19/08/2026
AUGUST 20,2026 (THUR) ALTERNATIVE WORK AND ALTERNATIVE LEARNING MODE (ODL) PER OFFICE OF THE PRESIDENT. FYI
📣 ANNOUNCEMENT | ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS SA MGA GOV’T OFFICES AT ALTERNATIVE LEARNING MODES PARA SA MGA PAARALAN (AUGUST 20)
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 ng OFFICE OF THE PRESIDENT, ipatutupad bukas, August 20, ang mga angkop na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Rizal bilang tugon sa patuloy na epekto ng enhanced Southwest Monsoon o Habagat at sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng localized flooding at travel hazards.
Para naman sa mga paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes at learning continuity measures para sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Gayunman, ang mga ahensiya at tanggapang may kinalaman sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang vital services ay inaatasang magpatuloy sa operasyon at magbigay ng kinakailangang serbisyo sa publiko.
Ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers na mailalagay sa alternative work arrangements ay babayaran ng kaukulang sahod o suweldo, alinsunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon.
✅ Mananatiling bukas at operational ang mga sumusunod na frontline services ng Pamahalaang Bayan:
• Botika ng Bayan – libreng gamot
• Budget at Accounting – processing ng pondo at obligations
• Health Office – medical services at public health support
• Legal Office — notary service
• Local Civil Registry — registration of birth, marriage, and death
• Mayor’s Office – financial assistance
• MDRRMO – emergency at disaster response readiness
• MSWDO – financial assistance at social welfare programs
• PIO – real-time updates
• Treasury – koleksyon, bayad ng buwis at fees
👉 Para naman sa mga pribadong kumpanya at tanggapan, ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay mananatiling nasa pagpapasya ng kani-kanilang management o heads.
Patuloy na mag-ingat at unahin ang kaligtasan. Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pabago-bagong lagay ng panahon, hinihikayat ang lahat na manatiling alerto, umiwas sa mga lugar na maaaring bahain, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng pamahalaan.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1cJvJhD5XQ/
💙