Supreme Elementary Learner Government - SELG - Tayuman Elementary School

Supreme Elementary Learner Government - SELG - Tayuman Elementary School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Supreme Elementary Learner Government - SELG - Tayuman Elementary School, Elementary School, Tayuman Binangonan Rizal, Binangonan.

15/03/2026

A huge salute to our dedicated SELG Officers for proving that leadership and academic excellence go hand in hand!

Congratulations to our student leaders who successfully passed the Rizal National Science High School Entrance Exam and are moving forward to the interview stage:

Chrishanie Lei Peralta

Carmel Grace Simagala

Princess Emmah Realingo

Your Tayuman ES family is incredibly proud of how you represent our school. Continue to lead, inspire, and aim for the stars! 🌟

Headline: The Future of Science is Bright at Tayuman ES! 🌟

Huge congratulations to our brilliant students who passed the Rizal National Science High School Entrance Exam! Your hard work, late-night reviews, and dedication have paid off.

Next stop: The Interviews! We are rooting for you:

Carreon, Rhianna

Jimenez, Raia Angela

Mendiola, Yuan Robi

Nono, Azaraiah

Pagulayan, Marco Lei

Peralta, Chrishanie

Realingo, Princess Emmah

San Pascual, Nica Sofia Marie

Simagala, Carmel Grace

Fly high, young scientists! The entire Tayuman community is behind you. πŸ¦…πŸ’»

Photos from DepEd Tayo Blue Rizal - Tayuman ES's post 05/03/2026

πŸŽ‰πŸ‘‘ A Proud Moment for the SELG Family! πŸ‘‘πŸŽ‰

The Supreme Elementary Learner Government (SELG) of Tayuman Elementary School proudly congratulates our very own SELG President, Chrishanie Lei Peralta, for being crowned Ms. Special Science Class – Intermediate Level in the recently concluded Mr. and Ms. Special Science Class event. πŸŒŸπŸ”¬

Your achievement is a true reflection of your dedication, intelligence, confidence, and leadership. As a leader of our learner government, you continue to inspire your fellow learners by showing that excellence is not only measured in academics, but also in character, creativity, and the courage to stand confidently on stage.

Winning this prestigious title proves that you embody the qualities of a true young leader β€” someone who leads with grace, brilliance, and confidence. Your performance showcased not only your beauty and poise but also the creativity and scientific spirit that the Special Science Class proudly represents.

Your SELG family is extremely proud of you! May this achievement motivate you to continue shining, leading, and inspiring other learners of Tayuman Elementary School to pursue their dreams and showcase their talents.

Once again, congratulations President Chrishanie Lei Peralta! πŸ‘‘
Your Tayuman ES community celebrates this wonderful milestone with you.

✨ Leadership with confidence. Excellence with humility. A true pride of SELG.





18/02/2026

Happy birthday, Felicity Gwyneth!!! 🩷
Wishing you a day filled with happiness, laughter, and all the things that make you smile. You are such a bright, kind, and inspiring person, and everyone is lucky to have you around. As our S.E.L.G Vice President, you lead with confidence and heart. May this year bring you more achievements, new adventures, and dreams coming true. Keep shining and being amazing! Happy birthdayyy!🩷🫢

Photos from Supreme Elementary Learner Government - SELG - Tayuman Elementary School's post 18/02/2026

πŸ“’βœ¨ DISTRICT-BASED SELG ELECTIONS S.Y. 2026–2027 βœ¨πŸ“’

Buong pusong ipinagmamalaki ng SELG Tayuman Elementary School ang pakikilahok sa ginanap na District-Based SELG Elections para sa School Year 2026–2027 na idinaos sa Binangonan Elementary School.

Kinatawan tayo ng ating masipag at mahusay na SELG President, Fatiman O. Sumagpao, kasama ang kaniyang SELG Adviser na si Christian Ivan I. Celestra, sa mahalagang gawaing ito na nagpapakita ng tunay na diwa ng liderato at pakikiisa.

Ang aktibong pakikilahok na ito ay patunay na ang Tayuman ES ay patuloy na humuhubog ng mga lider na may integridad, malasakit, at kakayahang magsilbi para sa kapwa mag-aaral. πŸ’™πŸ’›

Padayon, mga Batang Tayuman! Ipagpatuloy ang pagiging ehemplo ng responsableng pamumuno at makabuluhang partisipasyon. 🌟




Photos from Supreme Elementary Learner Government - SELG - Tayuman Elementary School's post 13/02/2026

πŸŽ‰βœ¨ SELG S.Y. 2026–2027 OATH-TAKING CEREMONY βœ¨πŸŽ‰

Masayang ipinakilala at opisyal na nanumpa ang ating bagong halal na SELG Officers S.Y. 2026–2027 sa harap ng ating mahal na School Principal, Madam Dionicia C. Figura, kasabay ng kanilang patnubay at paggabay ng SELG Adviser, Mr. Christian Ivan I. Celestra. πŸ“œπŸ’–

Sa panunumpa, ipinangako ng ating mga opisyal na magsilbi nang tapat at buong puso sa kanilang mga kapwa mag-aaral, paaralan, at komunidad. πŸ’ͺπŸ’«

Mabuhay ang SELG 2026–2027! Nawa’y maging inspirasyon sila sa lahat ng mag-aaral at ipakita ang tunay na diwa ng paglilingkod, pagkakaisa, at malasakit. 🌟




Photos from Supreme Elementary Learner Government - SELG - Tayuman Elementary School's post 13/02/2026

β€οΈπŸ“’ WEAR RED DAY 2026 πŸ“’β€οΈ

Nagningning sa kulay p**a ang buong Tayuman Elementary School sa ating pagdiriwang ng Araw ng mga Puso! 🌹

Maraming salamat sa lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani na nakiisa sa ating Wear Red Day bilang simbolo ng pagmamahal, pagkakaisa, respeto, at malasakit sa isa’t isa.

