12 ABM TAN ‘25-‘26

12 ABM TAN ‘25-‘26 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 12 ABM TAN ‘25-‘26, School, Isok 1, Boac Marinduque, Boac.

Mula sa baitang 12 ABM–TAN, kami ay nakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Pagbasa! 📚Isang mainit na pagpupugay 🫡 sa bawat...
27/11/2025

Mula sa baitang 12 ABM–TAN, kami ay nakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Pagbasa! 📚

Isang mainit na pagpupugay 🫡 sa bawat Pilipinong makata, mambabasa, at sa lahat ng mahusay sa pagbigkas at pagtalakay ng mga kuwentong nagbibigay-saysay sa ating kultura at pagkatao. Isang taos-pusong pasasalamat din sa aming mga g**o 👩‍🏫 na walang sawang gumagabay, nagtuturo, nagtitiis, at nagsisikap upang kami’y mas maging mahusay sa larangan ng pagbasa. Ngunit ano nga ba ang tunay na kahalagahan at importansya ng pagbasa? Halina’t ating alamin! 🤔

Ang pagbasa ay isang pundamental na kasanayan na nagbubukas ng napakaraming pintuan tungo sa pagkatuto at pag-unawa. Sa bawat pahinang binubuksan natin, nakakatuklas tayo ng mga bagong kaalaman, kultura, ideya, at karanasan. Pinalalawak nito ang ating pagtingin at pananaw sa mundo at hinuhubog ang ating kritikal na pag-iisip upang mas malalim nating maunawaan at mabigyang pansin ang mga bagay-bagay sa ating paligid. Hindi lamang tayo nagbabasa dahil gusto natin, kundi dahil nais nating matuto, umunawa, at magkaroon ng sapat na kaalaman na magagamit natin sa tunay na buhay. 💡❤️‍🔥

Mula sa temang “Tulay ang Pagbasa sa Bukas na Puno ng Pag-asa,” 🤝 tunay nga na ang pagbabasa ang nagsisilbing susi sa pagkamit ng mas maunlad, masaganang edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan. 🎓🏫


Address

Isok 1, Boac Marinduque
Boac
4900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 12 ABM TAN ‘25-‘26 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category