciano Lourd T. Pangan, Ray James βRJβ Almazan, Cloyd Amber DC. Dela PeΓ±a, Elizabeth H. Galupo, at Phoemela Alianah L. Daz.
Dalawa sa kanila ang naging pangunahing kalahokβsi Feliciano, kasalukuyang Bise-Gobernador ng CAS, at si RJ, isang academic achiever at debater ng departamento. Ang tatlo namang kasapi ay nagsilbing suporta at tagapayo ng grupo sa bawat round ng paligsahan.
Sa unang bugso ng laban, nagtala ang DYCI-CAS ng 2 puntos laban sa tatlong paaralan. Sa sumunod na hamon, nagpatuloy ang tagumpay ng koponan sa βPinoy Henyoβ sa score na 2β0. Umabante ang DYCI-CAS sa championship round at muling wagi sa larong βPinoy Henyo,β na nagtala ng final score na 2.
Kasabay ng hiyawan at masigabong palakpakan ng mga DYCIan at manonood sa studio, ipinagdiwang ang tagumpay na ito hindi lamang bilang isang panalo sa kompetisyon, kundi bilang patunay ng katalinuhan at kahandaan ng kabataang DYCIan sa pakikipagsabayan sa mga pambansang plataporma.
Matapos ang matinding tensyon at saya, nagpahayag ng mensahe ang mga kampeon. βTila ba naging worth it lahat ng kaba sa biyahe, lalo na nang nakamit na namin ang panalo,β ani Ray James βRJβ Almazan, isa sa mga lumaban.
Ang segment na βGimme 5: Laban ng mga Estudyanteng Henyoβ ay bahagi ng pinalawak na bersyon ng klasikong larong βPinoy Henyoβ ng Eat Bulaga. Sa unang round, magbibigay ng limang kasagutan ang mga kalahok batay sa ibinigay na kategorya. Sa pangalawa at pangatlong round, magtutunggali naman ang mga nanalong paaralan sa larong βPinoy Henyoβ para sa premyo at karangalan.
Sa tagumpay na ito, muling pinatunayan ng DYCI na sa laban ng talino, dedikasyon, at pusoβang mga DYCIan ay handang humarap at manalo. Tunay ngang sa DYCI, patuloy na hinuhubog ang kinabukasan ng mga estudyante sa akademiko at tagumpay sa buhay!
See more photos here:
https://tinyurl.com/EBG5ftCAS