Nawa’y patuloy nating ipakita ang tunay na diwa ng pagmamahal hindi lamang tuwing Valentine’s Day, kundi sa araw-araw nating pakikitungo sa kapwa. πŸ’•

Pinangunahan ng SELG Officers S.Y. 2026–2027
Sa patnubay ng ating SELG Adviser,
Mr. Christian Ivan I. Celestra




12/02/2026

πŸ’– Valentine’s Day Photobooth sa Tayuman Elementary School! πŸ’–

Tayumanians, handa na ba kayong mag-picture at mag-enjoy? πŸ“Έ
Sa Biyernes, February 13, 2026, bisitahin ang Tayuman Elementary School Covered Court at kuhaan ang inyong mga sweet moments sa Valentine’s Day Photobooth! πŸŽˆπŸ’Œ

Magdala ng inyong ngiti, props, at masasayang poses!
Organisado ng SELG Officers S.Y. 2025–2026.

Huwag palampasin – perfect ito para sa inyong mga alaala ngayong Araw ng mga Puso! ❀️

11/02/2026

MERON KA BANG GUSTONG SABIHIN PERO ’DI MO KAYA? πŸ’Œ

Tayumanians! Oras na para ilabas ang inyong mga nararamdaman ngayong darating na Valentine’s Day! ❀️

Nahihiya ka bang magpasalamat kay Teacher? Gusto mo bang bigyan ng sulat ang iyong BFF? O baka naman may "secret crush" ka na gustong padalhan ng mensahe? Sagot na ’yan ng inyong SELG Officers!

πŸ“ Saan: Tayuman Elementary School Covered Court πŸ“… Kailan: February 13, 2026 (Friday)

Huwag kalimutang dumaan sa aming SELG Love Letter Box at ihulog ang inyong mga sulat na puno ng pagmamahal at appreciation! See you there! ✨

11/02/2026

Isang mainit na pagbati sa mga bagong halal na SELG Officers S.Y. 2026–2027! πŸ‘

Ang inyong panalo ay simula ng mas makulay at makabuluhang paglilingkod para sa kapakanan ng bawat mag-aaral. Ipagpatuloy ang pagiging responsable, matapat, at masigasig na lider!

Together, let’s make our school better and brighter! 🌟


Photos from Supreme Elementary Learner Government - SELG - Tayuman Elementary School's post 11/02/2026

πŸ“’ OPISYAL NA ANUNSYO

Ipinababatid sa lahat ng mag-aaral, g**o, at magulang ng Tayuman Elementary School na ang opisyal na resulta ng Online Voting para sa SELG Officers S.Y. 2026–2027 ay pormal nang inilalabas ngayon.

Ang online na botohan ay nagsimula kaninang 8:00 ng umaga at natapos nang eksaktong 4:00 ng hapon sa pamamagitan ng Google Forms. Matapos ang pagsasara ng botohan, ang lahat ng boto ay maingat na sinuri, tinipon, at tinallay upang matiyak ang isang malinis, maayos, at makatarungang proseso ng halalan.

Narito sa kalakip na larawan ang opisyal na bilang ng mga boto at kabuuang tally ng bawat kandidato bilang patunay ng transparency at integridad ng ating isinagawang eleksyon.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mag-aaral mula Baitang 2 hanggang Baitang 5 na aktibong nakilahok at naging bahagi ng demokratikong prosesong ito.

Binabati namin ang lahat ng nanalong kandidato na siyang magsisilbing bagong SELG Officers para sa S.Y. 2026–2027. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon at maging huwarang lider ng ating paaralan.

Mabuhay ang kabataang Tayuman!
Mabuhay ang bagong halal na SELG Officers! πŸŽ‰

10/02/2026

Mabuhay, mga Batang Tayuman!

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Pag-ibig at Pagkakaisa, ang inyong Supreme Elementary Learner Government (SELG) ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani ng ating paaralan para sa ating:

🌹 "WEAR RED DAY" 🌹

πŸ—“ KAILAN: February 13, 2026 (Biyernes)
πŸ“ SAAN: Tayuman Elementary School

Layunin ng gawaing ito na ipakita ang ating pagmamahal sa ating kapwa at ang ating pagkakaisa bilang isang pamilya sa Tayuman ES. Kaya naman, hinihikayat ang lahat na magsuot ng p**ang damit o t-shirt sa araw na ito!

Paalala:

Manatiling maayos at disente ang ating kasuotan (School Appropriate).

Huwag kalimutang magdala ng inyong pinakamatamis na ngiti! 😊

Sabay-sabay nating punuin ng kulay at pagmamahal ang ating paaralan! Kita-kits, Tayumanians!

Want your school to be the top-listed School/college in Binangonan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Tayuman Binangonan Rizal
Binangonan
1940

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm