17/08/2026
🦠 LEPTOSPIROSIS
"Sa ilalim ng baha, nakatago ang sakit. Huwag mong subukang hanapin."
⚠️ Bakit Ka Dapat Matakot?
Ang leptospirosis ay hindi biro. Kapag umulan at bumaha, nahahalo ang bacteria sa tubig. At kapag may sugat ka, o kahit basag lang ang balat mo, pwedeng pumasok agad sa katawan mo ang sakit na 'to.
Ang pinakanakakatakot?Hindi mo ito mararamdaman agad. Ang sintomas ay pwedeng lumabas 2 araw hanggang 2 linggo pagkatapos kang malusong sa baha.
🚨 Bantayan ang mga Sintomas na Ito
• Mataas na lagnat — biglaang lalagnatin, parang trangkaso.
• Sakit ng ulo — mahapdi, parang pinipiga.
• Sakit ng kalamnan — lalo na sa binti at likod, hirap kang maglakad.
• Pamumula ng mata — parang iritado, pero iba na pala ang dahilan.
• Paninilaw ng balat — senyales na apektado na ang atay.
• Pag-ihi ng konti — delikado, baka kidney failure na 'to
⚠️ Kapag may 2 o higit pa sa mga sintomas na ito — lalo na kung nakalusong ka sa baha — huwag maghintay. Magsabi agad sa magulang at magpatingin sa doktor. Ang maagang paggamot ang susi para hindi lumala.
🛡️ Paano Ka Makakaiwas?
Simple lang. Tandaan ang dalawang bagay: IWAS at LINIS.
IWAS: ❌
- Huwag lumusong sa baha, kahit mukhang mababaw lang.
- Kung hindi maiiwasan — magsuot ng "bota", takpan ang mga sugat ng "band-aid", at huwag hayaang kumapit ang baha sa balat.
- Iwasang kumain ng pagkaing nadikit sa baha.
LINIS: 🫧
- Linisin ang paligid para *walang pamahayan ang daga*.
- Takpan ang basurahan at itapon agad ang mga dumi.
- Itago ang pagkain sa lalagyan na *hindi mapapasukan ng daga*.
- Siguraduhing malinis ang inuming tubig.
🩺 Nakalusong Ka sa Baha? Ganito Gawin Mo
1. Hugasan agad ang katawan ng sabon at malinis na tubig.
2. Obserbahan ang sarili sa loob ng 2 linggo
3. Magpatingin sa doktor — kahit walang sintomas, para sigurado
Kaya huwag ipagwalang-bahala. Kalusugan ay ingatan, sakit ay iwasan!
🍃✍🏻 Angel Rose [YES-O President]
🍃✍🏻 Wilfredo Austria [YES-O Vice-President]
🍃✍🏻 Danaya [YES-O P.I.O]