24/08/2026
๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐๐ข๐ง๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐ง๐ข๐๐ง๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ข๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐ค๐๐๐๐ฆ๐ข๐ค๐จ
Sa pagsisimula ng panibagong yugto ng pag-aaral, sama-samang nagtipon ang mga mag-aaral, g**o, at kawani ng Pangasinan State University Binmaley Campus para sa Panag-Abet Program, kasunod ng regular na flag ceremonyโisang makabuluhang pagsalubong sa mga nagbabalik na mag-aaral at sa mga freshmen na unang tatahak sa buhay-kampus bilang PSUnians.
Sa pangunguna ni Dr. Joseph B. Campit, Campus Executive Director, naging pagkakataon ang programa upang higit na mailapit sa mga mag-aaral ang mga g**ong makakasama at gagabay sa kanila sa buong akademikong taon.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Jan Michael A. Fernandez, Dean ng College of Criminal Justice Education, bilang pambungad sa Panag-Abet at pormal na pagsalubong sa mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik at pagsisimula sa kampus.
Kasunod nito, ipinakilala sa mga mag-aaral ang mga faculty members ng bawat kolehiyo at departamento upang higit nilang makilala ang mga g**ong makakasama at gagabay sa kanila sa buong akademikong taon. Pinangunahan ang pagpapakilala nina Dr. Fernandez para sa College of Criminal Justice Education; Mr. John V. Bernardo, Chairperson ng Fisheries Department; Dr. Lorena F. Aquino, Chairperson ng Environmental Science; at Dr. Jean Camile C. Ermino, Chairperson ng College of General and Teacher Education.
Para sa mga freshmen, higit ito sa simpleng pagkilala sa mga pangalan at mukha. Naging unang hakbang ito upang maging pamilyar sila sa mga g**ong magiging bahagi ng kanilang pagkatuto at sa komunidad na kanilang tatawaging tahanan sa mga susunod na taon.
Nagbigay naman ng pangwakas na pananalita si Dr. Romeo A. Caloza, Dean of Student Services and Alumni Affairs, na naghatid ng mensahe para sa mga mag-aaral sa pagsisimula ng kanilang panibagong akademikong paglalakbay.
Nagbigay-kulay at sigla rin sa programa ang Katayugan Dance Group, sa pamumuno ni Mr. Alvin P. Cendaรฑa, sa pamamagitan ng kanilang pagtatanghal na lalong nagpasigla sa pagtanggap sa mga PSUnians.
Sa muling pagbubukas ng mga pintuan ng PSU Binmaley, sabay nating salubungin ang panibagong taon ng pagkatuto, pagkakaibigan, at mga bagong karanasan. Maligayang pagdating at pagbabalik, PSUnians!