13/08/2026
Bayanihan: Bangon, Maraville!
Sa panahon ng pagsubok, ang simpleng pagtulong ay nagiging malaking pag-asa. 🤝
Kasama ang mga SELG OFFICERS, YES-O at mga g**o Ng ESPIRITU ELEMENTARY SCHOOL, taos-puso nating ipinapaabot ang ating nalikum na grocery items, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Maraville, Tabon, Bislig City.
Nawa’y kahit sa munting paraan, makatulong ang mga handog na ito upang maibsan ang kanilang pangangailangan at maramdaman nilang hindi sila nag-iisa.
Sama-sama sa bayanihan. Sama-sama sa pagbangon. 🙏❤️