09/08/2026
https://www.facebook.com/share/1BZHx67bso/?mibextid=wwXIfr
๐ฃ NO FACE-TO-FACE CLASSES (ALL LEVELS)
Bilang pag-iingat sa patuloy na pabago-bagong lagay ng panahon at sa umiiral na YELLOW RAINFALL WARNING, wala pong face-to-face classes para sa lahat ng antas sa mga public at private schools sa August 10, Lunes.
Ipatutupad ang mga angkop na alternative learning modalities upang maipagpatuloy ang pag-aaral habang higit na inuuna ang kaligtasan ng ating mga estudyante, g**o, at school personnel.
Sa gitna ng pabago-bagong panahon at muling pagbuhos ng pag-ulan, mahalagang magkaroon ng pagkakataon ang ating mga paaralan na makapaglinis, makapag-ayos, at makapaghanda matapos ang malalakas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Lalo na ang mga paaralang naapektuhan ng pagbaha o pansamantalang nagsilbing silungan ng ating mga kababayan, kinakailangang maihanda muna ang mga pasilidad bago muling makabalik ang mga mag-aaral.
Gamitin din natin ang araw upang unti-unting makabawi at maihanda ang ating mga tahanan. Maglinis, mag-ayos, maglaba at magpatuyo ng mga uniporme, at tapusin ang mga takdang-aralin. Higit sa lahat, maglaan tayo ng oras sa pahinga, sa pamilya, at magdasal na sana ay tuluyan nang kumalma ang panahon.
Patuloy pong nakahanda ang ibaโt ibang tanggapan na umalalay at tumugon sa ating mga kababayan. Hinihiling lamang po ang patuloy na pag-iingat ng bawat isa at maayos na pakikipag-ugnayan upang mas mabilis na maihatid ang tulong.
Hindi man natin kontrolado ang panahon, kaya nating harapin ang mga hamon nito nang magkakasama. Manatiling ligtas at alerto, ๐
Source:
๐ PAGASA Heavy Rainfall Warning No. 36
๐ง๏ธ Enhanced Southwest Monsoon (Habagat)
๐ 5:00 PM | August 9, 2026
๐ https://www.facebook.com/share/p/1GSmwo1449/