18/08/2026
📢 MAHALAGANG PABATID SA LAHAT NG ILUMINADIANS!
Nawa'y nasa mabuting kalagayan at ligtas ang bawat isa sa gitna ng inaasahang masamang panahon.
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Malacañang ukol sa inaasahang patuloy na pag-ulan sanhi ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat):
🚨 WALANG IN-PERSON CLASSES
Petsa: August 19, 2026 (Miyerkules)
Modality:FLEXIBLE LEARNING / ALTERNATIVE DELIVERY MODE (ADM)
Walang face-to-face classes bukas. Sa halip, ipagpapatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng asynchrounous activities, online tasks, o modules na ibibigay ng inyong mga g**o.
⚠️ PAALALA PARA SA LAHAT:
Mag-aaral: Manatiling nakatutok sa Group Chats (GC) ng inyong klase para sa mga gabay at aralin mula sa inyong mga g**o.
Mga Magulang/Tagapangalaga: Magtulungan po tayong subaybayan ang pag-aaral ng mga bata habang sila ay nasa bahay.
Kaligtasan muna: Manatili sa loob ng bahay, iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan, at mag-ingat sa banta ng pagbaha at pag-ulan.
Maging alerto at ligtas, Iluminadians! 🌧️🏠
Galing. Talino. Disiplina.
Thru the guidance of School Principal III, Doc Romhel C. Odtohan