06/07/2026
📣PAALALA PARA SA MGA MAGULANG AT MAG-AARAL📣
Bilang pag-iingat at upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa loob ng paaralan, mahigpit pong ipinapaalala sa mga mag-aaral at magulang na huwag magdala ng anumang bagay na maaaring makasakit o makapagdulot ng panganib sa kapwa.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga sumusunod:
📌Matutulis na bagay tulad ng kutsilyo, cutter, gunting (maliban kung kinakailangan sa klase at may pahintulot ng g**o), at iba pang matatalim na kagamitan.
📌Lighter, posporo, paputok, at iba pang madaling magliyab o sumabog.
📌Laruan o anumang bagay na kahawig ng armas.
📌Anumang mapanganib na bagay na maaaring gamitin sa pananakit o pananakot sa kapwa.
Hinihikayat din po ang mga magulang na suriin ang laman ng bag ng kanilang mga anak bago pumasok sa paaralan upang matiyak na ang mga gamit na kanilang dala ay angkop lamang sa kanilang pag-aaral.
Ang paaralan ay isang ligtas na lugar para sa pagkatuto. Ang pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at mga mag-aaral ay mahalaga upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na pangyayari.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pag-unawa. Sama-sama nating panatilihing ligtas, maayos, at mapayapa ang ating paaralan.